So ayun ang saya namin ni Luke buong araw, magkasama lang kaming nanonood ng mga movies sa tv, at ngayon eto gabi na nga at andito na si mommy. Kumukuha pako ng bwelo para sabihin sa kanyang nanliligaw na sakin si Luke and hopefully matanggap nya sana. So ayun nakaupo lang naman sya sa couch habang ngiting ngiting nakatingin sa phone nya, and for sure kachat chatan nya yung lalaki nya, i mean boyfriend nya, masaya nadin ako kahit papano na masaya sya. So ayun after ng mahaba habang pag iisip napagdesisyunan ko ng sabihin.
"Ma, may sasabihin po ako" panimula ko at tumabi sa tabi nya.
"Ano yun anak?" nakangiti nyang tanong habang sa phone nya padin nakatingin.
"Nanliligaw po kasi si Luke sakin, pwede po ba?" mahinang tanong ko, bigla naman syang humarap sakin ng gulat at nakangiti.
"Talagaa anak? Ahyy sa wakass" masayang masaya nyang sagot sakin at niyakap ako.
"Teka Ma. hindi ba kayo galit?" nagtataka kong tanong sa kanya, minsan talaga parang abnormal sya.
"Bat naman ako magagalit? Eh ngayon komportbale nakong magiging maayos ka, mabait si Luke at sigurado akong hindi ka nya sasaktan, halika mag celebrate tayo" nakangiti naman nyang sagot sakin.
"Celebrate? For what?" nagtataka ko namang tanong sa kanya, nanligaw lang si Luke celebrate na?
"Para sa inyo ni Luke" sagot nya at hindi mawala yung ngiti sa mga labi nya.
"Ma. naman nanliligaw palang sya sakin, hindi pa kami" natatawa ko namang sagot sa kanya.
"Eh di sagutin mo na agad sya, bakit nagdadalawang isip kapaba?" biglang tanong nya.
"Ano ako Ma? easy to get, syempre magpapakipot tayo ng konti" natatawa ko namang sagot, tumawa din naman sya.
"Manang mana ka talaga sakin" natatawa din nyang sagot at kiniss ako ng mariin sa pisngi.
Nicole's Pov:
"Babe sigurado kaba dito sa pinaplano mo?" tanong sakin ni Melvin ang new and da best kong boyfriend.
"Yes Melvin, revenge is the best way para manahimik ako, ilang beses nyakong pinahiya, pati si daddy kinakahiya nako sa mga tao bilang anak nya, at hinding hindi ako papayag na sinira nyako habang sya nagpapakasaya" inis na inis kong sagot sa kanya , naaalala ko ang ilang beses na pagpapahiya sakin ng haliparot na Lilly nayun..
"Kung yan ang gusto mo susuportahan kita dyan" nakangiti nyang sagot at nilabas ang baril mula sa bag nya. Napangiti namn ako sa kanya
"Alam kong hindi mo ako bibiguin, bukas na bukas din tatapusin ko na ang kalandian nyang Lilly nayan" nakangiti ko namang sagot sa kanya.
"Pero gusto ko sanang ako mismo ang magpapahirap at papatay sa kanya" sunod kopang sabi sa kanya.
"Yan ang gusto ko sayo palaban" sagot nya at niyakap ako mula sa likod
Lilly's Pov:
Kasalukuyan kami ngayong magkasama ni Luke dito sa park ng subdivision namin, nakaupo, ingay lang ng mga bata ang maririnig mo dahil may playground kasi dito, gabi na pero may magaganda lahat naman sila masaya, naalala ko tuloy yung mga batang tinuruan namin, unlike sa mga batang masasaya dito. Magaganda ang buhay, anliliit pa nila pero kung makapag english dinaig pako. May mga tao nga talagang biniyayaan ng maayos at magandang buhay, may mga tao namang pinagkaitan nito, ang sweswerte ng mga batang pinapanganak ng mayaman, nasasa atin din naman kung paano natin aayusin at pagagandahin yung buhay natin eh, nasa mga kamay natin kung paano natin makakamit ang mga gusto natin.
"Kailan moba kasi ako sasagutin?" biglang tanong ni Luke sa tabi ko habang nakangiti, tinulak ko naman yung ulo nya.
"Baliw ka, kakanina kapalang nanligaw tapos sasagutin agad kita, asa ka" natatawa ko namang sagot sa kanya. Tumawa din naman sya bago sumagot.
"Sige ka, ikaw din baka maunahan ka" natatawa nyang sagot, tumingin naman ako sa kanya ng masama bago sumagot.
"Wow ha! Wow, ilan ba kaming babaeng nililigawan mo?" naiirita kong tanong sa kanya.
"Syempre joke lang, nag iisa kalang" sagot naman nya ng nakangiti at sinandal ang ulo ko sa balikat nya.
"Ang joke nakakatawa, eh natawa bako? At sa tingin moba katawa tawa yun?" pang aalaska ko naman sa kanya.
Rose's Pov:
"Sa wakas mapapanatag nako about kay Lilly" sabi ko kay Mila, andito ako ngayon sa kanila dumayo ng chismis.
"Oo nga eh, kahit hindi maganda ang simula nila, sa huli naman nagkaayos din" nakangiti naman nyang sagot.
Ansaya lang isipin ma maayos na kami ni Lilly, wala ng problema sa aming dalawa, oo nung una hindi sya marunong sumunod at gumalang sakin, dala siguro ng paghihiwalay namin ng daddy nya, pero ngayon eto nayung simula ng bago at masaya naming buhay .
____
Be readyyyyy sa nexttt chapteerrr! Vote mga bibi
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Novela JuvenilNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...