So ayun natapos naman namin kahapon yung pagdedesign ng sunflower nya, and today is the day It's Mommy's birthday!
So syempre ready ako sa gift para sa kanya.
So kasalukuyan na silang nagpaparty duon sa baba kanina pa nga sila eh, maghahapon nadin ako naman hindi na bumaba kasi puro naman sila matatanda dun, hindi ako belong. So after a minutes na pagcecellphone dito sa taas ay tumigil nayung sintunadong nakanta sa videoke at nagsalita si mommy dun, so dahil sa nacurious ako ay lumabas ako ng kwarto ko at tumayo sa may hagdan kung san walag makakakita sakin pero dinig ko yung sinasabi ni mommy."Bago ko tuluyang tapusin ang kasiyahang ito kasama kayo, gusto kolang sagutin yung mga tanong nyo kanina pa, tanong nyo kung bakit wala dito si George" panimula ni mommy at ramdam ko sa boses nyang umiiyak sya, nakakabinging katahimikan naman ang bumalot sa buong bahay maya maya pa nagsalita na ulit sya.
"Halos lahat naman tayo dito ay magulang, at lahat gagawin natin para sa anak natin, kahit pa nga masaktan tayo basta ok lang sila nagiging masaya nadin tayo, at ang mahal na mahal kong anak na si Lilly, sya yung buhay ko, sya ang dahilan sa bawat pagbangon ko, at sya ang dahilan kaya nabubuhay ako, sya lang yung importante para sakin, minsan nagkakasagutan kami, oo masakit bilang isang ina na nakaaaway ko ang sarili kong anak. Pero anak koyun eh, mahal ko yun, at kahit ano pang problema ang dumating saming dalawa sya ay anak at anak ko padin, ang kaso may mga bagay tayong dapat isakripisyo para sa kanila, at ako bilang isang ina sinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan kasama si George dahil ito ang alam kong gusto ng anak ko. At alam kong makakabuti para sa aming dalawa, kahit mahal na mahal ko si George at kahit alam kong mahal na mahal nyadin ako, nakipaghiwalay ako sa kanya wag lang kami magkaron ng problema ni Lee. Alam ko nasaktan ko sya ng sobra pero mas nahihirapan yung kalooban ko eh, lalo na at isang mahalagang araw ang lumipas na hindi ko sya makakasama, at baka hindi kona sya makasama pa, pero kahit ganon masaya ako dahil alam kong sa sakripisyo kong ito magiging masaya na yung anak ko, dahil kung papipiliin ako. Sarili kong kaligayahan o anak ko, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa dahil ang anak ko lang ang pipiliin ko kahit kahit gaano pang kadaming choices yan, alam ko nakakarelate kayo sakin dahil magulang din kayo" nanghihina at umiiyak na paliwanag ni mommy, habang rinig konadin ang pag iyak ng iba dahil sa sinabi ni mommy na kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko, ako ang dahilan kaya umiiyak si mommy ngayon, at ako ang dahilan kaya pati kaligayahan nya hindi nya makamit, dahil mas pinili nyang sundin ang gusto ko kesa sa gusto nyang magulang ko. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang masasakit na katagang ito sa araw ng kaarawan nya, para akong pinaulanan ng mga kutsilyo at natauhan sa aking nagawa, naalala ko yung pagtatalo namin tungkol sa boyfriend nyang si George, mahal na mahal ni mommy yung George nayun kaya ganito sya ngayon nasasaktan dahil mas pinili nyako over him na nagpapatunaw sa akin, magkahalong konsensya at guilty ang naramdaman ko dahil sa mga narinig ko.
Luke's Pov:
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Tita Rose, nakipaghiwalay sya sa mahal nya dahil lang sa anak nya? Naiikwento na sakin ni mommy ang tungkol dun sa George at kay Tita Rose, at sabi din ni mommy kahit sya komportableng kasama ito, kawawa naman si Tita, alam kong mahirap sa kalooban nya yung ginawa nya at baka labag pa sa buong pagkatao nya na nakipaghiwalay sya sa taong mahal nya.
So pagtapos nun ay nagpaalam na sila sa isat isa tapos ay unti unti ng nauubos yung tao. Hindi man lang din lumabas si Lilly at nagpakita sa mga bisita ng mommy nya. Nagpaalam lang din ako kay mommy na sa bahay muna ako.
Lilly's Pov:
Bakit bako ganito wala naman akong ginagawang masama eh, pero naguguilty ako sa nagawa ko. So dahil nga sa hindi nako magkaintindihan isa nalang yung naiisip kong paraan.
Pagkababa ko naabutan ko si Mommy at Tita Mila sa couch, kita ko agad ang lungkot sa muka ni mommy.
"Mommy happy birthday" Mahina at nakayuko kong bati sa kanya.
"Salamat anak, kain kana dun oh" nakangiti nyang sagot.
"Sige Ma. maya nalang po may pupuntahan lang po ako" sagot ko.
"San ka pupunta?" Tanong nya.
"Dyan lang po, kasama ko naman po si Luke" palusot ko.
"Si Luke?" nagtatakang singit ni Tita Mila.
"Yes Tita, sige na Ma. baka po gabihin ako eh, una napo ako" pagpapaalam ko sa kanya at tumakbo sa bahay nina Luke
"Luke! Open the door!!" pagkatok ko sa pinto nila agad agad naman nya itong binuksan.
"Oh problema mo?" seryoso nyang bungad sakin.
"Tulungan mo naman ako pls, samahan moko sa bahay nung boyfriend ni mommy" pakiusap ko sa kanya at hinawakan pa ang dalawang kamay nya
"At ano namang gagawin mo dun? Tsaka bat kailangan kasama ako anong maiitulong ko sayo" sagot pa nya.
"Ipagdrive molang ako at sasamahan molang ako" sagot ko naman. At hinila na sya palabas ng bahay nila, ang kotse kasi ni Tita asa labas ng gate nila nakapark.
Pagkasakay namin sa kotse ay nagtanong na naman sya.
"Eh taga san ba yun? San ba natin pupuntahan?" tanong pa nya.
"Dito" sagot ko at binigay yung 1x1 pictue nung lalaki at sa likod nito nakalagay yung address nya.
"Pag mang aaway ka wagas, akala palagi kayang mabuhay ng mag-isa at hindi mangangailangan ng tulong, tapos ngayon ako etong hihilahin kung saan saan" pangongonsensya nya sakin
"Pasensya ka na, promise babawi ako" matino kong sagot sa kanya. Grabe para akong demonyo na inalisan ng sungay sa ginagawa nya ha, kailangan kolang talaga sya kaya tiis tiis muna. Pakiramdam ko naman nanggagamit lang ako, juicecolored dikona alam kung anong gagawin at iisipin.
_____
CLICK THE STAR BELOW FOR VOTE
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Teen FictionNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...