Neighbor's 26

2.7K 144 2
                                    

So ayun after ng mahaba habang biyahe ay nakarating na kami sa maingay at magulong lane, or eskinita in tagalog, hindi naman ako nainform na dito pala ang address nya, nagtanong tanong kasi kami, yung hapon na pero yung mga bata naglalaro padin sa labas habang ang dudumi na nila. Isama pa yung mga kalat sa maputik na daan.

Binuksan ni Luke yung window ng car bago nagtanong ulit.

"Excuse me ho, kilala nyopo si George Feliciano?" tanong ni Luke dun sa babaeng magulo ang buhok.

"Dun pa sya sa paloob" turo nung babae.

"Pano bayan maglalakad tayo, hindi na kasya yung kotse" natatawa nyang sabi sakin?

"Whatt?? Hello ang putik putik nung daan kahit summer tapos paglalakarin moko dyan? Wow ha! Wow" maarte kong sagot sa kanya.

"Eh sino bang may kelangan dun sa tao? Tsaka magpasalamat ka pa nga at sasamahan kita kahit hindi naman ako ang may kailangan" sagot pa nya.

"Ok eto na nga diba bababa napo" naiinis kong sagot at bumaba na sa nakakayamot na putikang toh. Buti nalang tsinelas yung suot ko, pink pa naman kainis lang ha.

So ayun nagsimula na kaming maglakad sa parusang daang ito, para kaming mga anghel na nagliliwanag dito kasi wala ditong maputi sa totoo lang, halos lahat sila parang hindi inaalagaan yung sarili nila, siguro dala nadin nung lugar, pero seryoso ? Dito ba talaga nakilala ni mommy yung lalaki? Or taga dito ba talaga yun. So habang naglalakad at nagmamasid biglang may tumilapong tsinelas sa may legs ko, eh maikling maong short pa naman yung suot ko, napapikit ako ng bahagya nung umagos na yung putik sa binti ko.

"Kita nyo namang may dadaan diba? Hindi ba pwedeng ihinto muna yang larong yan?" naiinis kong sermon sa mga batang nandun.

"Wooyy ano bayan pati mga bata pinapatulan mo" saway sakin ni Luke, napatingin naman ako sa barkadahan ng mga lalaki sa may gilid habang nag-iinom na nakatingin sakin.

"Eh ikaw kaya yung batuhin ng putiking tsinelas matutuwa ka?" naiinis ko namang sagot sa kanya.

"Hindi naman sinasadya eh, tara na nga" sagot pa nya, nakakainis lang talaga tong mga nangyayari ha, at eto na nga tuluyan ng dumilim, inabot na ata kami ng gabi dito.

"San po dito yung bahay ni George Feliciano?" tanong ulit ni Luke sa isang manang.

"Lilly? Anong ginagawa mo dito?" boses mula sa likod ko, agad agad ko naman syang hinarap ang bumungad sakin yung George.

"Ah ano, hinahanap kasi kita, pwede ba tayong mag-usap?" walang galang kong sagot sa kanya, eh sa hindi nga ako komportable sa kanya.

"Sige tara dun sa bahay ko" sagot pa nya at naglakad na, so balak nya kaming ipasok sa bahay na ganito?

So ayun na nga pumasok kami sa maliit at gawa sa plywood nyang bahay, so may mga upuan naman dung gawa din sa kahoy, pinaupo naman na kami kaya naupo kami.

"Wait lang bili lang ako ng maiinom" sabi pa nya.

"No need, hindi din naman kami magtatagal" medyo mataray kong sagot.

"Woy, matanda sayo yung kausap mo" bulong naman sakin ni Luke, tumingin naman ako sa kanya at inikutan sya ng mata, wala syang pake noh? Sapilitan kotong ginawa para kay mommy kaya walang may pake kung anong gagawin ko.

Naupo nadin naman tong George.

"Pumunta kaba dito dahil sa mommy mo? Di mopaba alam nakipaghiwalay na sya sakin? Kaya wala ka ng proproblemahin" malungkot nyang sagot

Pumikit naman ako ng mabilis at sasagot na sana ng maalala yung putik na natuyo na pala sa legs ko, pero move on sige eto sasagot nako.

"I'm really sorry kung dahil sakin kaya kayo naghiwalay ni mommy, hindi ko alam naalisan kona pala sya ng karapatan maging masaya, sobrang nasaktan sya sa paghihiwalay nyo. At kung tatanggapin nyo. Sana balikan nyo si mommy" paliwanag ko sa kanya, bigla naman syang ngumiti at akmang yayakapin nako pero nagsign ako ng stop.


"Pero hindi meaning nun ayos na tayo, gusto ko magpromise ka ngayon na hinding hindi mo sya sasaktan" seryoso kong sabi sa kanya.


"Promise, hinding hindi ko sasaktan ang mommy mo" nakangiti nyang sagot sakin.


"Magbihis na kayo, kayo ang pinakamahalagang bisita para kay mommy" sagot ko at lumabas na ng bahay.


"Salamat Lilly" sabi pa nya, humarap naman ako sa kanya at ngumiti.

"Nice decision" komento ni Luke habang naglalakad kami.

Hindi konalang sya pinansin at nanatiling naglalakad sa maduming daan ng may maabutan kaming nag aaway na dalawang bata sa kadiliman ng gabi pero syempre may mga ilaw naman yung mga bahay na nagsisilbing liwanag dito sa daan nila.


"Akin nga sabi yan eh!" Galit na sabi nung isang batang lalaki sa isa pang bata at pilit kinukuha yung nasa kamay nito.

"Teka, anong pinag aawayan nyo" epal ko naman sa kanilang dalawa.

"Yung candy kasi hindi ibigay nito" sabi nung umaagaw. So magkakasundo kami hindi din sya marunong mang opo. Jokesss..


"Dahil lang sa candy mag aaway talaga kayo?" naiinis kong tanong sa kanila, napayuko naman silang dalawa.


"Bukas babalik kami dito dadalhan namin kayo ng madaming candy" sabat naman ni Luke, napatingin naman ako sa kanya at sinamaan sya ng tinging nagsasabing seryoso-ka-ba?

Sa halip na sumagot ay tinaas taas nya lang yung kilay nya.

"Sige etoh, bumili kayo ng gusto nyo, maghati kayo ah" sabi ko sa dalawang bata at inabutan sila ng bente, syempre kuripot din naman ako.

"Ang kuripot mo naman" epal na naman ni Luke. Maya maya pa.

"Kami rin po! Kami rin po" bungad samin ng napakaraming bata. Napahawak nalang ako sa noo dahil nakapalibot na sila samin.

"Ok wait, konting distansya pls, bukas promise babalik kami dito magdadala kami ng maraming pagkain, ok nabayun?" sabi ko sa kanilang lahat, si Luke naman nakangiti pa habang nakikipag apir sa mga bata, wow ha! Wow eh di sya na basta ako wag lang silang lalapat sakin dahil titilapon talaga sila.

"Ayyy hanepp" naiinis kong bulong, speaking of wag silang makakalapat sakin eto na nga at natapakan nako.


"Andyan pa pala kayo tara na, mga bata uwi na kayo sa mga bahay nyo gabi na" bungad samin ni George, tawagin nyonakong walang kwenta at walang galang pero basta.

"Kuya George kelan po ulit kayo magtuturo sa amin?" tanong nung isang bata sa kanya? Teka anong magtuturo.


"Pag nagkatime na ulit si Kuya George, sige na uwi na kayo" sagot naman nya sa mga ito. Tapos ay unti unti na silang nawala at nagsisis uwian na.


"Nagtuturo po kayo sa kanila?" tanong ni Luke

"Oo twing wala akong trabaho at free time naglalaan ako ng oras para turuan sila, karamihan kasi sa kanila hindi nakakapag-aral" sagot naman nya. Tila bigla akong napako sa kinatatayuan ko, ang George na sinasabi kong hindi mapapagkatiwalaan ay may ganito palang kabutihan?

____

Voteee click nyolang ang star belowww

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon