Neighbor's 14

3K 125 6
                                    

Nagising nalang ako dahil sa kamay na tumatapik sa balikat ko, tinignan ko naman kung sino sya, at si mommy ito. Bigla ko namang nakita ang gamit ni Maggie na hawak ko tsaka muling naiyak.

"Mommy si Maggie wala na, wala na si Maggie Ma" umiiyak kong sabi at yinakap sya.

"May mga bagay talagang ayaw man nating magtapos pero wala tayong magagawa" sagot naman nya habang hinahaplos ang likod ko.

"Ma. Kasalanan kopo, naging pabaya ako, hindi ko sya naalagaan ng maayos" umiiyak kong sagot sa kanya.

"Anak wag mong sisihin ang sarili mo, siguro araw na talaga ni Maggie kaya kinuha na sya ni God" sagot naman nya, kumalas naman ako sa pagkakayaka sa kanya bago sumagot.

"Kailangan ba Ma. sa ganon pang paraan sya mawawala?" umiiyak kong sagot sa kanya, hindi ko maiwasang isipin ang masalimuot na pinagdaanan ni Maggie, hindi ko maimagine na nabigti sya, naiisip ko ang Maggie na humihingi ng tulong habang nangyayari sa kanya yun, pero walang nakasagip sa kanya, dahil ako na mismong amo nya walang nagawa para sa kanya.

Bumaba na kami dala ang box na naglalaman ng mga gamit nya.

"Bakit po ang aga nyong umuwi" walang emosyon kong tanong sa kanya.

"Nagtxt kasi sakin si Luke tungkol sa nangyari at alam kong hindi mo kakayanin ang pagkawala nya kaya umuwi muna ako" sagot naman nya. Pagkababa namin nakita ko si Maggie na nakabalot na sa puting tela. Lalo akong naiyak sa nakita ko. Wala naba talaga sya, muli ko syang yinakap habang umiiyak.

"Anak tara na, sa likod na ng bahay natin sya ililibing" sabi ni mommy sa tabi ko. Sumunod nalang ako sa kanya habang yakap yakap si Maggie at umiiyak. Paglabas namin sa likod bumungad sakin ang hindi kalalimang hukay at si Luke na may hawak na pala.

"Anak ilagay mona si Maggie dito kasama ang mga gamit nya, kailangan mo na syang palayain" sabi ni mommy na lalong nagpaiyak sakin. Wala din akong nagawa at dahan dahang nilagay sa box si Maggie.

"5 yrs. nadin sya satin, satin nadin sya nagka edad, pero ngayon wala na sya, goodbye Maggie, hinding hindi ka namin malilimutan" sabi ni mommy at nilagay na sa hukay ang box kung nasan si Maggie. Umiwas naman ako ng tingin ng tinatabunan na sya. Dahan dahan akong pumasok sa loob. Pero tumingin muna ako sa hukay at bumulong.

"Paalam Maggie" bulong ko bago tuluyang pumasok sa loob

______

*Kinabukasan*

"Lee bumangon kana dyan, mas better kung papasok ka sa trabaho para maaga kang makamove on sa pagkawala ni Maggie" pangungulit ni mommy sakin habang nakahiga ako sa kama at nakabalot ng makapal na kumot.

"Lee natanggap mo nga ang pagkawala ni Gabriel diba? Kaya kaya modin dapat tanggapin na wala na si Maggie" sabi pa nya.

"Wag nyo pong kinukumpara si Maggie sa hayop nayun, niloko ako ni Gabriel, eh si Maggie wala syang ginawa kundi alisin amg stress ko sa buhay" walang modo kong sagot


"Pero anak, hindi magiging masaya si Maggie kung ganyan ka. Sigurado ako malungkot sya kasi malungkot ka" sagot naman nya, ng maramdamang lumabas na sya ng kwarto ay tsaka ako lumabas sa terrace dahil kanina kopang naririnig tumatahol si Tarzan, pagpunta ko sa terrace bumungad sakin si Luke habang hawak hawak sa tali ang masayang si Tarzan habang nagtatatakbo duon. Muli na naman akong nakaramdam ng sakit sa nakita ko. Nakauniform na si Luke ng pampasok namin sa resto.

Siguro tama si Mommy, mas ok kung magtrabaho nalang ako para hindi ko sya naaalala, bawat tignan ko dito sa bahay nakikita ko ang masayang si Maggie

Agad agad akong naligo at nagbihis at mabilis bumaba dun,sakto namang palabas na ng bahay si mommy.

"Ma, sabay napo ako sa inyo" sabi ko, lumingon naman sya sakim bago sumagot.

"Hindi kaba muna kakain?" tanong nya.

"Late napo ako eh, dun nalang po" sagot ko at sumabay na sa kanya palabas, kotse naman ni mommy ang gamit namin ngayon, so tulad ng nakasanayan kami ulit ni Luke sa backseat, tinignan kong muli ang muka ko sa salaming dala ko. Halatang halata sa mata ko ang pagkakaiyak. Nagsimula nakong magmake up kahit malikot yung kotse, late na kasi ako kaya dito nalang ako nag-ayos. Napapansin kong lumilinga linga paminsan minsan sakin si Luke pero hindi konalang sya pinapansin

_____

Voteeeee

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon