Maaga ako nagising at naligo pagtapos ay nag-ayos ng sarili, nabigay kona exact address namin. At mamaya andyan na sya, medyo kinakabahan ako kasi first meet namin tapos kasama pa si mommy
6:57am na, siguro on the way na sya.
Agad agad naman nakong bumaba at naabutan si mommy na nagluluto dun, bihis na din sya pero iwas dumi kasi naka apron naman sya.
"Ano nasan na sya?" seryosong tanong nya habang focus sa niluluto nyang hotdog.
Sakto namang nagreply na sya sakin.
:asa gate nyo nako
Halos maghiwalay ang kaluluwa at katawan ko sa nabasa ko, oww i'm so fucking nervous!
"Ma asa labas napo sya" mahina kong sagot sa kanya.
Agad agad naman nyang pinatay ang gas stove at nag alis ng apron
"Ako na" tipid nyang sagot at lumabas na.
Calm Lilly, Calmm!
Pagpapakalma ko sa sarili ko, hooooo!! Kinakabahan talaga ako, maya maya pa ay pumasok na sila bumungad naman sakin ang napakagwapong si Gabriel, sa excite ay sasalubungin ko sana sya ng yakap ang kaso hinarangan ako ni mommy.
"Gabriel you're here" nakangiti kong bungad sa kanya.
"Oo anak andito nga sya, hindi ba obvious?" pambabara sakin ni mommy.
"Grabe Lilly, ang ganda mo talaga lalo na sa personal" sagot naman ni Gabriel
"Maganda talaga yung anak ko kaya di mo na kailangan ipamuka sa kanya" pambabara ulit ni mommy, hindi nalang ako nagsalita.
"Maupo na kayo kumain muna kayo" sagot ni mommy at naupo na kaming tatlo sa hapag kainan.
"Gabriel? Anong last name mo? Ilang taon kana? Nag aaral kapaba o nagtratrabaho na? Anong trabaho mo? Bakit sa Italy kayo nagstay? Anong trabaho ng parents mo?Tsaka bakit mo nagustuhan ang anak ko bukod sa maganda sya?" Sunod sunod na nakakamatay na tanong ni mommy kay Gabriel.
"Ah, ano po, Gabriel Sanchez po full name ko, 23 yrs.old hindi po ako tapos ng pag-aaral pero may trabaho napo ako, isa poko sa mga staff sa sikat na restaurant sa Italy, kaya po dun kami nagstay kasi nandun nayung nasimulang business nina mama, business woman at business man po sila, tsaka si Lilly po kaya kopo sya nagustuhan dahil nakita ko sa kanya yung mga hinahanap ko sa isang babae" mahabang sagot ni Gabriel habang nakatingin sakin at nakangiti, bigla namang may kumatok, ako na ang tumayo para buksan kung sino ito, narinig kopang tinanong ni mommy kung mahal ba daw talaga ako ni Gabriel.
"Tita kayo pala" bungad ko kay Tita Mila.
"Si mommy mo?" tanong nya
"Ayun po" sagot ko at tinuro si mommy, napatingin naman sya samin
"Ahhyy andyan kana pala wait ha" sabi ni mommy at dali daling uminom ng tubig at kinuha ang gamit.
"Anak pauwiin mo agad yan ha" bulong nya pa sakin bago sila tuluyang lumabas ng gate, asa labas nadin kasi kotse ni tita mila.
Masaya naman akong pumasok dahil wala ng manggugulo
"Pasensya kana sa mommy koha" bungad ko sa kanya
Luke's Pov:
Ipapasyal ko sana si Tarzan ng higla akong tinawag ni Tita Rose.
"Yes po Tita?" tanong ko sa kanya.
"Baka naman maaabala ulit kita, pakibantayan naman yung anak ko hanggang sa makaalis yung boyfriend nya kung maaari wag mo silang paglalapitin ha, baka mamaya may mga pahawak scene yan, wala akong tiwala sa anak ko, mahirap na matagal silang di nagkita" paliwanag nya, natawa naman ako sa sinabi nya
"Makakaasa po kayo" natatawa kong sagot at binalik na sa cage si Tarzan at dumiretso na sa bahay nila, pagkabukas ko ng pinto naabutan ko silang nasa lamesa at akmang hahawakan na nung lalaki ang kamay ni Lilly.
"Ooppps" epal ko sa kanila.
Lilly's Pov:
"Ooppps" bungad samin ni Luke, pag nga naman minamalas oh, may epal na naman.
"Ano na namang ginagawa mo dito?" naiinis kong tanong sa kanya
"Dito daw muna sabi sakin ng mommy mo" sagot nya at naupo sa couch at tinaas pa ang paa, ang kapal talaga ng muka.
"Pasensya kana ah, ang OA kasi ng mommy ko, bigyan ba naman ako ng bodyguard" sabi ko kay Gabriel.
"Ayos lang" natatawa naman nyang sagot.
"Bodyguard ka dyan, tong mukang to? Pang bodyguard? Asa ka" sabat na naman nya, talagang nakakapuno na sya, hindi na sya nakakatawa.
After ng pagkain ay naupo kami sa mahabang sofa, andun kasi si Luke sa single sofa
Inopen ko din muna ang tv. Habang nanonood biglang umepal na naman sya.
"Excuse me" singit ni Luke at umupo sa gitna namin ni Gabriel. Ano bang balak gawin ng hayfff nato.
"Wooyyy ano ba, umalis ka nga dyan!" inis na inis kong sigaw sa kanya.
"Arayy, nakakabingi ka, wag kang maingay nanunuod ako" sagot naman nya.
"Pre nakakabastos kana ah" medyo seryosong sabi ni Gabriel at tumayo.
"Nakakabastos bako? Pasensya na napag utusan lang, wag ko daw kayong hahayaang magdikit eh, kayo din baka mapaaga ang paghihiwalay nyo pag di nyo sya sinunod si Tita Rose" nang iinis pa nyang sagot kay Gabriel.
"Lilly pasensya kana, una nako, sa susunod nalang ulit, pag wala ng epal na umaaligid dito sa bahay nyo" sabi sakin ni Gabriel at lalabas na sinabayan ko naman sya paglalakad.
"Pasensya kanadin ha, nakakahiya tuloy" sagot kopa.
Akmang yayakapin nyako ng biglang tumalon sa harap namin si Luke.
"Opppss" epal nya
Napapikit nalang ako sa sobrang pagkapikon sa hayff nato..
"Ingat ka Gabriel" pagpapaalam ko sa kanya at sumakay na sa kotse nyang sabi nya hiniram nyalang sa pinsan nya. Pagkaalis nya binalingan ko ng matalim na tingin si Luke
"Akala ko ako ang ibig sabihin ng salitang BORING, pero nagkamali ako, ikaw pala yun, ganyan naba kaboring ang buhay mo para pati buhay ko pakialaman mo?" naiinis kong sabi sa kanya.
"Ok sa wakas maaga kong napaalis ang asungot sa bahay nyo, maaga ding natapos ang trabaho ko, bye" nang iinis nyang sagot at lumabas na ng gatee .
Hayyyyoppppp syaaaa!!
_____
Pa vote thanksss
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Novela JuvenilNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...