Think Lilly! Think! sigaw ko sa isip ko
Ano na ngayong gagawin ko, paano si Gabriel, habang nakaupo sa kama at nag iisip biglang may kumatok at for sure ang hayop na epal lang yun.
Hinayaan kolang syang kumatok dun. After a seconds tumigil na din sya nagsawa na siguro, pero nagkamali ako, biglang bumukas ito at pumasok si Luke hawak ang napakadaming susi. Wow ha. Lahat nalang ba ng susi dito sa bahay nasa kanya, eh baka mamaya kung san san nato pumasok
"Bastos mo ah, basta kanalang pumapasok sa kwarto ng may kwarto what if nagbibihis ako, manyak ka!" naiirita kong bungad sa kanya.
"Bumaba kana at kumain. Kanina kapang umagang walang kain, mamaya kung anong mangyari sayo dyan tapos konsensya kopa" sagot naman nya.
"May konsensya ka pala? Sana nakonsesnya ka sa ginawa mo! Sinira mo kami ng boyfriend ko! Hindi mona nga ako pinalabas kinuha mopa yung gadgets ko, ang kapal talaga ng muka" sagot ko naman ng naiinis at iniwan sya dun, bumaba nalang ako at dumiretso sa lamesa
Nakakita ako ng dalawang platong nakahanda dun tapos adobo, at kanin, wow ha wag nyang sasabihing dito pa sya kakain, ang kapal na nya talaga.
Umupo nako at nagsimulang kumain ng bigla syang umupo sa tapat ko, sinamaan ko sya ng tingin bago nagsalita.
"Don't tell me dito ka kakain?" maarte kong sabi sa kanya.
"Bakit bawal ba?" tanong nya at kumuha ng kanin.
Ang kapal talaga grabe.
Tumayo sya at dumiretso sa kitchen, agad agad ko namang kinuha ang chili powder sa lamesa at nilagyan ang pagkain nya. Di naman obvious kasi may sabaw sya ng adobo. Humanda ka ngayon sa malupit kong ganti, sayang lang at wala sakin yung phone ko para naman makuhanan ko ang magandang scene nato, masyadong mainit yung dating nya kaya painitin pa natin lalo.
So dumating na nga sya, ako naman patay malisya lang at tahimik na kumakain. Bigla naman syang tumingin sakin
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Maarte kong tanong
"Wala masama ba?" sagot nya at sumubo na ng kanin.
Bigla naman akong natawa ng malakas dahil dali dali syang kumuha ng tubig sa ref.
Natigil ako sa pagtawa ng makita syang umiinom at namamantal ang mukha. Pagkainom nya tumakbo sya sa kitchen, sinundan ko naman agad sya at naabutang naghihilamos at hanggang leeg na yung mga pantal nya, tulad pag inaatake ako ng allergy, agad agad kong kinuha sa pouch yung anti-allergy cream ko. Kumuha nadin ako ng malinis na towel tapos nilapitan sya.
"Teka teka wag mong kamutin, magsusugat yung muka mo" sagot ko at pinunasan ang basa nyang muka.
"Wag kang malikot lalagyan ko ng anti-allergy cream yung muka mo wag mong hahawakan" saway kopa sa kanya at dahan dahan itong nilagyan hanggang leeg nya, bigla naman syang huminahon ng malagyan kona ito, bigla akong nakaramdam ng pagkaguilty sa ginawa ko, allergy ba sya sa mahahalang?
Tumingin lang sya sakin ng walang emosyon at bumalik na sa lamesa, kinuha nya yung pagkain nya at tinapon sa trash can. Tapos nilagay sa lababo yung plato nya, tapos uminom nalang ulit sya. Naiwan naman akong nakatayo lang dito at nakatingin sa kanya, ano ba naman tong revenge ko diko pala kayang panindigan, kamalayan kobang may allergy sya sa spicy.
"Hindi ko alam kung anong naisipan mo at nilagyan mo ng chili powder yung pagkain ko" bungad nya sakin
Hindi naman ako nakasagot sa kanya.
"Pero salamat padin, kumain kana" sabi pa nya, this time napagdesisyunan ko ng magsorry kahit labag sa buong pagkatao ko.
"Sorry, diko alam na allergy ka pala sa spicy" mahinang sabi ko sa kanya.
"Alam kong naiinis kana sakin kaya ginawa moyun, pero mas nakakainis ka naman, ang tanda mona pero ang kitid ng utak mo mag-isip, pinilit lang din ako ni mommy na gawin tong pakiusap ng mommy mo, dahil kung ako ang tatanungin, hindi kodin naman gugustuhing makasama ka sa isang buong araw, hindi mo maintindihan ang pinupunto ng mommy mo kaya nya to ginagawa" mahabang sabi nya at iniwan akong tulaley dito sa kitchen, nyenye nya! Kung kanina naguguilty ako, ngayon hindi na dahil napupuno nako sa kanya, sana pala hinayaan konalang syang lumobo ang muka sa allergy nya, makapagsalita sya, palibhasa hindi nya alam kung paano magmahal. Siguro walang lovelife kaya napakabitter, kala mo naman talaga kung sino, after ng pag iisip. Bumalik nako sa lamesa at tinuloy ang pagkain, nakita ko naman syang naglilinis na ng muka, bumalik na sa dati yung maamo nyang muka, kung ano ang ikinaganda ng itsura nya at sya namang ikinasama ng ugali nya.
Luke's Pov:
Marami nga kaming pagkakaiba. Maraming ayaw ko gusto nya, at gusto ko na ayaw nya, pero may pagkakapareho padin pala kami, pareho kaming may allergy, kung wala lang akong konsesnya binawian kona to eh, pakainin koto ng seafoods ng di nya alam, buti naman at naisipan nyakong tulungan kanina, dahil kung hindi nya ginawa yun. Isusumpa ko talaga sya, hind nag iisip basta nalang makagawa ng kung ano ano, ibang klase talaga.
Tahimik naman syang kumakain mag-isa dun habang ako busy sa paglilinis ng muka ko, na pinuno nya ng anti-allergy cream nyadaw.
Patatlong araw palang namin magkapitbahay pero hindi kami magkasundo, eh sya lang naman lagi nag uumpisa ng gulo eh.
_____
VOTE THANKS
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Teen FictionNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...