Neighbor's 28

2.8K 105 0
                                    

So after ng ilang minuto ay natapos na nga nila yung pagkain.

"So yun dahil tapos na tayong kumain, magsimula na tayo, kuha nalang kayo ng tubig dito, unahin na namin yung mga 6yrs.old ha" sabi ko sa kanila.

[A/N: someday pag sinwerte at gumanda ang buhay balak kodin talagang tumulong sa mga batang kapos palad, dahil pakiramdam ko nakakagaan ng pakiramdam yung ganon, tsaka mas better na mag share tayo ng blessings, yung iba dyan awas awas na magbigay naman hahaha ^_^ ]

_____

So yun inabot na kami ng 1pm, hindi na kami yung nagpalunch sa kanila, at umuwi nalang sa kani kanila, kasi mas mauubusan na kami ng oras, medyo mahirap, nakakapikon din kasi yung iba ang hirap makagets grabe, parang ayoko ng magka anak pa.

So yun napagdesisyunan namin ni Luke na mauwi na para makapagpahinga, dahil kahit yung bibig ko pagod na pagod na kakaputak kanina.

Pagkarating sa bahay ay agad agad akonng dumiretso, hinahanap kopa yung susi ko sa bag ng mapansing kawang na yung pinto, dahan dahan kong binukas yung pinto ng may biglang humawak sa bibig ko at hinila ako paloob. Nagpupumiglas ako pero hindi ako makawala sa kanya.

"Saan nakalagay ang mga pera nyo?" nakakatakot na tanong nya, gustuhin koman syang sagutin pero paano, vovo bato?

"Sumagot ka!" galit pa nyang sigaw sakin, why so vovong thief bato? Halatang hindi marunong magnakaw, paano nalang ako makakapagsalita kung hawak ng makapal nyang kamay yung maganda kong labi.

Maya maya pa ay itinulak na nyako sa couch at tinutukan ng kutsilyo.

"Sasabihin mo ba o gusto mo ng mamatay?" seryoso nyang sabi sakin, this time nakaramdam nako ng takot kung kaya ko syang paglaruan sa utak ko, dito hindi.

"Naka bangko yung pera namin, kaya wala ka talagang makikita dito" panimula ko. Sasagot palang sana sya ng may biglang kumatok.

"Subukan mong sumagot at malalagot ka talaga sakin!" pagbabanta nyapa sakin.

"Lilly! Penge muna ako ng cooking oil, naubusan lang sa bahay" sigaw ni Luke sa labas, napapikit nalang ako ng bahagya.

"Kunin mo na lahat ng gamit namin dyan, dahil wala talaga ditong pera" sabi ko sa Thief nato.

"Akin na ang wallet mo, tsaka mga cellphone mo! Bilis!" galit na nyang sigaw sakin.

"Kunin mo na lahat wag lang tong mamahalin kong cellphone, oh eto wallet ko, bahala kana" sagot ko at inabot sa kanya yung wallet ko sa bag.

"Woyy Lilly, tulog kanaba? Kelangan ko talaga ng cooking oil, kesa lumabas pako para lang dun!" Sigaw pa ulit ni Luke, pls Luke makaramdam ka, tulungan moko, wag kang aalis parang awa mona.

Maya maya pa biglang nagvibrate yung phone ko, nasa back pocket ko kasi yung phone ko or sa likod ng bulsa. Akma namang tumayo yung Thief or magnanakaw at sumilip dun sa bintana, kaya agad agad kong sinagot yung tawag ni Luke at tinabunan yun ng unan dito sa couch. Naka mask din yung manong nato kaya diko makilala.

"Plsss umalis kana dito, WAG NA LANG KAMI YUNG NAKAWAN MO! alam ko may pamilya ka, ano nalang mangyayari sa kanila pag nakulong ka" sabi ko dun sa thief at nilaksan yung WAG NA LANG KAMI YUNG NAKAWAN MO, na sana magets ni Luke.

Luke's Pov:

: hello Lilly? Kala ko tulog ka? Asa kwarto kaba bumaba ka nga muna.

; plsss umalis kana dito, WAG NA LANG KAMI YUNG NAKAWAN MO! alam ko may pamilya ka, ano nalang mangyayari sa kanila pag nakulong ka.

Bigla naman akong kinabahan sa sinagot nya? Ibig sabihin may magnanakaw sa loob ng bahay nila, agad agad akong tumungo sa mga bintana nila at sumilip, ang kaso puro nakaharang yung curtain.

; TUMAHIMIK KA!

sabi pa sakabilang linya, this time sigurado nakong may ibang tao sa loob ng bahay nila, agad agad akong tumawag ng pulis.

; Hindi mo talaga sasabihin ha? Sige makikita mo ang hinahanap mo (medyo galit nayung boses ng magnanakaw)

; Arayyy anong gagawin mo, bitiwan moko nasasaktan ako ( angal naman ni Lilly ) maya maya pa ay wala nakong naririnig, baka dinala na sya kung saan nung magnanakaw. Naglinga linga ako sa paligid at nakita ang tumbang hagdan na sapat na para makapasok ako sa terrace ni Lilly, agad agad ko itong itinayo at umakyat, pagkaakyat kodun nakalock naman yung sliding glass door nya. Maya maya pa nakarinig ulit ako ng boses kaya agad agad akong nagtago.

Lilly's Pov:

"Pag hindi mo binigay sakin yang mga gamit mo, pasensyahan tayo papatayin na talaga kita" sabi pa nito sakin, kinuha kona yung mga laptop ko at iba pang old gadgets na pwede nyang pagkakitaan, nakakainis lang talaga si Luke.

"Eto na" mahina kong sagot at nakayukong inaabot sa kanya yung mga gamit.

"Kumuha ka ng malalagyan bilisan mo!" galit na naman nyang sagot dahilan para masindak ako, maya maya pa bigla kaming nakarinig ng tunog ng pulis. Agad agad sumama ang tingin nya sakin at susugurin nako kaya umakyat ako sa kama.

"Plss maawa ka sakin, wag mong gawin to" umiiyak kong pakiusap sa kanya, ganito pala ang pakiramdam pag nasa kapahamakan kana, hindi mo alam kung may kasiguraduhan pa ba yung buhay mo, akmang sasaksakin na nya ko ng biglang nabasag ang sliding glass door ko at iniluwa nito si Luke

"May mga pulis na sa labas, wag mong gawin to maawa ka sa pamilya mo" pakiusap ni Luke sa kanya habang dahan dahan syang lumalapit dito. Maya maya pa bigla nalang syang nasaksak nung magnanakaw. Pero kahit nagkatama sya ay pilit syang nakipag agawan sa kutsilyo, hindi maintindihang kaba at takot yung bumalot sakin na hindi kona alam ang gagawin ko, ng makita ang flower vase ay agad agad akong bumaba sa kama at kinuha ito pagtapos ay ibinato sa Thief dahilan para mawalan ito ng malay at kasabay ng pagtumba nya ay pag-agos ng dugo mula sa ulo nya, nanlaki ang mata ko at nanginginig ang buong katawan sa nagawa ko.

"Na-na-naka- nakapa-nakapatay ako" takot na takot kong bulong ng biglang pumasok ang mga pulis.

"Lilly ayos kalang" bungad sakin ni Luke habang hawak hawak yung saksak sa my tagiliran nya.

"Luke, naka- naka- nakapatay ako" umiiyak at nanginginig kong sagot sa kanya,  bigla naman nyakong yinakap at pinakalma..

"Hindi mo kasalanan yun, pinagtanggol molang yung sarili mo" sagot nya sakin, pero nanatili lang ako sa gulat at takot sa nagawa ko.

____

VOTEEEEA

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon