Lilly's Pov:
I am Lilly Smith 21 yrs.old, graduate BS Administration pero eto tambay sa bahay, ako na siguro ang ibig sabihin ng salitang BORING , as in sobrang boring, kain, gadgets, tulog bakit? Dahil lang naman sa mommy kona sya mismong nagdedesisyun sa buhay ko, sya na daw ang bahalang humanap ng magandang kompanya na pwede kong pasukan, ginagawa nyakong bata. Yung daddy ko naman annul na sila ni mommy , italyano kasi yung ewan kong daddy. So kasalukuyan akong nagcecellphone dito sa couch ng biglang bumaba galing sa taas si mommy.
"Anak, i have to go na, nakapagluto nako ng pancakes dyan, tapos yung pang lunch mo nasa ref. Init monalang sa microwave, bye anak" sabi nya at kiniss ako sa pisngi, but whatever, hinayaan konalang syang lumabas ng bahay ng wala akong sinabi. Ayaw ko kasi syang makasabay ng breakfast, kakairita puro nalang sya dada ng dada, kung pangaralan ako para lagi akong musmos na walang alam, hello? I am 21 yrs.old alam ko ang ginagawa ko.
So dahil maaga pa naman napagpasyahan kong magbike nalang muna sa labas, subdivision naman toh, kaya walang mga epal na sasakyang mayat maya dadaan.
Nagsuot nako ng sports gear at lumabas na. Naka maluwang na T-shirt ako tapos naka maikling maong short.
Ng masarhan na ang gate biglang may sasakyang tumigil sa katabi lang mismo ng bahay namin. Sa tapat ng isang bahay na matagal ng pinagbebenta. Nung binili namin tong bahay namin. Pinagbibili nadin yang bahay nayan, siguro sila yung bumili, maya maya pa ay may babaeng lumabas duon, i think ka age sya ni mom. Then may handsome guy ding bumaba and i think. ka age ko sya. Wafakels, sumakay nako sa bike ko, kita ko namang napatingin sya sakin. Sinamaan kolang sya ng tingin bago pinaandar ang bike, iniisip kopalang magkakaroon na kami ng kapitbahay? Ano naman kayang klaseng kapitbahay ang mga yun?
Habang nasa kalagitnaan ng pagbibike naaalala ko si Gabriel, napatingin ako sa watch ko, myghad its 8:01am na. Patay ako dun.
Agad agad akong nagbike ng mabilis pauwi sa bahay.
Pagkadating ko, iniwan konalang basta sa garage yung bike at umakyat agad sa taas habang nag aalis ng sports gear.
Inopen ko agad ang laptop ko at tumungo sa terrace ng kwarto ko, dito lang naman ako lagi tumatambay, bukod sa tahimik. Masarap yung fresh air at tanawing walang ibang makikita kundi kapwa malalaking bahay din na for sure kagaya ko teambahay din.
Pag ka open kopalang nag pop-up na agad ang video call ni Gabriel sa screen ng laptop ko. Inayos ko muna ang sarili at nagpunas ng pawis bago sinagot ang tawag nya.
Pagkasagot ko nakita kona agad sya na parang antok na antok na.
"Oh? Bat ganyan itsura mo? Anong oras naba dyan? Matulog kana kaya" bungad ko sa kanya
Sa halip na sumagot pinakita nya sakin yung watch nya, nagulat naman ako ng makitang 2:05am.
Napahawak pako sa bibig.
"Nakoo sorry nalimutan ko, sana natulog kanalang" sabi kopa
"Nakatulog nako, nagising lang ulit ako, ikaw kasi dika man lang nagparamdam kagabi" sagot naman nya.
"Yung gabi nyo kasi, mga 1am dito sa pilipinas" natatawa ko namang sagot.
"Matulog kanalang. Goodnightt" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Sige goodmorning nalang sayo dyan, ingat ka bye" sagot naman nya.
"Byebye" nakangiti kong sagot at kumaway pa sa kanya bago nya inend yung call. So Gabriel is my boyfriend
So dumiretso nalang ako sa pag ffb dito sa laptop ko. Habang naka earphones.
Habang nagsscroll sa newsfeed ko bigla akong nakarinig ng dagumdom na kanta, agad agad kong inalis ang earphones sa tenga ko at hindi ako nagkamali may napakalakas na tunog at san nanggagaling? Sa letchugas na kapitbahay toh.
Agad agad ko namang hinarap ang katabing bahay, nandun yung lalaki sa terrace din, sya yung kaninang dumating, nakaupo sya at nakataas ang paa sa maliit na bubog na lamesa habang tumutogtog ng malakas ang speaker nya.
Lumapit ako ng konti para marinig nya yung sasabihin ko.
"Excuse me, pwede pakihinaan nung speaker mo, kaka distract kasi" nakakaasar kong sabi sa kanya. Pero sa halip na sumagot, tinignan nyalang ako at sinabayan pa yung kanta.
Eto na ang sinasabi ko eh, magkakakapitbahay nalang, bastos pa.
"Baka lang nalilimutan mopo na ang lapit nung bahay nyo sa bahay ko, at dinig na dinig kopo ang jeje songs mo" mahinahon kopang sabi, this time tumayo na sya at pinatay yung kanta.
"Uso pumasok sa loob kung ayaw mong marinig yung pinapatugtog ko" sagot naman nya. Nagkibit balikat naman ako bago sumagot, kasi ang lapit lang talaga nung terrace nya sa terrace ko, in short nasa dalawang dangkal lang ang layo nung bahay nila sa bahay namin.
"At uso din pong mahiya" sagot ko naman in kalma voice.
Pero sa halip na sumagot pa ay bumalik na sya sa pagkakaupo nya. That's good.
Bumalik nadin ako sa pagkakaupo ko at naglaptop. Magsusuot palang ulit ako ng earphones bigla na naman syang nagpatugtog. Bakit may mga taong papansin noh? Kakaasar lang talaga, hindi nako magsasayang ng oras sa mga isip batang kagaya nya, nagpapansin lang eh, eh di wag pansinin para magsawa, hindi naman ako mataray na tao. Hindi din hilig makipagsagutan kung kani-kanino, mas masaya pa yung walang kapitbahay, yung tahimik lang, kesa naman sa ganito. Kinuha kona ang laptop ko at dumiretso sa kwarto tapos ay isinara ang sliding glass door para hindi kona sya marinig, pati mga bintana ko pinagsasarhan konadin, nakakapikon lang talaga yung ganito. No choice kundi mag open ng aircon, bago pako tuluyang mamatay sa init na dala nya.
____
VOTE GUYSSSS
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
JugendliteraturNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...