Neighbor's 2

5K 177 0
                                    

Lilly's Pov:

Kasalukuyan ako ngayong nag-aayos ng sarili, kagigising kolang, 3pm na. Ng maayos na ang muka at naitali ang buhok ay bumaba nako, kahit ako lang lagi dito sa bahay sadyang nag aayos ako ng sarili.

Nasa hagdan palang ako pababa. Bumungad na sakin si mommy kasama yung bago naming kapitbahay.

"Oh anak, gising kanapala, sabayan mo kami" sabi ni mommy habang nagpapalaman ng nutella sa tinapay. Nakatingin sila ngayong tatlo sakin. Kelan pa nya naging ka close ang mag-inang yun eh babagong dating nga. Sa halip na sumagot ay dumiretso nalang ako sa kitchen. Narinig kopang sinabi nyang.

"Pasensya na kayo ah, bagong gising kasi wala sa mood" sabi ni mommy. Inikot konalang ang mata ko. Kahit kelan talaga.

Kumuha lang ako ng juice at toasted sa microwave pagtapos ay naupo may table din naman dito sa kitchen.

Nakakainis lang kasi dinig na dinig ko usapan nila.

"Maghahanap pa nga ako bukas ng trabaho" sabi nung mommy nung papansing lalaki

"Ano bang work ang hinahanap mo?" tanong naman ni mommy

"Call Center Agent ako sa batangas, kaya yun din balak kong pasukan dito" sagot naman nya. Napasubsob naman ako sa lamesa guess what? Kasi .....

"Call Center Agent din ako, nako saktong sakto, bukas na bukas din sumama ka sakin, mataas ang katayuan kodun kayang kaya kitang ipasok" sagot naman ni mommy, see???

"Talaga? Nako maraming salamat, ang swerte naman namin sa kapitbahay" sagot nung babae.

Talaga! Kami lang naman malas senyo eh !!

"Ahh tita? Ano pong pangalan nung anak nyo?" nanlaki naman ang mata ko sa tanong nung lalaki. At ano? Tita? What the hell?

"She's Lilly, Lilly Cruz Smith" sagot naman ni mommy, gusto konang pununta dun at makisabat sa usapan nila, wow ha. Kelan pa nagkaroon ng interes sakin ang lalaking yun.

"Graduate ng BS Administration ang anak ko, but still now wala pa syang work, ako na kasi ang naghahanap ng company na magandang pasukan nya" sabi pa ni mommy, napapikit nalang ako sa inis.

"Sabagay para hindi na din sya mahirapan diba" sagot naman nung mommy ni papansin, kita nyo na pati ibang tao iniisip na wala akong kwenta! Na wala akong alam! Na hindi ko kaya ang sarili ko! Nakakainis na hindi na talaga toh nakakatawa.

"May boyfriend na po ba sya?" biglang tanong ni papansin. Taas confidence level ha. Kaka amaze hayyf sya

Bigla namang natawa si mommy.

"Bakit type moba ang anak ko?" tanong nya.

"Nako hindi po, natanong ko lang" natatawa naman nyang sagot

"Maiba ako iho, ilang taon kana? Tapos kanarin ba sa study?" tanong ni mommy

"Nakoo di na nga nya itinuloy, 2nd year lang ang natapos sa course na BS Architecture, ayaw na eh sumuko na, nanghihinayang nga din ako" sagot naman ng mommy nya.

"Ganon ba? Nako sayang nga, eh bakit hindi mo ituloy? Ilang taon kanaba?" tanong ulit ni mommy.

"21 po, 22 na bukas" sagot nito.

At dito pa talaga sya balak magcelebrate ng birthday? Eh normal days nga lakas makapagpa speaker na kala mo sya lang nakakarinig, eh birthday pa kaya? Baka nakavideoke nayan.

"Nako Advance happy birthday sayo, pano yan birthday pala ng anak mo, sa susunod kanalang sumama sakin" sagot ni mommy.

"Nako hindi po. Ayos lang yun, Ma. sama kana po" sagot naman nito

Nyenye nya eh di sya na ang magalang.

Ng maubos kona ang kinakain ko. Inubos konadin ang juice ko at napagdesisyunang lumabas muna, inilugay ko muna ang buhok ko at inayos bago tumungo sa lamesa, kasi dadaan ako dun bago makarating sa pinto palabas.

"Good day Maam" bati ko dun sa mommy ni papansin, tapos ay dire diretso palabas. Bakit ko sya babatiin diba?

Medyo mainit pa dito sa garden, pero may part naman na lilim na. Naupo muna ako dun kasi may mga upuan naman dito. Habang nakaupo at nagcecellphone, biglang may nagsalita.

"Ang init baka matunaw ka" sabi nito, nilingon ko naman sya at sinaman ng tingin bago muling nagfocus sa pagcecellphone.

"Pwede ba kitang makausap?" sabi pa nya.

Pero hindi kolang ulit sya pinansin.

"Iisipin ko sang pipe ka, pero naalala ko inaway mo pala ako kanina sa taas" sabi pa nya.

Kapal ng muka nya ha.

"Wala ka nga sigurong balak sumagot, ingat kanalang baka sa sobrang cold mona parang ice matunaw ka dyan sa init" sabi pa nya, this time dikona napigilang wag magsalita.

"Oo nga eh, kaya kung pwede lumayo layo ka sakin. Ang init init na nga dumadagdag kapa" sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Na iinitin ka sakin? Ganon talaga hot ako eh" sagot nya na ikinasama ng aura ko.

"Kung bibigyan ng definition ang salitang EPAL, ikaw nayun" naiinis ko ng sagot at pumasok na sa loob, panira sya ng araw. Nakakainis.

_____

VOTE

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon