Neighbor's 23

2.9K 109 0
                                    

Lilly's Pov:

"Anak naman alam ko may hindi tayo pagkakaintindihan, pero sana naman nakipagkasundo kanalang kay Luke eh di sana ayos na, may design nayung labas natin, bukas na yung party dito sa bahay akala ko ok na, pag uwi ko tapos hindi pa pala" sermon ni mommy sakin

"Mommy dito naman pala kayo magpaparty eh bakit pati yung kina Luke kelangan meron din at kapareha pa nung satin?" naiinis kong sagot sa kanya.

"Kasi anak, sobrang dikit lang nung bahay nila, mas maganda kung ditetso hanggang dun isang style lang" sagot naman nya.


"Bukas na bukas hahanap kayo ni Luke ng mag aayos ng harapan natin! At make sure pag-uwi ko ayos na ang lahat" sabi pa nya at umakyat na sa taas, eh bakit ba kasi kelangan palagi ibuntot nila sakin si Luke. Kayang kaya ko naman kasing mag-isa, dagdag stress lang naman sya sakin. Sa halip na ayos nayung trabaho nasisira pa dahil sa kanya.

_____

*Kinaumagahan*

"Nasabi nadin ni Tita mo kay Luke na sasamhan ka nya, ingat kayo and pls magkasundo naman sana kayo" sabi ni mommy at lumabas na ng bahay.

Nyenyenye, lalo lang humihirap yung gawain pag kasama ko ang hayop na asungot na engot na si Luke.

So ayun lumabas lang din ako at hinintay umalis sina mommy, nakita kodin naman si Luke na nakatayo sa labas ng gate nila, seryoso lang yung mukha nya.

O_O

Anong nangyayari sakin? Bakit ganito? Bakit bumibilis yung tibok ng puso ko, agad agad akong umiwas ng tingin sa kanya at napahawak sa dibdib. Ano ba tumigil ka nga! Anong nangyayari sayo! Bat ka nagwawala dyan!! nakakainis na puso toh, ano ba.

"Anong oras tayo aalis?!" nakakagulat na tanong ni Luke mula sa gate namin, hinarap ko naman sya ng gulat.


"Anong nangyari sayo?" nakakainis pa nyang tanong. Umiling iling naman ako at umayos ng tayo, huminga pako ng malalim bago sumagot.

"That's none of your business. Liligo lang ako then aalis na tayo, pero if gusto mo naman ako nalang yung bahala, kasi kayang kaya ko naman na talaga" sagot konaman sa kanya.

"Kilala kita, lagi kang palpak kaya sasamahan na kita" natatawa nyang sagot.

"Lumangoy kaba sa dagat ng kayabangan? At ganyan ka?" naiirita kong sagot sa kanya


"Hindi, sa dagat ng kagwapuhan ako lumangoy kaya eto" sagot nya at nagtaas taas ng kilay, feeling close lang sya ha. Akala mo namang ok kami, matapos nyang sirain ang napakaganda kong araw kahapon.

"Whatever! isang favor lang, hayaan monakong pumili ng flower na gagamitin dahil mas may taste ako kesa sayo! Bilisan mo at wag mokong paghintayin! Bye" confident kong sagot at sinarhan ng malakas yung pinto.

_____

*Flower Shop*

So pinipili namin is yung tulad sa kahapon na plastik na flowers pero hindi talaga sya obvious. Pero ibang flower shop toh.

"Walang available na roses?" tanong ko dun sa matanda.

"Nako naubusan napo, puro buhay na roses nalang ang nandito" sagot naman nya.

"Ah ok, thanks nalang" sabi ko at aalis na sana ng biglang umepal si Luke.

"Pero may available na Sunflower, eto nalang" sabat ni Luke at tinuro yung Sunflower sa picture.

"Alam mo wag ka ng mag aksaya ng panahon dyan, tara na, hanap tayo ng ibang shop" naiinis kong sagot sa kanya.

"Eh bakit ba kasi muka ka ng roses" naiinis nyang sagot.

"Eh ikaw? Bakit muka ka ng sunflower?" balik tanong ko sa kanya.

"Kasi nga maganda at bagay sa bahay natin" sagot naman nya.


"So yun i want roses kasi maganda sya at for sure na babagay sa bahay kaya pwede ba let's go" sagot ko sa kanya at tuluyan ng lumabas ng shop.

Ng mkasakay nadin sya sa kotse tsaka sya nagsalita.

"Ganito nalang, jack em poy tayo, at kung sinong panalo yung gusto nya ang masusunod" sabi nya, inikutan ko naman sya ng mata sa bata bataan nyang pauso.

"Wow ha!wow! Ginawa mopakong bata? Sorry pero ayoko masyadong nakakababa ng tingin sa sarili yang iniisip mo" nayayamot kong sagot.

"Eh kesa naman sa ganito, hindi na natin alam kung anong pipiliing bulaklak, mapapagalitan na naman ako ni mommy kahit ikaw naman yung may kasalanan" sabi pa nya. Ang sarap nyang lagyan ng shoe glue sa bibig para hindi na makaimik eh.

"Ok fine" labag sa loob kong sagot.

So ayun nag start na kami.

"Jack Em Poy!" sabi nya, so bato yung sa kanya at gunting yung sakin.

"Ok, so pano tara order na tayo ng sunflower" nakangiti nyang sabi sakin at bababa na sana ng kotse pero pinigilan ko sya.

"Excuse me? Pag nag jajack em poy hanggang tatlo yun, wag kang feeling panalo agad dyan" naiinis kong sagot sa kanya, pero dahil sa ayaw ko talagang magpatalo nakaisip ako ng palusot.

"Daya mo! Wala ka namang sinabi" angal nga.

"Eh ikaw ba may sinabi?" naiirita kong sagot sa kanya, wala naman syang nagawa at nakipaglaban ulit so round 2 sya ulit yung panalo. Napapikit naman ako ng bahagya sa inis.

"Pinapatagal mo pa eh, wala ka naman ng chance" natatawa pa nyang sabi.

"Wag kang magulo ok? Hindi pa tapos yung laban" masungit kong sagot, so naground3 na kami and thanks dahil panalo ako. Napangiti naman ako. So diretso agad kami sa round4 and again i won, so 2-2 na kami.

"Late ka naman naglalapag ng kamay eh, andaya" angal nya.

"Oyy grabe hindi ka natanggap ng pagkatalo" natatawa kong sagot, kakatawa kasi, totoo kasing naka2pts. ako dahil sa pandaraya. Promise natatawa ako sa itsura nya


"Ok final round be ready" natatawa kong sagot, so ayun pareho kaming bato.

"Tignan mo oh late ka talaga" tumatawa din ngang angal.

"Dami netong reklamo hindi naman" natatawa ko namang sagot. Hindi ko maintindihan pero napatingin ako sa kanya habang tumatawa sya pakiramdam ko biglang nag iba yung tingin ko sa kanya.


"Oyy ano game na, wag ka ng madaya" nakangiti nyang sabi, so final round begins. At pag minamalas malas ka nga naman hindi ako nakapagdaya dahil nakafocus ako sa maamo nyang muka .


"Pano bayan sunflower ang nanalo, tara order na tayo" natatawa nyang sagot, tinignan kolang sya ng masama bago sumagot.


"Umorder ka mag isa mo" nayayamot kong sagot, tumawa naman sya at bumaba na ng kotse


_____

VOTEEEE

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon