Neighbor's 10

3.5K 125 1
                                    

Lilly's Pov:

So yun 1 week passed. Hanggang video call nalang ulit kami ni Gabriel, naiintindihan naman daw nya si mommy, at sa 1 week ding yun hindi padin nawawala ang pagiging papansin netong si Luke.

So ayun gabi na, at hinihintay konalang si mommy, maaga nadin akong kumain.

So after a minutes bumukas na yung pinto, at di ako nagkamali si mommy na nga.

"Anak after a months nahanapan na kita ng trabaho" masayang bungad nya sakin, napangiti naman ako sa excite

"Saan Ma?" excited kong tanong.

"Dun sa Korean Resto sa San Mateo malapit lang dito satin, sikat na sikat ang restaurant nayun, at malaki ang sahod, may kakilala lang ako kaya naipasok kita" nakangiti nyang sagot.

"Eh ano pong gagawin ko dun?" tanong ko naman sa kanya.

"Cashier kayo ni Luke dun kasi yun nalang available na slot, kayang kaya mo naman yun" sagot nya na ikinalaki ng mata ko...

"Bakit nyo naman po isinama sakin yung Luke nayun, tsaka Ma. Tapos ako ng pag aaral tapos sya hindi, napaka unfair naman nun na pareho lang kami ng babagsakan" naiinis kong sagot sa kanya

"Ganon naman talaga ang buhay anak, ayaw mo nun hindi ka maboboring at mahihiya kasi may kakilala kana, tsaka sa panahon ngayon sahod na ang hinahanap ng mga tao, at eto nato chance mona anak" sagot pa nya ng nakangiti.

Dinalang ako sumagot at aakyat na sana sa taas.

"Di nyo na need magpasa ng requirements nagawan na namin ng paraan, bukas magsstart nadin kayo" sabi pa nya na lalong nakapag pa inis sakin, wow ha. Bakit ba nangyayari sakin ang mga bagay nato? Isa talagang sumpa ang pagdating ng lalaking yun, epal talaga lagii. How unfair? Nagtapos ako ng sobrang hirap, halos mamatay matay na nga ako, tapos sya na tinamad na sa pag aaral kasama ko ngayon sa trabaho? Sakit lang sa pakiramdam ng ganon ha, ang unfair grabe, di ako makakatulog neto, tsaka iniimagine kopalang na kasama ko sya sa trabaho baka mademonyo lang ako sa pagmumuka nya, nakakainis talaga.

____

So maaga akong ginising ni mommy, sabay sabay na daw kami. After a minutes na pagkain ay lumabas na kami, kotse ulit ni Tita Mila ang gamit

Uupo na kami ni mommy sa backseat ng magsalita si Tita Mila.

"Rose dito kana sa tabi ko" sabi nya, inikot konalang ang mata ko ng makitang nasa backseat si Luke. Myghad sira agad ang araw ko, nasabi konadin kay Gabriel na may trabaho na nga ako, ngayong May lang naman sila dito sa pilipinas at babalik nadin sa Italy kaya nga nakakalungkot na hindi manlang namin na enjoy ang pag-uwi nya.

So after ng tahimik at mahaba habang biyahe nasa tapat na kami ng isang malaking Korean Restaurant.

"Lee hindi na namin kayo masasamahan. Kilala na kayo ni Nancy yung manager, sige pasok na kayo, ingat and goodluck" nakangiti nyang sabi sakin, bumaba nalang ako ng kotse at naglakad paloob, eto namang si Luke tamang pa sunod sunod lang, kala mo naman nanay nyako. Wow ha.

So ayun nakausap na namin yung manager na si Maam.Nancy binigyan na kami ng uniform na susuotin at kahit cashier lang kami may hairnet, wow talaga ganon ba sila ka OA.

At pag minamalas ka nga naman magkatabi pa kami ng pwesto netong si engot, tama si mommy sikat na resto to, umaga palang ay ang dami ng tao, jusko mapapasabak ako sa tayuan maghapon, dikoto pinangarap. May high tech. pa kaming calculator dito, astig nga eh, kakatuwa.

"Hindi laruan yan" epal na naman ni Luke, sabi na nga ba eh.

"Dikaba talaga mabubuhay ng di nangingialam?" nang aasar kong sagot sa kanya, maya maya pa may pumila na sa line ko, ang astig lang talaga sa resto nato. Kiniclick lang yung food na inorder tas nagtototal na ng kusa, so para san patong calculator? Wewsh, may mga bagay talagang nandyan pero hindi kelangan. So yun binigyan konalang sya ng no. at pinaupo na. Nilista konadin yung order nya at pinasa sa kabilang department which is yung kithen at mga chef ang andun. Sila na ang bahala ito lang ang trabaho namin, bahala sila

After a minutes na sobrang daming tao, ngalay na ngalay nadin ang mga paa ko naparang anytime bibigay na, isama pa ang mga daliri kong masusunog na, nag iinit nayung screen ng ginagamit kong hightech. machine dito na parang cellphone din. Haneeepp ha. Nakakapaso na.

5 hrs lang naman kmi at may papalit na,means half day lang lagi ang oras namin, galing noh? Pati dun pareho kami ni kupal.. Kakatawa grabe.

So ayun after 5 hrs na pagkakatayo out na namin. May dumating ng kapalit, ng makarating sa room kung nasan yung mga gamit namin ay nakakita ako ng nag iisang upuan, uupo na sana ako ng biglang umupo si Luke .

"Kapagod" sabi pa nya at nagstretch pa ng braso at binti habang nakaupo dun.

"Ako yung nauna dyan sa upuan kaya pwede umalis ka" naiinis kong sabi sa kanya.

"Nauna ka pero andito ako? Sorry ha pagod din kasi ako, gusto mo hati tayo?" nanloloko pa nyang sagot.

"Lalaki kaba talaga? Napakaungentleman grabe, kita mobang kasya tayo dyan ha?" nayayamot ko ng sagot sa kanya.

"Ok oh upo na, magbibihis muna ako" sagot nya at kinuha na ang bag tapos ay pumasok na sa iisa isang restroom dito. Kami lang naman nandito, kami lang siguro ang out ngayon , madaming gamit dito pero ayos lang kasi may cctv naman.

____

VOTEEEE

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon