Neighbor's 3

4.4K 153 2
                                    

Luke's Pov:

I am Luke Martinez, 21 yrs.old pero 22 na ngayong araw, hindi tapos sa kursong BS architecture dahil hindi na kinaya ng powers. Isa sa pinakamahirap gawin ay yung pumasok ka sa kursong hindi mo naman talaga gusto. Si mommy lang naman ang nagpilit ipasok ako dun eh. Yung daddy ko naman wala na, iniwan nya na kami dahil sa hindi inaasahang aksidente, 5 yrs.old palang ako nung nangyari yun. Kasalukuyan akong nakaupo dito sa garahe namin sa baba. Ng bigla akong makarinig sa babaeng ubod ng lamig, napaka cold kasi, parang walang buhay. Para laging namatayan, ginagawang napakaboring ang buhay kahit hindi naman dapat, hindi koman lang nakikitang nakangiti, bastawala lang syang emosyon.

"Pwede ba pakilinis linisan naman yang cage ng aso nyo, umaabot na dito sa taas yung mabahong amoy" walang buhay nyang sabi mula sa terrace nya sa taas, nakasilip sya dito sa baba.

"Nahiya naman ako sa pusa mong nagkalat na ng dumi kung saan saan dyan" sagot ko naman. Pumikit sya ng mabilis tapos ay nagpamay-awang bago sumagot, diko maintindihan kung masungit ba sya or ano.

"For your information, pumapasok sya ng kusa sa cr kapag dudumi, ikaw kasi mag aala alaga ka ng aso dimo naman kayang linisan" sagot naman nya

"At para din po sa inyong kaalaman, walang amoy ang dumi ng aso ko" sagot ko naman.

"Wow ha! Nasan kaba nung nagpaulan si god ng pang-amoy, at wala ka atang nakuha" sagot nya

"Nagtago lang naman ako, eh ikaw? Ikaw siguro ang sumalo ng lahat ng yun kaya kung ano anong naaamoy mo" sagot ko naman

"Alam mo bang panira ka ng araw? Ang tagal ko ng nakatira dito pero lagi namang ok ang umaga ko, pero ngayon? Napakaworst" sagot naman nito.

"At alam mo din bang birthday ko ngayon? Kaya pwede pakihinaan ng volume nyang voice mo? Nakakabasag kasi ng birthday" sagot ko naman

Lilly's Pov:

Birthday nga pala ng mokong nato.

"And so? Para namang may pake ako noh? Basta linisin mo yan, ang sagwa kasing tignan. Ang sama pa sa amoy, ginagawa mong polluted yung fresh air" sagot ko naman at naupo na para dikona sya makita, kakainis, ang baho naman kasi talaga, as in sobra. Bigla namang tumalon sakin si Maggie ang cute na cute kong pusa.

"San kaba lagi nanggagaling, pinapakulong kana sakin ni mommy eh, lagi ka kasing wala baka mamaya you're pregnant na mapapatay talaga tayong dalawa, kaya dito kalang ha, tsaka ingatan mo yung sarili mo may epal kasi tayong kapitbahay" sabi kosa pusa ko habang hinahaplos sya. Maya maya pa nagpop-up na naman ang video call ni Gabriel sa screen ko, He's pinoy din pero sa Italy na sila nag stay, dipa kami nag memeet as person, pero 1year na kmi. LDR

Sinagot ko naman agad ang tawag nya, lagi talaga syang tumatawag ng maaga pero sa kanila kalagitnaan na ng gabi.

"Hi Gabriel, kamusta" nakangiti kong bungad sa kanya.

"Ayos lang, pang gabi ang work ko ngayon, break time lang kaya tumawag ako" sagot naman nya habang lumilinga linga sakin.

"Anong nangyayari sayo?" nagtataka kong tanong

"May sumasayaw kasi sa likod mo" sagot nya, natakot namn ako bigla. Humarap naman ako sa likod ko at nakita ang papansing mokong na hanggang ngayon dikopa kilala na sumasayaw.

Wow talaga ha, pasikat.

"Wag mo syang pansinin, bagong kapitbahay lang na kulang sa pansin" sagot ko naman sa kanya

"Ahh, may kapitbahay na pala kayo" sabi nya

"Oo kaso nakakabadtrip, wala ng ginawa kundi magpapansin" sagot ko naman.

"Wag monalang pansinin, nandito na yung boss ko, sige sige bye i love you" sagot nya at inend na ang call, binalik ko naman ang tingin kay papansin na parang nag-aaral magsayaw , duh di bagay.

Bumaba nalang ako at naghanda ng breakfast maaga kasi umalis si mommy kasama yung mommy ni mokong.

Kasalukuyan akong nagpapalaman ng tinapay ng biglang may kumatok.

Agad agad ko namang binuksan ang pinto at bumungad sakin ang papansing toh.

"Bukas kasi yung gate kaya dumiretso nako" sabi nya.

"Ano bang kelangan mo?" direkta kong tanong sa kanya.

"Pinapabigay ni mommy" sagot nya at inabot sakin ang isang bilog na taperwer na naglalaman ng macaroni

Kinuha ko naman agad toh at agad sinarado ang pinto.

Uupo na sana ako ng muli syang kumatok.

"Ano pabang kelangan mo?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Wala kabang nalilimutan?" tanong nya.

Napaisip naman ako sinabi nya.

"Wala bakit?" nagtataka kong sagot.

"Ok wala, SALAMAT" sagot nya at diniin pa ang word na SALAMAT. dun palang pumasok sa utak ko ang ibig nyang sabihin, babaw nya talaga.

_______

VOTE THANKS

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon