So ayun day2 na ng bakasyon namin. Kasi remember 1 week yung wala kaming pasok, sina mommy naman wala silang rest day. Nasa kanila nalang yun kung aabsent sila.
At hanggang ngayon hindi padin ako makamove on sa narinig ko kay Luke at sa girlfriend nya kahapon
So wala na namang tao dito sa bahay at sa kapitbahay. Grabe ang tahimik ng buhay ko, pati si Maggie na kakulitan ko pag boring wala nadin. So dahil nga sa sobrang boring napagdesisyunan kong gumala kahit wala naman akong bibilin, at kahit sa sobrang tamad ko sa mga ganitong bagay, gagawin konalang para di ko mafeel ang salitang BORING .
So nakafitted na damit ako at maikling short, after kong makapag ayos ay lumabas nako ng bahay.
So ayun kabababa kopalang ng taxi dito sa tapat ng mall.
Pumasok nalang ako sa loob ng mall ng tahimik, so lakad lakad lang ako, may mga di maiwasang mapatingin sakin pero dikonalang pinapansin. So ayun ewan ko kung bakit ako nandito eh wala naman akong alam na gagawin ko. So pagkaakyat ko sa 2nd floor gamit ang escalator ay may nakabangga ako at laking gulat ko ng makita kung sino ang nakabangga ko, yung fuckgirl na girlfriend ni Luke.
"Oww ikaw yung cheap na girl diba? Yung katrabaho ni Luke? Ano namang ginagawa ng isang kagaya mo dito?" kibit balikat nyang sabi sakin habang nakataas ang kaliwang kilay. Wow ha, wow balak nya pa atang tapatan ang confidence level ko. So kung sya kaliwang kilay ang tinaas habang nakakibit balikat, ako naman eto, so inalis ko ang cap ko tapos ay nagflip ng hair bago muli itong sinuot. Tinaas ko namang ang kanang kilay ko bago nagsalita.
"Namamasyal lang naman ang dyosang kagaya ko, eh ikaw? Ano bang ginagawa ng isang bubuyog dito? Naligaw kaba? Gusto mo ibalik kita kung san ka nararapat?" sagot ko naman, pano sya naging bubuyog? Simple lang naman, yung damit nya kasi black tas yung skirt nya yellow, how jeje she is!.
"How dare you! Baka hindi mo kilala kung sinong binabangga mo?" mataray naman nyang sagot.
"Ke pangulo kapa ng pilipinas, i don't care, i don't care who you are! Hindi nako mag aaksaya ng panahon para lang alamin ang full identity mo duh!" maarte ko namang sagot at inikot ang mata.
"So now! Aalis kaba sa dinadaanan ko or aalis ka? Choose one!" matapang kopang sabi. Naramdaman ko naman ang mga tao sa paligid ko kaya mas tinaas ko ang confidence level ko, may mga camera pa baka mamaya magviral toh, kaya di pwedeng kawawa ako sa labang toh!
"Alam mo girl na mukang pinagpraktisan ng bakla ang muka sa panget ng make up, wag kang feeler sayo tong mall, kaya tatayo ako kung san ko gusto" sagot naman nya.
"Owww wow, nahiya naman ako sa muka mong pinatungan na ng napakakapal na make up pero walang pinagbago, muka ka paring bubuyog" sagot ko naman. Hindi ko naman inexpect na ganito pala ang ugali ng girlfriend ni Luke, how OA.
"Wala ka namang taste pagdating sa magaganda, kaya wag ka ng magsalita, dahil alam ko na alam modin kung sino ang lamang satin" sagot nya at nagflip ng hair. Pati mga style ko kinukuha nya, how mang aagaw she is, and how feeler and assumer she is, grabe.
"Wow, di kalang pala desperada sa pagiging maganda, feelingera at assumera kapa, FYI ako ang definition ng word na MAGANDA at ang kokontra syang nagMAMAGANDA, nasan kaba ng nagpaulan si God ng kagandahan at ni katiting wala kang nasalo?" Nakangiti kong sagot para maasar sya, muka namang affected dahil nagsimula ng kumunot ang noo nya, akmang sasampalin nyako pero nasalo koto.
"Ooppss hindi pa pinapanganak ang taong pwedeng lumapat sa napakaganda at napakakinis kong muka, pero sayo meron na" sagot ko at pinatikim sya ng isang sampal na di nya malilimutan, nakakatuwa naman hindi na boring yung araw ko dahil sa kanya, nilibang nyako.
Kasabay nun ay ang kagulat gulat na pagtulak sakin ni Luke. Sa gulat ko ay nanlaki ang mata ko sa ginawa nya, kasabay din nun ang sigawan ng tao sa paligid.
"BOOOOOOO!!!" sigawan nila ng tinulak ako ni Luke nakaramdam naman ako ng hiya sa ginawa nya, napalunok ako bago umayos ulit ng tayo at matapang silang hinarap.
"Oww woww grabee how sweet, yung kontrabidang bubuyog, niligtas ng prince charming nyang palaka, careful Ms.Bee baka pagdating ng araw kainin kana ni Mr.Frog" matapang kong sabi sa kanila.
"Love tara na" sabi nya sa bubuyog nyang girlfriend at hinila na paalis. Ow wow uso ba talaga ang callsign na LOVE napaka common gusto ba nila ako pa mag-isip ng makabagong callsign para sa kanila? But nevermind, tumingin ako sa paligid na umaalis na paunti unti ang tao, humanda ka sakin Luke! Pagbabayaran mo ang pagpapahiya mo sakin, ang kapal ng muka ah, tinulak nyako as in!
_____
VOTEEEEEE
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Ficção AdolescenteNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...