Neighbor's 30

2.9K 169 2
                                    

So yun another day, so tulad ng pinangako ko sa kanila ako na yung bahala para sa gagastusin sa pagpapagamot sa anak nila, kung may natutunan man ako sa pangyayaring yun, yun ay ang magpatawad, naisip ko kasi maganda yung buhay ko, marangya yung buhay ko unlike sa napakadaming taong naghihirap sa mundo, at bilang isang magulang minsan nakakagawa sila ng maling desisyun para lang sa anak nila. Naniniwala akong walang masamang tao, naiimpluwensiyahan lang tayo gumawa ng masama pag kailangan natin, bigyan natin ng second chance ang lalaking yun, kasi yung anak nyadin yung inaalala ko, pati yung asawa nya, pano nalang sila mabubuhay kung walang bubuhay sa kanila, but move on!! Di pa naman sila natawag sakin, hindi pa siguro nila need yung pera, balak kong gamitin is yung inipon ni mommy para sa future ko, at para sakin, ayaw pa nya pero napilit kodin naman sya, nagalit pa sya kasi hindi ko pinakulong yung lalaki. Sabi nga nila pag ginawan ka ng masama gawan mo ng mabuti.

So kasalukuyan akong nandito sa terrace ko with my new sliding glass door kasi remember sinira ng letcheng si Luke toh, para ma ligtas ako, jokee syempre hindi na sya letche ngayon para sakin, dahil mahal ko na siya. Joke! Ewan koba simula nung niligtas nyako parang nag iba yung feelings ko sa kanya, kayo ba? Pag ba may isang taong iniligtas kayo na parang sa pelikula kolang nakikita, hindi ba kayo maiinlove sa taong yun? Ako kasi mukang tinamaan kay Luke dahil sa nangyari pakiramdam ko nasa isa akong fairytale tapos ako yung prinsesa na kinuha ng kontrabida tapos yung prinsipe ko dumating para iligtas ako, nakipaglaban sya kahit alam nyang delikado at maaaring ikapahamak nya, isama pa yung napakaganda nyang entrance nung binasag nya yung bubog kong pinto, tapos tinalo namin yung kontrabida, dapat ang ending nun, magkikiss kami.

Omgg!! Ano ba Lilly! Wake up! Anong nangyayari sakinnnnnn!!!

Pinagsasampal ko yung pisngi ko pero mahina lang para magising ako sa kagagahan ko, nagkade letche letche na nga nagawan kopa ng kalandian grabe. Ako ba talaga toh? At si Luke ba talaga yun? Eh panong nagustuhan ko ang lalaking napakalaki ang kaibahan sakin?

*Nakikita moto? Simula ngayon, nakamarka kana sakin, hindi nato maaalis, magpepeklat nato at habang buhay kanang nandito*

Naalala koyung sinabi nya kagabi, nakamarka na daw ako sa sugat na natamo nya sa magnanakaw, eh sino bang hindi kikiligin dun hanepppp.

Rose Pov: (mommy ni Lilly remember)

"Sa tingin moba kaya niligtas ni Luke si Lilly kasi gusto na nya ito? Eh si Lilly kaya nagustuhan nya kaya si Luke ng tuluyan nung sinave sya nito?" sunod sunod na tanong sakin ni mila habang nag aayos kami ng mga papel papel dito.

"Hopefully oo, para naman worth it yung paglalapit natin sa kanilang dalawa" nakangiti ko namang sagot sa kanya.

"Sana nga sila nalang para komportable akong nasa maayos na relasyon tong si Luke, nakadalawang ex nato eh puro palpak" naiinis nya namang sagot, natawa naman ako sa inasal nya.

"Sana nga para naman hindi nadin ako nag aalala kay Lee, baka mamaya kung sino sino na namang makilala nito tapos masaktan lang ulit sya" sagot ko naman sa kanya.

Simula palang nung unang lipat nila bilang kapitbahay namin. Malapit na ang loob ko kay Mila lalo na at nakasama ko sa trababo, napagkasunduan naming paglapitin ng loob ang dalawa, medyo mahirap dahil kung mag-away parang mga bata walang nagpapatalo, kaya naisip ko. Pagsamahin konalang sila sa trabaho para lagi silang magkasama at baka one day mahulog na sila sa isat isa, kaso ang nangyari nakahanap tong si Luke ng babae, na sya pang sumira sa trabaho nilang dalawa, pero netong mga nakaraan hindi na namin plinano yun, sila yung kusang magkasamang pumunta sa lugar nina George para sa mga bata, medyo nakakaramdam nako ng kilig sa dalawa dahil lagi na nga silang magkasama. At sana sooner or later maging sila na agad agad.

Lilly's Pov:

So ayun naglalaptop lang ako habang kalong kalong si Mimi at nandito padin sa terrace ko ng bigla akong tinawag ni Luke mula sa terrace nya, agad agad ko naman syang hinarap duon at nagulat dahil sa itsura nya. Tila napako yung mata ko ng makita ang ayos na ayos na si Luke naka long sleeved sya ng plain na parang aattend ng prom, eh ano naman kayang balak neto?

"Oh? Ano yan? San ang lakad?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Sayo" nakangiti nyang sagot

"Tatawa napo ba ako?" pang aasar ko sa kanya, ano bang trip nyato?

"Lilly matagal tagal nadin mula nung lumipat kami dito bilang kapitbahay nyo, at gusto kong malaman mo na masaya ako dahil dito kami napadpad, ayoko na sanang patagalin pa dahil baka maunahan pako, Lilly Smith pwede ba kitang ligawan?" nakakagulantang nyang sagot at tanong sa akin, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i react na yung iniisip kolang kanina ay eto sa harap ko at nililigawan ako.

"Pag pumayag ka papalitan na natin yung mga sunflower ng mga roses" natatawa pa nyang sabi

Hindi ko maintindihan pero bigla akong napangiti sa sinasabi nya kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mata ko.

"Pwedeng pwede" nakangiti pero lumuluha kong sagot, pareho pa kaming lumapit sa dulo ng mga terrace namin habang magkaharap

"Gusto kitang yakapin at itapon sa baba kaso hindi ko magagawa" natatawa nyang sagot sakin.

"At gusto din kitang yakapin mula sa leeg at hintayin hanggang sa hindi kana makahinga" natatawang bawi ko naman sa kanya

"Da best kang kapitbahay Lilly" mahina pang sabi nya.

Tumakbo sya paloob sa kwarto nya kaya tumakbo nadin ako, at dumiretso pababa, sabay pa kaming nagbukas ng pinto at lumabas ng gate at nagsalubungan ng mahigpit at maiinit na yakappp. Parang bumagal yung pangyayari nung magkayakap kami, first time ko sya nayakap, at hindi ko maimage na nangyayari ito sa kabila ng masasamang nangyari at pinagdaanan naming dalawa.

____

VOTE PLS.
Click the star below






Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon