"That's all for today class! see you all tomorrow."
Nagsitayo na ang lahat nang sabihin ko ito. May mga nagmamadaling lumabas ng pinto at may iba pang naghahabulan.
Seeing them reminds me of the old times. At di ko inaasahang matatagpuan ko ang sarili ko sa pagtuturo.
I'm a regular professor now in the same university that I've been to. Napahinga ako ng malalim saka napailing.
"How's my beautiful fiancee?"
Nang marinig ko yun ay kaagad akong napalingon at sinalubong ng yakap ang mapapangasawa ko.
"Ethan!"
Masaya kong yakap sa kanya.
"I thought, next week pa ang balik mo??"
Nagtataka kong tanong habang nakasabit parin sa mga balikat niya.
"Well, I've missed you. Feeling ko mababaliw na ako sa sobrang pangungulila sayo."
Natawa naman ako saka pinisil ang ilong niya.
Ethan is a nice guy. He made me feel special during those time that I feel so bad about myself. Dahil sa kanya naging masaya ako ulit. Di ko inaasahang mahuhulog akong muli sa isang tao. He may not be as handsome as other guys, or as cool as any of them. But he has the purest heart. Nirerespeto niya ako kahit na alam niya ang naging past ko. I met him three years ago in one of our charity works. He was one of the volunteers and later I found out na galing pala siya sa bahay ampunan na iyon.
"Ikaw talaga... halika na nga. Nagugutom na ako ehh."
He then smiled offering me his arms.
This is our usual routine. Pupuntahan niya ako dito sa university para maglunch at susunduin niya ako pauwi.
He never missed any of them at pag may free time nagtatravel kami.
When he proposed to me, alam ko naramdaman ko na iyon ang tama. Siya ang taong nararapat kong makasama habang buhay.
I think he would be a great husband and a father.
But I know you're probably wondering about how I feel about Lairein. Lairein is my greatest love, yes. Pero matagal ko nang natanggap na hindi kami para sa isa't-isa. No matter how hard I fight alam kong hindi kami pagbibigyan ng tadhana. And it looks like she feels the same way dahil nalaman kong wala na siyang planong bumalik. Hindi ko siya masisisi dahil sobra din ang hirap na pinagdaanan niya.
Imagine being left out by your own family, it hurts more than a break up diba?
Pero there just these days that I still wonder about her. Kumusta na kaya siya? masaya na ba siya? does she even remember me?
Charlotte and Isabelle used to say that she'll come back pero napagod na akong maniwala at maghintay. Nanghihinayang raw sila.
One day I told them to stop. Sabi ko ayoko na at pagod na ako hanggang sa pati na rin sila ay sumuko na.
Hapon na nang maihatid ako ni Adrian sa bahay. I still live with my parents and they are both happy for us.
Before, nahirapan si Ethan sa pagkuha ng loob ni Dad but eventually he made him change his mind. They were very excited lalo na nung nalaman nilang ikakasal na kami.
Lahat sila minamadali na kaming magpakasal kaso nararamdaman kong hindi pa ako handa kaya sabi ko saka na.
Charlotte and Isa was also okay with it kaso masyado silang nahulog sa ' 'fairy tale like' love story namin ni Lairein kaya minsan kinukompara nila si Adrian at Lairein.