Neighbor's 27

2.9K 122 0
                                    

Pagkarating naman sa bahay ay nauna nakong pumasok.

"Anak naman, san ba kayo nagpunta at ginabi na kayo?" bungad na tanong sakin ni mommy.

"Si Luke?" tanong naman ni Tita Mila.

"Asa labas po, tsaka Ma. may gift po ako sa inyo" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ikaw talaga, umalis kapa para lang ibili ako ng regalo, anak ikaw nayung dabest na regalo sakin" sagot nya sakin. Maya maya pa ay bumukas na yung pinto at iniluwa nito si Tito George, oh sige lagyan na natin ng Tito, at tinatanggap kona sya para sa mommy ko, wala naman sa estado ng buhay ang tunay na pagmamahal.

"Mommy sorry" sabi kopa sa gulat na si mommy at niyakap sya. Bigla naman syang naiyak at sunod agad na niyakap si Tito George ng mahigpit.

"Abot pa naman ako sa birthday mo diba?" Nakangiti pang sabi ni Tito George napatingin naman ako kay Luke na kakapasok palang ng bahay, ngumiti nalang ako sa kanya bago ko sya nilapitan at niyakag sa labas. So kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon dito lang, bahala na kung san makarating

"Ang gaan sa pakiramdam" panimula ko. Ewan koba lahat ng pinagmamalupitan ko sa tunay naman ang babait, tulad netong si Luke kahit hindi ko aminin, oo mabait naman talaga sya, kahit ilang beses kotong pagsungitan at awayin, tinatanggap nyanalang minsan, pero minsan pumapalag, pero ewan habang tumatagal na magkapitbahay kami parang naiiba nayung attitude kong pinakita nuon nung babago palang kaming nagkakilala.

"Ang gaan sa pakiramdam kasi hinayaan mo nang magmahalan silang dalawa?" tanong nya.

"Oo, alam mo sa mga nangyari may aral padin naman akong nakuha kahit papano, yun ay wag munang manghusga sa isang tao ayon lang sa ating sariling opinion" sagot ko naman sa kanya .

"Ikaw kasi, hindi kapaba nadala sakin? Hinusgahan modin ako pero diba nagkamali ka?" nakakaimbyerna nya namang sagot.

"Hello hindi ako nagkamali noh dahil tama at totoo yung panghuhusga ko sayo" natatawa ko namang sagot, bigla din naman syang napangiti ng ewan.

Sa kabila ng mga nangyari, eto kami ngayon magkasamang naglalakad kung saan, nag uusap ng maayos hindi tulad noon. Mas ok na din siguro yung wala kang kaaway, mas magaan sa kalooban.

____

So today is another day, eto lang naman ang araw na pinangako namin kagabi sa mga bata, yung babalikan namin sila ng ma dalang maraming food, at naisip din namin ni Luke na mas better kung gumaya kami kay Tito George, kahit simpleng pagbibilang at pagsusulat lang ay makatulong kami sa kanila. So andito kami ngayon sa supermarket para makapamili ng mga ready to eat food para sa mga bata.

"Sa tingin mo anong mas gusto ng mga bata for breakfast? Spaghetti or Macaroni?" tanong ni Luke sakin, andito kami ngayon sa store kung saan luto na at naka by pack nayung food.

"For me, mas masarap yung macaroni" sagot ko naman.

"Siguro mas gusto nila yung spaghetti, kasi diba kalimitan pag bata spaghetti?" nakakairita naman nyang sagot.

"Ako ba niloloko mo? Tinanong moko tapos ikaw din naman pala yung gusto mong masunod?" naiirita kong sagot, eto na naman kami sa pagtatalo eh. Sa tingin nyo sinong may saltik saming dalawa.

"Ang akin lang baka hindi nila magustuhan yung macaroni" sagot naman nya.

"Eh di spaghetti, pati ba naman toh pagtatalunan pa? Ikaw tong may patanong tanong pa dyan" naiinis kong sagot, so spaghetti yung nagwagi for the first time nagpatalo nako sa kanya, ayoko nalang talaga ng gulo bentang benta nako. So 100 pieces or 100 pack yung binili namin, ready to eat nato at may kasama nang fork bawat isa.

100 kasi hindi naman namin alam kung ilang bata ang andun at kung labis eh di dun nalang sa iba kahit sino dun... Mas ok ng labis kesa kulang, so papunta na kami dun, balak namin is kung di abutin ng ngayong umaga lang hanggang lunch na kami at panibagong pagkain ulit ang hahanapin namin, kasi karamihan ngayon sa kabataan nawalan na talaga ng hilig sa pag aaral kaya baka hindi sila umattend sa aming gagawing pagtuturo sa kanila, kaya kelangan ng food para sure lahat sila andun, at syempre may dala kaming mraming candies na ipapapremyo namin sa kanila para mas ganahan sila mag aral at sumagot sa amin... So kami lang ni Luke kasi may work si mommy at Tito George. At syempre si Tita Mila. So ayun nga after ng mahaba habang biyahe andito na kami.

So meron naman na kaming mapwepwestuhan kung saan si Tito George nagtuturo may malaking puno dito at hindi sya putikan tulad dun sa may mga bahay, dito kasi is puno lang, tas tahimik ito yung tinatawag nilang PARANG.

So ayun inayos na namin yung mga gagamitin at pinatawag nadin yung mga bata para pumunta dito, dun nalang sila mauupo sa madamo pero malinis namang kalupaan. So after a minutes padami na sila ng padami.

"Pano ba natin sisimulan to? Eh anlalaki na ng karamihan for sure magagaling na silang bumilang at magsulat" bulong ko kay Luke.

"Dimoba narinig sinabi ni Tito George kahapon, marami halos sa kanila hindi nakakapag aral, basta tuturuan lang natin sila ganon" sagot naman nya

"So guys listen to me!" sigaw ko sa kanila dahil nagsisimula na silang magchikahan. Grabe feeling teacher ako dito ah.

"Hindi pa nga maalam magsulat, dadaanin mo agad sa englishan" epal naman ni Luke sakin. Sinamaan konalang sya ng tingin at muling nagsalita.

"Mga bata makinig kayo sakin" sigaw ko ulit.

"Oh ayos na?" pang aasar kopa kay Luke.

"So for sure marami sa inyo ang hindi pa kumakain, kaya kumain muna tayo, pero bago yun gusto ko munang malaman kung ilan kayo, so magbibilangan tayo ok? Simulan mo" paliwanag ko sa kanila at tinuro yung nasa unahan na pinakagilid.

"Isa"

"Dalawa"

"Tatlo"

"Lima"

"Ooppss oppss, wait ang sunod sa tatlo ay apat" epal ko sa kanila.

"Ok sige ganito by age nalang yung magkakasama" sabi ko pa sa kanila.

So ayun na nga pinakabata is 5 syempre di pa naman gaanong pagfofocusan yung ganun, kaya yung mga 6 pataas nalang, so bye age yung pinagsama sama namin para madali namin sila maisa isa mamaya. Pagka ayos namin ay binigyan na nmin sila ng pagkain, at 63 silang bata dito, 8 yung 5yrs.old. so means andami pang tirang food.

____

Fo Vote, pls click the star below

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon