Luke's Pov:
"Dali dali pumasok kana" sabi ko sa pusa at pinapasok sa loob ng gate nina Lilly.
"Love? Anong ginagawa mo?" boses ni Nicole mula sa likod ko, agad agad ko naman syang hinarap ng gulat.
"Oh Nicole andito ka pala, bakit hindi kamanlang nagsabing dadating ka" natataranta ko namang sagot sa kanya.
"Di ka naman nagrereply sa mga text ko, dimodin sinasagot mga tawag ko kaya pumunta nalang ako dito" sagot naman nya.
"Nako pasensya kana ha busy lang, tara dun sa loob" sagot ko at naglakad na papunta sa bahay.
Lilly's Pov:
Kumakain ako ng makarinig ko ng ingay sa labas, bukas din kasi mga bintana, pagsilip ko, bumungad sakin si Luke at yung bubuyog nyang girlfriend na naglalakad na papasok sa bahay nina Luke, kaso diba sobrang lapit lang ng bahay kila samin. Habang nakasilip dun bigla namang may tumalong pusa. Sa gulat ay nahulog ako sa sofa kung san ako nakatungtong kanina.
"Arayy" angal ko habang hawak hawak ang bewang ko, dahan dahan naman akong tumayo at pumunta sa labas para icheck yung nakakagulat na pusa. Pagkalabas ko bumungad sakin ang napakaamong pusa na binibigay sakin ni Luke, si Mimi, kusang ngumiti ang mga labi ko at kinuha sya.
Luke's Pov:
"Pumunta ka dito dahil pinoproblema mo yung kumakalat nyong video? Eh diba mas namromroblema dapat si Lilly, tsaka bakit ka nagsinungaling sakin! Bakit sabi mo sya ang nauna!" galit kong sigaw sa kanya habang nasa loob kmi ng bahay.
"Masisisi mobako? Katrabaho mo sya, kapitbahay, mas lagi mo syang nakakasama kesa sakin. Luke nagseselos nako sa babaeng yun" sagot nya.
"Wala namang meron saming dalawa kaya bakit mo sya pagseselosan?" naiinis kong sagot sa kanya.
"Luke alam ko gusto mo na sya. Nung una palang, lagi kitang nahuhuling nakatingin sa kanya habang nakangiti, sa araw araw kong paghihintay sayo sa restaurant, sayo lang ako nakafocus, sayo na sa kanya lagi nakatingin, natatakot lang akong maagawan" sagot naman nya.
"At dahil sa selos nayan handa kang gumawa ng masama? Ikaw ang nauna sa away nyo ni Lilly pero hindi mo sinabi sakin. Siniraan mopa sya. Alam mobang nag-away pa kami, napagsabihan ko sya ng mga hindi bagay na hindi nya deserve" galit kong sagot.
"See? Kung wala kang feelings sa kanya hindi ka dapat ganyan makaconcern sa kanya, at sya pa talagang kinakampihan mo over me na girlfriend mo" umiiyak na nyang sagot
"Nicole wala akong kinakampihan, at hindi ako concern sa kanya, sayo nga ako concern kaya inaway ko sya, inaway ko sya dahil naniwala ako sa mga sinabi mo! Kung may dapat magalit dito, ako yun Nicole dahil nagsinungaling ka sakin" sagot ko naman.
"Eh di go! Magalit ka sakin!" galit nyang sigaw at nagmamadaling lumabas, hindi ko naman na sya napigilan dahil kahit ako naguguluhan na.
Lilly's Pov:
"Ramdam na ramdam ko talaga ang presence sayo ni Maggie, siguro kung andito pa sya sobrang saya nya kasi may makakasama na sya" sabi ko kay Mimi habang hinahaplos ang malambot nyang balahibo, habang nasa terrace kasama si Mimi, biglang tumahol si Tarzan, sumilip naman ako kina Luke at nakita si Nicole na lumabas ng bahay nila at nagmamadaling sumakay sa kotse nya. Pero hindi ko naman nakita si Luke.
Napagdesisyunan kong puntahan nalang sya at magpasalamat. Siguro dapat konadin syang iforgive.
Ng nasa tapat nako ng pinto nila ay kumatok nako. Bigla naman itong bumukas at bumungad sakin si Luke na gulong gulo yung buhok.
"A-ayos kalang?" nauutal kong tanong sa kanya.
"Oo" sagot nya at sinarhan nayung pinto.
Wow ha! Wow! So bumalik nalang ako sa bahay at kumuha ng maliit na papel at sinulatan ng Thank You. Tapos ay bumalik sa bahay nila at kinapit ito sa pinto.
Siguro nag away sila tapos pati sakin magagalit.
___
VOTE.
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Teen FictionNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...