Lilly's Pov:
Hindi kona alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Gabi na at nanatili lang akong nakahiga dito sa kama ko. Iyak ng iyak at di alam kung ano ang gagawin. Ni pagkain diko magawa, hindi din naman ako pinupuntahan ni mommy dito, galit padin siguro sya, alam ko naman kasi simula palang hindi na sya papayag kaya tinago konalang, hindi ko naman alam na sa ganito pang sitwasyon nya malalaman, minabuti konalang na wag munang mag online, hindi din naman alam ni Gabriel ang bahay ko, hindi kopa alam kung pano sasabihin sa kanya, ang alam nya kasi legal kami. Na alam din ni mommy na boyfriend ko sya, paano nalang kami, hindi ko alam kung paano ko ba sya ipaglalaban.
_____
Nagising ako dahil sa liwanag galing sa bintana, agad agad akong tumingin sa watch ko at nakitang 8:36am na pala. Wala na si mommy, agad agad akong nag-open ng messenger
Gabriel Sanchez
: uyyy san kana?.
:ayos kalang ba?
:off kona phone ko andito na kami sa airport
:sige goodnight nalang bawal daw nakaopen ang mga cellphone eh. Chat nalang kita pag nandyan nako sa pilipinas.
:goodmorning! Andito na kami
:uyyy gumising kana
:ano bang nangyari sayo?
:uwi na muna kami sa bahay ha.
:dito din naman ako sa manila, meet tayo mamaya
:gustong gusto na kita makita
:sige chat monalang ako kung saan mo gusto dadating at dadating ako.
:i love you Lilly.Sunod sunod na luha ang nagpatakan sa mga mata ko, gustong gusto konadin syang makita, pero hindi ko alam kung paano.
Kahit labag sa loob ko nagbigay nako ng place sa kanya. Maya maya pa ay nagreply na sya.
: Ok 9:30 andun nako,salamat Lilly.
; sigeAgad agad akong naligo at nag-ayos ng sarili mga 9:10 nako natapos pag-aayos, pagkababa ko laking gulat ko ng makitang nakaupo sa couch namin si Luke habang may hawak hawak na magazine.
"What the hell are you doing here? Ganyan naba talaga kakapal ang muka mo?" naiinis kong bungad sa kanya, ngumiti naman sya tapos tumayo at inayos ang t-shirt na suot.
"Oh ganyan kaba makitungo sa bisita mo? Tsaka teka? Bihis na bihis ka ah san ang punta?" nang aasar nyang sagot.
"That's none of your business! Pwede ba lumabas ka na dito at aalis ako" sagot ko naman sa kanya at tuluyan ng bumaba sa hagdan
Nung lalabas nako sa pinto bigla nyakong hinarangan duon.
"Ooppss bawal kang lumabas ng bahay" sabi nya na pinagtaka ko.
"Kelan kapa nagkaroon ng karapatan para pagbawalan ako? Tsaka pwede ba wag kang feeling ano dyan, ipapaalala kolang sayo nasa pamamahay kita kaya mahiya ka naman" naiinis kong sagot at tinulak sya palayo ng pinto. Pilit kong binubuksan ang pinto pero nakalock ito, tumingin naman ako kay Luke na nakangiti sakin habang hawak hawak ang susi at winawagayway. Pagtalon ko para makuha yung susi sa nakataas nyang kamay naapakan ko ang paa nya at napaatras sya dahilan para mahiga sya sa sofa at madaganan ko.
Agad agad naman akong tumayo at inayos ang sarili.
"Anong balak mong gawin sakin!" sigaw ko sa kanya.
Tumayo naman sya at tumawa ulit.
"Pasensya ka, napag-utusan lang, kabilin bilinan ng mommy mo wag na wag kitang hahayaang makalabas" sabi pa nya at tinago na sa bulsa yung susi.
"At nakinig ka naman? Ganyan ba kababaw tingin mo sa sarili mo? Isang hamak na utusan lang?" nang aasar kong sabi sa kanya para maoffend sya.
"Hindi naman sa ganon, ang boring kasi sa bahay, ayos nadin yung ganito, may nagagawa ako" nakangiti pa nyang sagot na lalong nagpakulo sa dugo ko tinignan ko ang oras sa relo ko at nanlaki ang mata ko ng makitang 9:36am na, tatawagan kona sana sya ng bigla syang tumawag, agad agad ko naman itong sinagot at lumayo ng konti sa hayyyff na lalaking to.
"Andito nako, asan kana?" tanong agad nya.
Sasagot na sana ako ng biglang kinuha ito sakin ni Luke.
"Wala, hindi sya pupunta dyan kaya umuwi kana!" sagot ni Luke at inend yung call.
"How dare you!" galit kong sigaw at kinuha sa kanya yung cellphone ko.
"Hindi kana nakakatawa, sobra sobra ka ng epal alam mo bayun? Sino kaba sa tingin mo? Isang hamak na kapitbahay kalang kaya wag kang masyadong magmataas" galit kong sagot at aakyat na sana ng hinawakan nyako sa braso at pinigilan.
"Kabilin bilinan din ng mommy mo na wag ko kayong hahayaang makapag-usap" sabi pa nya, agad agad ko namang inalis ang kamay nya sa braso ko.
"Wow ha, feel na feel mo talaga maging kontrabida noh?" Naiinis kong sagot..
"Makinig kanalang kasi sa mommy mo" sagot nya
"Oo at pwede makinig kadin sakin? Hindi na nga ako aalis diba, tutulog nalang ako bye" sagot ko at aakyat na sana ngbigla syang tumakbo pataas.
"Oyyy ang kapal mo, hindi moto bahay" sagot ko at hinabol sya sa taas, naabutan ko naman sya sa kwarto ko at hawak ang laptop ko.
"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo? Anong gagawin mo sa laptop ko?" naiinis ko ng sagot sa kanya. Bigla naman syang lumapit sakin at kinuha din ang cellphone ko tapos tumakbo ulit sa baba.
"Walanghiya kang lalaki ka! Wala kang modo!!!" sigaw ko at muli din akong bumaba. Naabutan ko syang nakaupo sa couch at nagcecellphone.
"Asan ang phone at laptop ko!" galit kong sigaw sa kanya.
"Pagkabalik ni Tita. Tsaka ko ibabalik sayo, may pagkain na sa lamesa kumain kanalang" sagot nya na parang walang nangyari.
Napatulala nalang ako sa pinagagawa nya sakin ngayong araw.
"Pagsisisihan mong ginawa mo sakin to!" sigaw ko sa kanya at dali daling umakyat sa kwarto ko. Pagkadating dun sinarhan ko ng malakas yung pinto.
"Whuuuahhhhh!!!! Hayooopp!!" galit kong sigaw at tumalon sa kama ko.
______
VOTE
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Teen FictionNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...