Chapter 64

3.9K 146 2
                                    


"So LQ kayo??? kakabalikan niyo lang LQ agad? ano wala na ba talagang forever???"

Natawa naman ako ng konti kay Tintin.

"LQ lang... di kami maghihiwalay.. baliw ka ba?"

Natatawa kong sabi.

Nagkita kasi kami... siya na lang niyaya kong kumain since iniwan ako ng girlfriend ko.

Siya padin talaga yung Vanessa ko na may toyo.

"Naiinis din ako sa sakin... eh imbes kasi na lambingin ko pinatulan ko pa. Kaya ayun..."

Napahinga na lang talaga ako ng malalim.

"Alam mo kasi... siguro nararamdaman niya lang na parang di mo siya pinagkakatiwalaan... tsaka diba dapat kayong dalawa ang magkasama sa ganyang sitwasyon? kaso... sinosolohan mo...edi sana sarili mo na lang jinowa mo."

I hate to admit it, but she's right.

Kaso di talaga pwede.

"Hahayaan ko muna sya... di naman siguro niya ko matitiis."

Isang iling naman ang ginawa niya.

"Bahala ka nga..."

Naalala ko.

"Musta kayo ni ate?"

Nabigla ata at naubo siya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na magkaibigan lang kami ha?? napakadumi ng isip mo."

Napairap naman ako.

"Wala pa nga akong sinasabi ehh."

Sabi ko 

"Naku! wag nga ako Lala! alam kong doon ang tungo nun! Kahit na nawala ka ng ilang taon basa ko parin ang utak mo."

Tawa lang ako ng tawa.

Nainis kasi ehh.

"OKAY. Relax."

Siya naman ngayon ang umirap.

"Uhmm.. Ms. Kristine? pwede po magpapic?"

Tumango naman siya at pinagbigyan ang tagahanga niya.

Ilang minuto pa lang kaming nakaupo rito pero ilang tao na ang lumapit sa kanya upang magpapicture.

"Ang swerte ko pala... may kasama akong model."

Pagbibiro ko 

"Duh... Kaya nga umayos ka."

Hay naku...

"Okay po Madam."

Pagbibiro ko saka kami tumawang pareho.

Ang totoo wala nang problema sakin kung may something ba talaga sa kanila? kasi sino ba naman ako diba?

"Sinabi ko kay Hannah na kasama kita."

Kaagad naman akong na napatingin sa kanya.

"Ano raw?"

Tanong ko.

"Yummy daw ako."

Napairap na lang ako.

"Mukha mo."

Matapos naming kumain ay naghiwalay na kami.

Ako naman ay dumiretso na sa opisina ko.

"Boss, guess what? uuwi na raw yung mokong. "

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon