Neighbor's 29

2.8K 107 0
                                    

"Wag mo ng sisihin yung sarili mo" sabi sakin ni Luke habang binebendahan sya jng nurse sa tyan dahil dun sa may tagiliran sya natamaan. Hindi nalang ako nakaimik at isang luha na naman ang pumatak mula sa mga mata ko, alam ko ang dungis dungis ko, yung buhok ko ang gulo gulo pero wala lang akong pake at nanatiling wala sa sarili habang inaalala ang nagawa ko kanina sa bahay.

"Sa tingin mo kung hindi mo ginawa yun sino ang napahamak? Ako, kaya tama lang yung ginawa mo, masama syang tao at pinagtanggol molang yung sarili mo" sabi pa ni Luke ,maya maya pa biglang bumukas yung pinto at pumasok si mommy at tita mila, pero hindi ko magawang tumayo at salubungin sila.. Nanatili lang akong wala sa sarili habang umiiyak.

"Lee? Luke? what happened?" nag aalalang bungad samin ni mommy.

"Anak napano ka" gulat ding bungad ni tita mila at nilapitan si Luke, lumabas naman na yung nurse.

Maya maya pa bigla ulit may pumasok, mga pulis naman.

"Gising napo si Mr.Edwin Laure gusto nyo napo ba syang makita at makausap para makapagsampa kayo ng reklamo" bungad samin nung isang pulis, dalawa kasi sila. Bigla naman akong nabuhayan ng loob sa narinig ko, salamat po at naging maayos lang sya, kahit papano hindi ako nakokonsensya ng ganito.

"Nasan ang hayop nayun, ako ang haharap" galit na sabat naman ni mommy, hinawakan ko naman sya sa kamay at nagpunas ng luha bago nagsalita.

"Ma. Ako nalang po ang sasama sa mga pulis, ako nalang po ang haharap sa kanya" mahina kong sagot sa kanya.

"Sasamahan kita anak" pilit pa nya.

"Ako na Tita ang bahala, ako na ang sasama sa kanya" pagpriprisinta ni Luke.

"Pero anak, hindi kapa ok" sabat ni Tita Mila.

"Ma. daplis lang toh, kami napo ang bahala Lilly tara na" sagot ni Luke. Sumunod nalang kami sa mga pulis.

"Siguro naman nabawasan na yang dinadala mo, hindi mo naman pala sya napatay eh" sabi ni Luke habang naglalakad kami. Tinignan ko naman sya at ngumiti.

"Nakakatakot kasi lalo na nung nakita koyung dugo sa may ulo nya" sagot ko namn pero this time nagagawa kona ulit ngumiti

"Salamat pala at dumating ka" sabi kopa sa kanya, ngumiti naman sya at ginulo ang buhok ko. Sakto namang andito na kami sa kwarto kung nasan yung thief or magnanakaw. Pumasok na kami at bumungad samin yung magnanakaw na nakahiga dun habang umiiyak kasama ng asawa nya at baby nito.

"Parang awa nyo na wag nyong ikulong ang asawa ko" umiiyak na bungad samin nung asawa nya hawak hawak ang baby nito. Umiwas naman ako ng tingin dahil tila biglang naawa ako sa nasasaksihan ko.

"Hind nya naman sinasadya yung nagawa nya eh, nagawa nya lang yun dahil sa anak naming may sakit" umiiyak pang sabi nito agad agad naman akong nagsalita. Gusto kong maawa pero mas namuo sakin yung galit.

"Hindi sinasadya? Muntik na nyakong mapatay! At muntik na syang makapatay" galit kong panimula at binaling ang tingin sa magnanakaw.

"Sinabihan na kita, na walang magandang maiidulot yung gagawin mo! Pinaalalahanan pa kita tungkol sa pamilya mo pero tinuloy mo padin, andaming pwedeng paraan para sa dahilan mong may sakit ang anak mo, andaming pwedeng hingan ng tulong, pero hindi na sana umabot sa ganon!" sumbat ko naman sa magnanakaw na kasalukuyang umiiyak padin habang nakahiga sa kama at may benda sa ulo.

"Patawarin moko" sagot naman nito.

"Parang awa mona, wag mong alisan ng ama ang anak ko, sya nalang ang inaasahan namin" umiiyak lang pakiusap mg asawa nito.


"Sana inisip muna ng asawa nyo ang mga pwedeng mangyari bago sya gumawa ng isang desisyon, pasensya na ho, pero ang mga kasalanan pinagbabayaran, pero kahit ganon, nangangako akong ako ang bahala sa gagastusin nyo para sa pagpapagamot sa anak nyo, pero hinding hindi kopo magagawang balewalain ang kasalanang nagawa nya, kailangan nyang pagbayaran yun, at sana maging leksyon na ito sa inyo, umaasa akong balang araw magiging maayos din ang lahat" mahabang sagot ko sa kanila at di maiwasang maiyak. Pagkasabi ko nun ay lumabas nako ng kwarto.

"Ayos kalang ba?" tanong ni Luke sa tabi ko.

"Oo naman, ikaw yung parang di ayos dyan, tignan mo nga oh" sagot ko naman at tinuro yung tama nya na may benda.

"Sus wala nga akong nararamdaman eh"natatawa naman nyang sagot. Naupo namin kami sa may upuan duon bago ko sya sinagot.

"Bat mo ginawa yun?" seryosong tanong ko sa kanya


"Ang alin?" nagtataka pa nyang tanong.

"Bat moko niligtas, alam mo namang pwede mong ikapahamak, tsaka diba hate na hate moko" sagot ko naman sa kanya, ewan kolang ha pero hindi basta yung tulong na ginawa nya sakin kaya eto na ! Eto na siguro yung panahon para baguhin ko na ang magulo kong mundo, yung punong puno ako ng pagkabitter.

"Kasi kailangan mo ng tulong, kung may nangyari sayo at wala akong ginawa, konsensya kopayun" sagot naman nya ng nakangiti.

"Sus, pero salamat ulit ah" sagot ko naman, maya maya pa biglang lumabas ng kwarto yung dalawang pulis naalala koyung magnanakaw at yung asawa nya.

*Parang awa mona, wag mong alisan ng ama ang anak ko, sya nalang ang inaasahan namin*

Naalala ko yung pagmamakaawa nung babae sakin, naalala koyung pagkabata ko nung iniwan kami ni daddy, naaawa ako sa anak nila, naaawa ako sa bata dahil mawawalan sya ng ama dahil sakin. At dahil nga sa pakiramdam ko ang sama sama ko napagdesisyunan ko ng hayaang magbagong buhay sila, alam ko namang hindi na sya uulit sa nagawa nya dahil nakikita koyun, ayoko ding maranasan nung bata yung lumaki ng walang ama na sumusuporta sa tabi mo, tsaka pano nalang mabubuhay yung mag-ina nya kung wala sya.

"Sir kapag ok na sya, hayaan nyona syang umuwi kasama ang pamilya nya, inaatras kona ang reklamo laban sa kanya, pakibigay nalang din nitong calling card ko, pasabi tawagan nila ako if kailangan na nila yung pera para sa baby nila" paliwanag ko sa dalawang pulis na sa harap ko

"Sigurado poba kayo Maam?" nagtatakang tanong nung isa.

"Sigurado ako, hindi naman sya magnanakaw eh, nagkamali ako kaya wag nyo na syang ikulong" sagot kopa para tumigil na sila kakatanong.

"Pero Lilly, sigurado kaba dyan? Pano pag umulit sya at ginawa nya sa iba?" bulong naman sakin ni Luke

"Hindi na sya uulit Luke, hayaan mona sya" bulong koding sagot at umalis na.

___

VOTEEEE

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon