2 weeks passed medyo ok nako. June nadin at sigurado nakaalis na ulit si Gabriel ng diko alam, wala na kasi kaming pansinan sa chat, parang wala lang yung 1year namin.
So ayun nga andito kami ngayon sa work, ewan pero kumonti yung customer siguro dahil may pasok na.
So kasalukuyan lang ako nakaupo dito kasi wala ngang masyadong customer at wala dito sa line ko ng biglang may kapansin pansin akong nakita, napatayo nalang ako sa pagkakaupo ng makita si Gabriel kasama yung babaeng nasa picture, Wow ha, wow.
Inalis ko ang hairnet ko,
Walang ano ano akong lumabas dito sa counter, inayos ko muna ang sarili ko at inilugay ng maayos ang buhok, kailangan hindi ako magpakitang mahina at affected sa pang iiwan nya sakin, hindi sya deserve iyakan! Wala syang kwenta. So ayun nga tinungo ko yung lamesa nila at malakas na itinuon ang dalawang kamay duon. Napatingin naman silang dalawa sakin.Tumingin si Gabriel sakin ng gulat, tinaasan ko naman sya ng kanang kilay bago nagsalita.
"Good day Maam and Sir? Hindi 7eleven ang restaurant nato para tambayan nyo, at lalong hindi ito hotel para maglandian kayo, kainan to hindi harutan kaya kung hindi kayo oorder makakaalis na kayo" matapang kong sabi sa kanila.
"Love? What does she say?" pabebeng tanong naman ng italyanang toh kay Gabriel, nyenye na.
"Ang sabi ko ampanget mo" sagot ko naman sa kanya na hindi ata nakakaintind ng tagalog, tsala whaat? Love? Ayaw nyang may callsign kami tapos sila may pa Love Love, wow ha, wow!
"Lilly ano ba" saway sakin ni Gabriel, binaling ko naman ulit ang tingin sa kanya.
"I remember sinabi mong hanggang katapusan kalang ng May dito? Don't tell me balak mong mag stay dito sa pilipinas? Pwede bumalik kana dun sa Italy, masyado ng maraming manloloko dito sa pinas wag ka ng dumagdag" sagot ko naman sa kanya.
"Lilly let's go" sagot naman nya, nagkibit balikat naman ako bago sumagot.
"Wow ha, wow! Kapal ng muka mo, sa tingin mo sasama pako sayo? In your dreama bitch!" sagot ko naman.
"Hindi ikaw" tipid nyang sagot at hinila na palabas yung italyana nyang girlfriend, wait wag nyang sasabihing Lilly din ang pangala ng babaeng yun, di naman ako nainform na mahilig pala sya sa mga Lilly eh di sana nasampal ko sya ng sandamakmak na water Lily baka sakaling luminis naman sya, masyado na syang madumi, hayuf sya. Pasalamat sya at pinaninindigan ko ang Customer is Always Right, dahil kung hindi napagumpog kona sila.
"Woyy bumalik kanadun, masesesanta ka sa ginagawa mo eh" bungad naman sakin ni Luke, sinamaan konalang sya ng tingin, epal na asungot pa. San ka pa! Bumalik nalang ako sa pwesto ko naupo habang iniisip si Gabriel.
Ng makabalik na sa counter nagsalita na naman sya.
"Bakit mo pinaalis yung mga customer sino bayun?" tanong nya, tinignan ko naman sya ng masama bago sumagot.
"Wala ka ng pake" walang modo kung sagot. Sakto naman may lalaking customer na sa line ko.
"Anong sayo!" galit kong tanong dun sa lalaki, dahilan para masindak sya
"Kuya dito na kayo sakin" sabat naman netong si Luke, pumunta naman na sa kanya yung customer ng makaalis nato binalingan na naman ako ng tanong ng hayuf na si Luke
"Ano bang problema mo? Pag may nakakita sayo matatanggalan ka ng trabaho, pati mga customer kinagagalitan mo" medyo naiinis nyang sabi sakin.
"Ang problema ko is yung bunganga mo,Eh pake moba? Pwede ba tumahimik kanalang dyan, ang daldal daldal mo" naiinis ko namang sagot at sinuot na ulit yung hairnet
"Kung may problema ka ipagsantabi mo muna hindi yung pati mga customer kinagagalitan mo" medyo galit na din nyang sagot sinamaan konalang sya ng tingin, masyado syang pakealam sa buhay ko eh. Nyenyeee nya..
_____
VOTEEEE
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Teen FictionNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...