So ayun na nga hindi na naghire ang pabidang si Luke ng magdedesign ng sunflower nya, kasi kayang kaya nadaw nya, so balak nyalang namang itayo ang mga sunflower kasama nung mga halaman sa labas, how jeje grabe wala talagang taste.
"So pano na ngayon, obvious na obvious ng fake yang sunflower mo pag hinawakan ng bisita" naiinis kong komento habang busy sya pag aayos.
"Eh bakit yung rose moba hindi ma oobvious? Tsaka ano bang goal mo? Manloko? Eh ano naman kung malaman nilang hindi toh totoo, eh hindi naman talaga" nakakayamot nyang sagot, nakatayo lang kasi ako at nakakibit balikat habang pinapanuod sya sa walang kwenta nyang ginagawa.
"Whatever! Bakit nga ba ako nakikipag usap sayo, maiwan na kita dyan and make sure na paglabas ko maayos na yan" maarte kong sagot at papasokna sana sa gate namin ng humarang sya dun.
"Alam mo sa halip na dumada ka dyan. Tulungan monalang ako dahil napakarami pa nito, at baka sakaling may magawa ka namang kapaki pakinabang" sabi nya sakin.
"Mag ingat ingat ka sa mga words na binibitawan mo Mr.Martinez, and pwede ba ikaw tong may sabi na kaya mo nayan kaya hindi na tayo kumuha ng mag-aayos kaya panindigan mo" taas kilay kong sagot.
"Eh akala ko kasi tutulungan moko. Dahil yun ang sabi ng mommy ko, magtulungan daw tayo, hindi naman ako nainform na ako lang pala ang gagawa sa lahat" sagot pa nya. Ano bang klaseng lalaki toh at kung makaputak wagas.
"Alam mo ikaw lang yung kilala kong lalaki pero ang daldal, dinaig mopa ang babae alam mo bayun? And besides kung Roses sana ang kinuha natin baka ganahan pakong mag-ayos nyan ang kaso hindi naman kaya bahala ka, umalis ka ng dyan" naiirita kong sagot at tinulak sya paalis ng gate. Tapos ay pumasok nako.
Ang sarap ihampas nung mga sunflower nya sa kanya para matauhan naman syang ang jeje ng napili nya, balak nyaba talagang ipahiya si mommy sa mga bisita nito? Oww birthday pala ng mommy bukas kaya nireready nya yung bahay for her party celebration with her friends and co-workers.
So ayun kumain nalang ako dahil gutom nako. Nagtoast nadin ako ng bread sa oven then nagtimpla ng juice ewan ko pero bigla kong naaalala si Luke kung kumain na ba sya? Or baka uhaw na sya sa gnagawa nya kasi medyo mainit nadin dun sa labas, so binuksan kolang yung pinto at tinignan sya dun, wala na syang suot na t-shirt tapos ay pawisang pawisan na sya, at namumula yung balat, so dahil hindi namn ako ganon kasama ay pinuntahan ko sya dala yung juice.
"Ayos kalang ba? Namumula nayung balat mo sa init ah" bungad ko sa kanya, maputi din kasi si Luke, kaya kitang kita yung pamumula ng balat nya.
So dahil hindi nyako pinansin at tuloy lang sya sa ginagawa nya eh inabot kona sa kanya yung juice, kinuha nya naman ito at itinapon.
"Bakit mo ginawa yun!" gulat kong sabi sa kanya.
"Mahirap na baka mamaya may chili powder na naman yan" natatawa nyang sagot, akala ko galit tapos tatawa? Anong emosyon sya meron?
"Hello? Hindi ako ganon kasama para gawin yun, hindi kolang talaga alam nung una, alam mo nag effort akong itimpla ka ng juice dahil concern ako sayo tapos itatapon molang?" naiinis kong sagot sa kanya.
"Ikaw? Concern ka sakin?" biglang seryoso nyang sagot, napatingin naman ako sa pawis nya sa leeg na bumababa papunta sa abs nya.
"No! What i mean is baka kasi kung anong mangyari sayo eh di konsensya kopa kaya dinalan kita ng juice" pag-iiba ko naman.
"Salamat, sige pagtimpla monalang ako ng bago iinumin kona, nakakahiya kasi sa effort mo" tumatawa nyang sagot at bumalik na sa ginagawa nya, hanggang ngayon andito padin sya sa bahay namin nagdedesign.
"Ang kapal ng face mo, magtimpla ka mag isa mo" sagot ko naman at kumuha ng sunflower at nagtry ikabit tulad ng ginagawa nya.
Bigla naman syang tumawa.
"Concern ka nga sakin" sabi pa nya at ginulo ang buhok ko.
"Ano ba! Wag mo ngang hinahawakan yung buhok ko, and excuse me hindi ako concern sayo noh" nayayamot kong sagot.
"Eh bakit moko biglang tutulungan" natatawa nyang sagot.
"Kasi sobrang bagal mo, para kang pagong and bago kapa abutin ng gabi dito tutulungan na kita, kaya pwede bawas bawasan ang pagaassume?" Pambabara konaman sa kanya.
"Sus reasons" natatawa pa nyang sagot.
So ayun tahimik nalang kaming gumagawa.
"Bakit amoy sunog?" biglang tanong ni Luke.
"Oo sunog na sunog ka na kasi" natatawa ko namang sagot.
"May umuusok sa bahay nyo" sabi pa nya kaya agad akong napatingin duon. Naalala ko bigla yng tinotoast kong bread sa oven, myghad.
"Myghad tung toasted" natataranta kong sagot at tumakbo agad paloob, agad agad ko namang binunot yung saksak ng oven. Nag usok sya ng todo grabe, amoy na amoy yung sunog.
"Nag overheat, bakit mo kasi iniwang buhay" komento ni Luke at binuksan yung oven. Kumawala naman ang mabaho at itim na usok galing dun.
"Gusto mo?" natatawa nyang tanong sakin at inaabot yung sunog na sunog na tinapay, natawa din naman ako sa kanya.
______
VOTEEE
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Novela JuvenilNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...