So ayun day-off ko ngayon and syempre day-off din ng gagong epal na asungot na engot na si Luke, oh ayan nasa kanya na lahat senyo na.
So ayunn nagising lang naman ako sa walang sawang tahol ng aso nya. Pinagsasarhan ko muna ang mga bintana at bumalik sa pagkakahiga pero di effective. Pati antok ko nawala na, ano bang klaseng aso sya meron at manang mana sa kanya hilig pumutak. Agad agad akong tumayo sa pagkakahiga at tumungo sa terrace ko, nakapants naman ako, nakapantulog.
"Wooyy aso ka!! Tumahimik kanga dyan!" sigaw ko sa baba kung asan yung aso. At napakamot pa sa ulo dahil sa hindi naman sya tumatahimik kakatahol. Wala namang tao para mag ingay sya. Ano bang problema ng aso nato.
"Manang mana ka talaga sa amo mo! Hilig magbunganga kakainis, pwede ba gumaya ka sa pusa ko" naiinis kopang sabi kahit para nakong tanga, bigla namang bumungad si Luke, sa terrace nila.
"Ang aga aga nagbubunganga ka dyan. Ano na naman bang problema mo?" naiinis nyang tanong na halatang antok na antok pa.
"Ehh pano naman kasi yung aso mo ang ingay ingay, hindi mo ata pinapakain kaya tahol ng tahol" sagot ko naman
Sumilip naman sya sa aso nya sa baba.
"Yung pusa mo!" sigaw nya at nagmamadaling pumasok sa kwarto nya, bababa siguro sya, sa panic ay agad agad din akong bumaba. Anong nangyari kay Maggie.
Agad agad akong lumabas ng gate at sumilip sa bakuran nila. Laking gulat ko ng makitang nakabigti si Maggie sa tali ng straw dun, bigla namang lumabas ng pinto si Luke at inalis si Maggie dun. Agad agad din akong pumasok at kinuha sa kanya si Maggie.
"Maggie common wake up" kinakabahan kong gising sa kanya, pero parang wala na syang buhay, this time naiyak nako.
"Maggie ano ba gumising ka sabi eh!" umiiyak ko pang sabi sa kanya, kinuha naman sya sakin ni Luke. Itinapat pa nya sa tenga nya si Maggie tapos ay tumingin sakin.
"Wala na sya Lilly" mahina at malungkot nyang sabi sakin, napaupo naman ako at napahawak sa muka habang iyak ng iyak. Parang gumuho yung mundo ko ng marinig ang katagang WALA NA SYA, wala na siya tulad ng pagkawala ni Gabriel, God, bakit kailangan pati si Maggie kinuha nyo, bakit pati si Maggie kailangang mawala sakin.
Naupo si Luke sa tabi ko at sinandal ang ulo ko sa balikat nya, agad agad naman akong tumayo at tinignan sya ng masama.
"Kasalanan moto! Bakit sya nabigti!" galit kong sigaw sa kanya.
"Bakit ako bigla ang nasisi? Kita mo naman nagbuhol yung straw kaya nasakal sya" sagot naman nya.
"Kung hindi sana pakalat kalat yang mga straw dyan hindi sana nangyari to!" umiiyak kong sagot sa kanya.
"Ang hirap sayo, kahit alam mong nasayo ang mali pilit mong pinapasa sa iba, ikaw ang nagkulang sa alaga mo, kung hindi pagdaldal ang ginawa mo nung tumatahol si Tarzan eh di sana baka naabutan mopa syang buhay, sana chineck mo manlang kung bakit ba sya tumatahol, tignan mo nga sya, ngayong umaga lang sya namatay, kamamatay palang nya" sagot naman nya.
"How dare you! Sa tingin mo ginusto koto? Ha!" galit kong sigaw sa kanya.
"Oo walang may gusto sa nangyari kaya wag mokong sisihin, pero kahit walang may gusto sa nangyari, naiwasan sana kung hindi ka naging pabaya" sagot nya at pumasok na sa loob ng bahay nya, iniwan nya naman sa may upuan si Maggie. Muli na naman akong naiyak ng makita syang walang malay duon. Muli ko syang kinuha at yinakap habang patuloy sa pag-iyak.
"Sorry Maggie, hindi dapat nangyari sayo toh, hindi mo deserve ang masaklap na pangyayaring ganito" umiiyak kopang sabi at wala sa katinuang lumabas sa gate nina Luke, naglalakad lang ako ng wala sa sarili habang yakap yakap si Maggie, pagkapasok ko sa bahay picture frame nya kasama ako ang nakita ko sa may tv, iniwan ko muna si Maggie sa lamesa at kinuha yung frame na magkasama kami, lalo akong naiyak sa nakita ko, sya nung musmos palang sya, sya na wala pang muwang sa mundo, at sya na nagbigay ng kulay sa mundo ko. Sya na masaya dito, na ngayon wala ng buhay sa tabi ko. Yinakap ko ang frame habang di mapigilang umiyak.
"Patawarin moko Maggie" bulong kopa at hindi na talaga mapigilang ang labis na sakit na nararamdaman. Pumunta naman ako sa taas at kinuha ang box kung saan nakalagay lahat ng gamit nya,laman nito ang ibat ibang klase nyang ribbon, suklay at iba pang pictures na lalong nagpagunaw sakin, hindi ko akalaing sa ganitong paraan sya mawawala sakin, hindi ko matanggap na kasalanan ko ang nangyari, namatay ka sa isang masalimuot na paraan dahil sa kapabayaan ko, hindi ako deserve maging amo. Wala akong kwenta, hindi manlang kita nabantayan.
*kung hindi pagdaldal ang ginawa mo nung tumatahol si Tarzan eh di sana baka naabutan mopa syang buhay, sana chineck mo manlang kung bakit ba sya tumatahol, tignan mo nga sya, ngayong umaga lang sya namatay, kamamatay palang nya*
Naalala ko yung sinabi ni Luke kanina, bakit hindi manlang kita nakita kanina nung sinilip ko sa baba si Tarzan, siguro nga naabutan pa kitang buhay, sana nailigtas pa kita, kung hindi sana pagrereklamo at pagdaldal yung ginawa ko sana nakita kita dun, bakit nga ba hindi manlang ako nagtaka na tumatahol ng ganon si Tarzan, siguro kung nagkaroon ako ng concern kay Tarzan baka nakita kopa si Maggie duon, sana hindi nangyari toh. Patawarin moko Maggie, mahal na mahal kita.
Sabi ko sa isip ko habang yakap yakap ang mga gamit nya at umiiyak.
"Bye Maggie Cruz Smith, hanggang sa muling pagkikita" sabi kopa
____
VOTTEEEEEE PO
[A/N: hayyysss mamimiss ka namin Maggie, goodbye huhuhu]
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Teen FictionNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...