Neighbor's 34

2.9K 129 2
                                    

Nakatayo sa napakatahimik na lugar habang lahat ng tao sa paligid ay umiiyak at naghihinagpis tulad ng nararamdaman ko ngayon. Kay gandang umaga pero napakasamang araw para sa aming lahat, nakatayo habang hawak ang isang piraso ng puting rosas, isa isang nagpapaalam kay Sir.Edwin Laure na syang naging dahilan kung bakit ako nakatayo ngayon. At kung bakit sya ang nasa kabaong ngayon. Lahat nga naman ng bagay may katapusan, hindi talaga natin masasabi ang magiging takbo ng buhay natin, hindi natin alam kung ano bang bukas ang naghihintay sa atin, at sa hindi alam na panahon at oras maaari na pala nating ikamatay at maging katapusan, sabi nila kaya daw si Sir.Edwin ang namatay at hindi ako ay dahil sadyang araw na nito, kaya daw binigyan ako ng malinaw na pag iisip para patawarin sya at wag ng ipakulong ay dahil ililigtas pala ako nito, nakaplano nadaw lahat yun. Plinano ni God, isa isa na silang lumalapit kay Sir.Edwin habang unti unti na syang ibinababa sa malalim na hukay, napaiwas muli ako ng tingin at sunod sunod na luha na naman ang kumawala sa mga mata ko, lalo na ng makita ang asawa nitong hindi alam kung paano lalaban ng sya nalang, na hindi alam kung paano palalakihin ang anak ng mag-isa lang, naaawa ako sa kanila pero this time wala nakong magagawa, hindi kona maiibalik ang buhay ng asawa nya, nabaling ang tingin ko sa batang ang saya saya pa at tumatawa, ni wala syang kamuwang muwang at kaalam alam na wala na ang tatay nya, na iniwan na sya nito, lalo akong naiyak sa aking mga nasasaksihan, haplos lang ni Luke ang tanging nararamdaman ko pero hindi ko magawang huminahon, bakas padin ang mga pasa sa aking katawan, naka tatlong linggo na, nahuli na din si Nicole at ang boyfriend nito, at ngayong araw ko din sila haharapin, kung hindi dahil sa kanila hindi na sana nangyari ang lahat ng to. Wala sana ngayong ganito. Pero sa mga nangyari isa lang ang alam ko, utang ko ang buhay ko sa lalaking ito, at sisiguraduhin kong magbabayad ang gumawa sa kanya nito, sya ang dahilan kaya nakatayo ako ngayon. Kaya ako din ang magiging dahilan para magkaroon ng hustisya ang pagkawala nya, hindi ko sasayangin ang pangalawang buhay na ibinigay sa akin.

___

*3 days ago*

So andito kami ngayon sa court or korte/hukuman, para ilitis ang naging kaso ni Nicole at nung boyfriend nya at syempre ako ang testigo dahil ako naman talaga ang biktima.

"Nasa bahay ako ni Melvin that day na sinasabi ni Lilly na kinidnap namin sya kaya imposibleng kami ang may kagagawan sa pagpatay nayan" naiinis na depensa ni Nicole sa lawyer ko.

"How dare you Nicole, nakapatay kana tumatanggi kapa" sabat ko naman na agad pinigilan nina Luke.

"Bakit Lilly? May proof ba kayo? May katibayan? May katunayan? Alam mo hindi ko alam kung bakit mo toh ginagawa, ginagawa mobato dahil sa mga naging away natin? Kaya ngayon ako eto ginagantihan mo? Eh baka nga mamaya ikaw pala nakapatay sa kanya kasi remember galit kadun sa tao dahil nagnakaw sya senyo" mahaba pang paliwanag ni Nicole na ikinalaki ng mata ko sa sindak, bakit pakiramdam ko ako ang nadodown, bakit pakiramdam ko ako ang mali.

"Hindi ako galit sa kanya! Hindi kona nga sya pinakulong diba" pagdepensa ko naman, pinatahimik naman ako ng lawyer ko maging sina Luke sa tabi ko, dahil wala pako sa katayuan para magsalita.

"Pano mo naman mapapatunayan na nandun ka sa bahay ng boyfriend mo ng araw nayun?" nakakasindak namang tanong nung lawyer ko sa kanya, lumipas ang usapan nila at ako naman ang haharap sa mga tanong ng lawyer ni Nicole.

"Ms.Smith nandito tayo ngayon para litisin at alamin ang totoong nangyari, at nangako ka na pawang katotohanan lamang ang iyong ihahayag, ngayon! Pano mo mapapatunayan na si Nicole at Melvin ang totoong kumidnap sayo at pumatay kay Mr.Edwin Laure gayong kahit mga pulis ay walang naabutang Nicole at Melvin sa pinangyarihan ng krimen?" nakakatakot at nakakasindak nyang tanong sakin, bigla naman akong naiyak at umiiling iling.

"Hindi ko alam kung pano pero sigurado ako, maniwala kayo, gusto akong patayin ni Nicole dahil sabi nya ilang beses ko syang pinahiya at maging daddy nya kinakahiya na sya, pinaghahampas nyako ng tubo tapos nung may dumating ng mga pulis tatakas na sana sila, tapos babarilin nako ni Nicole ng may humarang sakin kaya si Sir.Edwin yung natamaan" nangangatal at umiiyak kong sagot

"Paano mo ngayon maiipaliwanag na ikaw lang ang naabutan ng mga pulis duon kasama si Mr.Edwin na wala ng buhay" sagot agad nito, lalo pa akong naiyak dahil pakiramdam ko ay ako pa ang napapasama, ako ang nadidiin sa kasalanang hindi ko ginawa. Huminga ako ng malalim at hinarap ng matapang ang lawyer ni Nicole

"Sinasabi mobang ako ang pumatay kay Sir.Edwin?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Oo, bakit hindi ba totoo? Ikaw lang ang kasama nya duon at malaki ang kasiguraduhang ikaw ang pumatay sa kanya!" sagot nito sakin

"Bakit? Sa tingin nyo binugbog ko mag isa ang sarili ko gamit ang tubo?" direkta kong sagot.

"Maaaring si Mr.Edwin ang gumawa sayo nito, at hindi sinasadyang nabaril mo sya" sagot pa nito, napatayo naman ako bago nakasagot.

"Anong klase kang abogado, pati patay na binibigyan mo ng kasalanan na hindi naman nya ginawa, bakit may nakita ba kayong baril dun? Ha? May nakita ba kayo!" medyo malakas ko ng sagot sa kanya. Maya maya pa ay dumating na yung investigator at may iniabot sa lawyer.

"Excuse me Mr.Lawrence, pero maiipaliwanag mopa ba ito?" singit nung lawyer ko at binigay sa lawyer ni Nicole, agad agad namab itong may kinuha sa loob ng envelope na mga papel, at napatingin samin ng gulat.

"Positive ang resulta ng fingerprint ni Nicole sa tubo na ginamit nyang pananakit kay Lilly" singit ulit ng lawyer kona ikinagulat ng lahat, na maging ang judge ay nagulat ng makita.

"Hindi yan totoo! Dinoctor nyo yan! Peke yan!" sigaw ni Nicole, pero kusang ngumiti ang labi ko ng ihampas na ng judge ang hammer nya. Agad agad akong niyakap ni Luke kahit wala pa namang resulta.

___

Tootttt

PLEASE VOTE, JUST CLICK THE STAR BELOW ⭐

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon