Kalahating araw na ang lumipas simula nung hinatid ko si Olive sa airport. Tanging pagbuntong hininga na lang ang ginagawa ko simula nung makarating ako ng mansyon ni Nica.
Nasa tapat lang kasi ako habang nagmumukmok sa tabi ng fountain kung saan nakatitig lang ako sa mga isdang lumalangoy.
Namomroblema din kaya tong mga to? buti pa sila palangoy-langoy lang.
"Hoy!"
"Ay butiki!!!!"
Sigaw ko sa sobrang gulat.
"ANO BA NICA!!! LAGI KA NA LANG NANGGUGULAT!!!"
Sigaw ko saka tumayo.
Yung isa tumatawa lang at halos mapaluhod na habang hawak tiyan niya.
"Hahahaha that was epic! you almost tripped!!"
Di ko napigilang paluin siya saka magwawalk out na sana nang tawagin niya ako.
"Teka! mukhang problemado ka... tamang tama tumawag si Aira kanina. "
Hinila niya ako papunta ng kotse pero hinigit ko pabalik ang kamay ko.
"Iinom tayo?? ayoko. Pinangako ko nang di na ako iinom ehh."
"Sasama ka o ipapabitbit kita kay James?"
Napatingin naman ako kay James na kumaway pa.
"Kahit na anong gawin mo di ako sasama."
Naglakad na ako paalis nang bigla akong napasigaw dahil ginawa nga ni James ang banta ni Nica.
"James!!! ano ba!! ibaba moko!!! ayoko nang uminom!!! ahhhhhhh"
Pero kahit na anong gawin ko naipasok niya na ako ng kotse kaya inis na napaupo na lang ako.
"Okay fine! you won't drink... kahit sana presence mo na lang. Damn it, hanggang ngayon killjoy ka parin."
Natahimik naman ako saka naupo ng maayos.
"Di talaga ako iinom."
Ten years later....
CHAROT.
*Ahem*
Makalipas ang ilang sandali......."SA ILALIM NG PUTING ILAW!!! SA DILAW NA BUWAN!!!"
Sigaw ko habang paikot-ikot kami sa buong dining.
Magkakaakbay pa kami habang kumakanta hahahaha. Ang saya saya lang.
Kaso nahihilo na ako at nahihirapan na rin akong tumayo.
"Pa-hik! king gan mo ang ak-hik-ng sigaw!!! Sa di-law na BUWAAAAAAAN!!'
Natawa kaming apat dahil pumiyok pa si Tintin.
"Hahahaha isa pa!!!"
Sigaw ni Nica saka nagbukas pa ng tig iisa pang bote na ikinalulugod kong tinanggap.
Napatitig ako sa bote saka nagsimulang makipagsayaw rito.
"Woahhhh!!! gusto kita-hik- isayaw ng mabagaaaaaaaaal...."
Third person's point of view.....
Kasalukuyang lasing na nagsasayawan ang apat na matatalik na magkaibigan habang pinapaikutan ang lamesa nasa harap nila.
Si Lala na nangakong hindi na iinom ay ngayon lasing na lasing na habang nakikipagsayaw sa boteng hawak niya.
Hindi niya na kasi nahindian ang mga kaibigan kanina.
Sa itsura nila ay malayo nang makauwi pa sila o makalabas man lang sa bar na inupahan nila.
Ngunit makalipas ang ilang oras ay dumating ang kasintahan ni Aira na si Charlotte upang sunduin siya at nagulat ito nang makitang nandoon din ang taong matagal na nilang hindi nakikita at yun nga ay si Lala.
Ano kayang gagawin niya?