Chapter 34

4K 184 13
                                    

Masakit ang ulong napabangon ako habang sapo sapo ito.

"Uhhhhh ang sakit..."

Reklamo ko saka dumapa.

Pano ba naman kasi nilasing nila ako kagabi. Buti na lang pagdating ko kagabi hindi nagalit sina ate.

Nakapikit parin ako nang magring ang cellphone ko.

"Hello?"

Bungad ko.

"Hey Lala?? I heard nalasing ka raw kagabi."

Si Shana pala.

"Oo ehh. Pano kasi ang daming biniling drinks ni Aira."

Sabi ko.

"Masakit ba ulo mo? Puntahan kita."

Napabalikwas naman ako.

"Naku wag na Shana! okay lang naman ako ehh."

Sabi ko. Kapag kasi sinabi niyang pupunta siya, pupunta talaga siya.

"Sure?? but if you change your mind call me okay??"

She said. Ang bait niya talaga.

Matapos nun ay binasa ko lahat ng message sa akin. One that caught my eyes are from Vanessa's.

Napahinga ako ng malalim saka tinapon ang telepono ko.

Ayoko munang makausap siya.

Tumayo na ako upang maghilamos at magmumog. Saka ako uminom ng gamot sa sakit ng ulo.

Pagbaba ko walang tao pero tinungo ko ang kusina at napangiti ako nang makita ang shake na ginawa ni ate Rona sa loob ng ref.

"Para sa hangover mo bunso.
❤Ate Rona"

Kinuha ko yun at sumalin sa baso.

May nakahanda na ring pagkain na sinimulan ko nang kainin.

Dahil masakit talaga ang ulo ko kaonti lang ang nakain ko. Matapos kong hugasan ang mga ginamit ko ay naupo ako sa sofa habang umiinom parin ng shake.

Tamad na nakasandal lang ang ulo ko habang nanunuod ako.

Ilang oras na akong nakaupo rito nang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Rein na mukhang hindi maipinta ang mukha.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ano kayang nangyari??

Pero naramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa tabi ko.

Kita kong napasabunot siya sa sarili niyang buhok at parang may gumugulo sa isip niya kaya hindi ko na kinaya.

"Okay ka lang Kuya?"

Tanong ko.

"I-messed up..."

Doon ko lang napagtantong umiiyak pala siya kaya naman niyakap ko na siya.

"Kuya? a-anong nangyari??"

Tanong ko.

"Nakakahiya... I'm so stupid.."

"Anong nangyari??"

Tanong ko ulit.

"I-I forced her..."

Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig.

"Forced to what???"

Tila nagpipigil na tanong ko. Wag naman sana.

"She was saying no pero pinilit ko parin..."

Nang marinig ko yun ay kaagad akong bumitaw sa kanya.

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon