So ayun na nga sabay kaming umuwi ng Luke nato, binalak kopa sanang makipagkita kay Gabriel, kaso pinagbilin na naman ako ni mommy na wag daw akong hihiwalayan ng engot nato. First day palang pagod na pagod na agad ako, pano pa kaya sa mga susunod na araw, so kabababa palang naman ng taxi, sya nadin yung nagbayad, thanks nalang.
"Dito kana kumain, wala daw naiwang cooked food yung mommy mo" sabi nya.
Nagkibit balikat naman ako bago sumagot.
"Anong tingin mo sakin hindi marunong magluto?" maarte kong sagot sa kanya tapos ay pumasok na sa bahay.
Ayos nadin yung ganito atleast di naputol yung relasyon namin ni Gabriel diba? Kaso ngalang forever LDR na ata kami.
So ayun dahil miss na miss kona sya nag open agad ako ng laptop at tumungo sa terrace ko sa taas. May 1message sya, kakapanibago ha bat iisa toh, so inopen ko nga agad
Gabriel Sanchez
: Lilly siguro naman nararamdaman modin yung nararamdaman ko, ang hirap kasi, nandito ako pwedeng pwede na kita makasama pero hindi ko magawa dahil napakaraming hadlang, naka 1year tayo at hinintay ang pagkakataong toh, ang kaso hindi naman tayo maging malaya. Pakiramdam ko walang patutunguhan ang relasyon natin dahil sa mommy mo, wag mo sanang isiping duwag ako, ikaw din kasi ang mahihirapan sa huli pag pinagpatuloy natin toh, ayaw ako ng mommy mo para sayo, siguro mas mabuti kung susundin monalang yung gusto nya, yung iwanan mo ako. Dahil kung tayo, tayo padin naman sa huli, pero sa ngayon pinapalaya na kita, itigil na natin ang relasyong binuo natin, I love you Lilly, mahal na mahal kita, at wag na wag mong kakalimutang naging bahagi ka na ng buhay ko. Hanggang sa muling pagkikita Lilly Smith.Napahawak ako sa bibig habang binabasa toh at umiiyak. Bakit ka sumuko Gabriel. Akala koba walang iwanan.
"Anong drama ang pinapanuod mo, ang boring kasi manunuod nalang din ako" boses ni Luke mula sa kabilang bahay sa terrace nya din. Tumingin naman ako sa kanya na basang basa ang muka at pinunas ito bago pumasok sa kwarto at duon ko binuhos ang sakitt.
Luke's Pov:
Anyare dun?
"Nooo!! Hindi pwedeng mangyari toh!" sigaw nya mula sa loob na dinig na dinig ko.
"Bakit moko iniwannnn!!!!" sigaw pa ulit nya.
"Nakakainis ka wala kang kwenta!!" sigaw na naman nya, teka tungkol kaya to sa kanila ng boyfriend nya? At nagdradrama sya ng ganun, grabe tablan ng salitang AFFECTED. Kala mo naman katapusan na ng mundo. Maya maya pa ay may tumilapong unan sa terrace nya habang sumisigaw sya ng salitang HAYOP. Nagwala na dahil lang sa break-up? Ganon naba sya kadesperada sa lalaki? Maya maya pa yung pusa nya naman ang lumabas dun at mukang takot na takot tumakbo. Ano bang pinaggagagawa nya sa buhay nya, hayaan konalang sya, ganun talaga masakit sa simula pero unti unti matatanggap din naman nya, makakain nalang kesa makinig sa madramang scene ng Lilly nayun.
____
Lilly's Pov:
Nagising ako dahil sa tumutunog kong cellphone, una kong chineck ang oras, 5:55pm tapos ay nireject ang tawag ni Gabriel, bakit naman sya tatawag ngayon, ang kapal kapal ng muka nya. Maya maya pa biglang bumukas yung pinto sa kwarto ko at pumasok si mommy na gulat.
"Lee! What happened to your room" gulat nyang bungad sakin, habang nanatili lang akong nakadapa sa kama ko. Maya maya pa lumapit na sya sakin at naupo sa kama ko.
Naramdaman ko naman ang haplos nya mula sa likod ko. Agad agad ko naman itong inalis, sya ang dahilan kaya ako iniwan ni Gabriel tapos ngayon icocomfort nyako dahil break na kami, how bad!
"Alam monaba? Kaya nagkakaganito ka ngayon?" mahina nyang tanong sakin, bumangon naman ako sa pagkakahiga at naupo sa kama ko.
"Oo Ma. break na kami. Siguro ang saya saya nyo na ngayon kasi dahil sa inyo nagsawa sakin si Gabriel" umiiyak kong sagot
Tumayo sya bago sumagot.
"Wag mokong sisihin dahil nagbreak kayo, iningatan lang kita, and i told you hindi ka dapat basta nagtitiwala sa isang lalaki lalo na sa isang Long distance relationship, and i also told you na hindi magwowork ang relasyon nyo, dahil ang mga lalaki hahanap at hahanap yan! Look! Kasama nya dito sa pilipinas ang girlfriend nya sa italy! At yan ang reason kung bakit kayo nagbreak hindi ako! Dahil ako nagpaalala lang sayo" mahabang sagot ni mommy at pinamuka sakin ang picture ni Gabriel kasama ang hindi mukang pinay na babae. Halos gumuho yung mundo ko sa nakita kong magkaholding hands, bigla na naman akong naiyak, kasabay nun ay pagyakap ni mommy mula sa tabi ko.
"Nakita namin sya ni Tita Mila mo kanina pagkahatid naman senyo sa Korean Restaurant, Lee wag kang umiyak dahil lang sa lalaking yun, hindi nya deserve iyakin, common Lee, listen to me, hindi pa katapusan ng mundo para sirain mo ang buhay mo dahil sa kanya, change for the better anak, wag kang magpapakitang nasasaktan ka dahil sa kanya, ipakita mong wala ka ding pake sa kanya, ipakita mong matibay ka tulad ng ginawa ko sa daddy mo, kahit masakit kailangan nating tanggapin na hindi na tayo ang mahal ng taong mahal natin" mahabang paliwanag nya habang yakap yakap padin ako at umiiyak.
Sana simula palang naniwala nako sa sinabi ni mommy, sana hindi ako nasasaktan ng ganito, sana simula palang pinaalam kona sa kanya para di ako nakapasok sa ganitong relasyon, kelan nya pako niloloko? Naka 1year kami? Eh sila kaya? Pinagsabay nya kami, ano bang ginawa kong mali at sakin pa nangyayari yung ganito. Nagmahal lang ako ng totoo pero sinuklian ng walang kakwenta kwentang resulta.
____
VOTE PLSSSHH THANKSSS
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
JugendliteraturNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...