Neighbor's 5

3.7K 158 0
                                    

"Lee hindi mo man lang ako ikinahiya! Sa ibang bahay pa talaga ha!" galit na sermon sakin ni mommy.

"Mommy andun ka, kita mo naman kung gaano kabastos yung Luke nayun" sagot ko naman.

"Hindi naman pambabastos yun, sana hinayaan monalang, hindi yung pinapalaki mopa ang walang kakawenta kwentang bagay" sagot pa nya at napahawak sa noo.

Seryoso ba sya? Ako pa pala talagang mali noh?

Sa halip na sagutin sya ay umakyat nalang ako sa kwarto ko at agad inopen ang laptop para tawagan si Gabriel, para kahit papano mabawasan tong dinadala ko.

Dumapa ako sa kama ko at kinall si Gabriel, buti naman online sya may mga message sya pero diko muna pinansin.

Medyo madilim kaya pumunta pako sa terrace.

"Oh Lilly napatawag ka?" bungad nya sakin.

"Wala lang, namiss lang kita" nakangiti kong sagot.

"Excited nako, mamaya ng gabi alis namin papunta dyan sa pilipinas kaya bukas ng umaga andyan na kami" sabi pa nya

Napayuko naman ako at naisip si mommy, paano nalang toh.

"Ayos kalang ba talaga?" concern nyang tanong

"Gabriel kasi, kasi ano. Kasi dikopa nasasabi kay mommy na ma--------

"Oo at kelan mopa balak sabihin!" boses ni mommy sa likod ko, agad agad ko namang sinara ang laptop ko at gulat na gulat syang hinarap, tapos ay pumasok sa kwarto ko

"Lee anong ibig sabihin nito? Sino sya?" seryoso nyang tanong, habang sinusundan ako bigla naman akong kinabahan sa kanya at di alam kung paano ba sasagot.

"Boyfriend ko Ma" tipid kong sagot

"Myghad Lee!!! May boyfriend ka ng hindi ko alam? Sino yan? Taga san yan? At kelan pa naging kayo?" sunod sunod nyang tanong.

"Si Gabriel po, dito rin po sya sa pilipinas pero nasa italy sila nakatira, tsaka Ma. 1 year napo kami" nakayuko kong sagot.

"Lee akala koba matalino ka? Hindi mo manlang ginamit yang utak mo! Sige nga nakita mona ba sya? Ha?" galit nyang sagot sakin.

"Hindi pa po" nakayuko kong sagot.

"Ano bang balak mong gawin sa buhay mo, ni hindi mopa nga kilala yang lalaking yan, malay moba kung anong klaseng tao yan, pumapasok ka sa isang malayuang relasyon! Walang nangyayari sa relasyong ganyan! At anak ano pat naging ina moko kung hindi mo manlang sinasabi sakin ang mga nangyayari sayo! 1 year na kayo at hindi ko manlang alam?" Galit na galit nyang sermon sakin. Halos maiyak nako sa mga naririnig ko.

"Hindi nyo sya kilala kaya hindi nyo dapat sya hinuhusgahan, mabait si Gabriel at sigurado ako sa kanya. Mahal ko sya Ma." Sagot ko naman.

"At yang pagmamahal nayan ang sisira sayo! Malay mobat kung sino sinong babae ang kinakalintari nya dun, wala ka sa tabi nya para malaman ang pinagagagawa nya!" sagot nya

"Oo Ma, wala ako sa tabi nya pero sigurado akong hindi sya ganon. Kilala ko si Gabriel at hindi nya gagawin yun, tsaka lahat nalang poba kayo ang magdedesisyun sa buhay ko? Ni hindi kona magawa ang mga bagay na gusto ko dahil senyo eh, trabaho ko gusto nyo kayo na humanap, pati ba mamahalin ko gusto nyo kayo na din ang humanap? Wala kang alam sa tunay na pagmamahal Ma. kaya nga wala na kayo ni daddy ngayon diba?" sagot ko naman habang umiiyak, isang sampal naman ang natanggap ko mula sa kanya.

"Wala kang alam at wala kang karapatang sabihin sakin yan, anak lang kita!" galit na galit nyang sabi sakin.

"Hindi mo itutuloy ang pakikipagrelasyon sa kanya, hanggat nandito ka sa poder ko, susundin mo kung anong sinasabi ko!" sabi pa nya at lalabas na sana ng magsalita ako.

"Uuwi sya ng pilipinas bukas" mahinang sagot ko

"Oh di mas maganda para sa personal mo ng masabi sa kanya na ayaw mona! At kung hindi mo kaya ako ang haharap sa kanya" sagot nya at malakas na sinarhan ang pinto ng kwarto ko, napaupo naman ako sa kama at napaiyak ng todo.

Luke's Pov:.

Dinig na dinig ko ang pagtatalo nilang mag-ina, 1 year syang may relasyon at hindi alam ng mommy nya? Napaka lupet naman pala talaga nya, para sakin tama naman yung mommy nya. At para din naman sa kanya yun. Ang kaso mukang napamahal na talaga tong babaeng to sa lalaking italyano, pinoy din pala, mukang marami na agad akong nalaman tungkol sa kanya dahil lang sa pagiging magkapitbahay, ang tanong paano nya ipaglalaban yung gusto nya kung sariling mommy na nya yung nakaharang sa kanilang dalawa. Yung mataray at matapang na babaeng yun umiiyak din pala, habang nag iisip dito sa terrace ko bigla din syang lumabas sa terrace nya. Napatingin naman sya sakin, at agad ding umiwas, kinuha nyalang yung laptop nya at pumasok na ulit sa loob.

Napailing iling nalang ako. May mga bagay talaga na dapat nating tanggapin, atleast sila 1year palang yung sakin nya 3yrs na kami, pero hindi padin nagwork to forever, masakit oo sa una, pero unti unti masasanay kanading wala na talaga sya. At unti unti matatanggap mo ng wala na kayo..

_____

Voteeeeeeee!!!

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon