Lilly's Pov:
So yun wala lang namang nangyari nung mga nakaraan na wala kaming pasok at ngayon eto balik trabaho na naman.
"Gusto kona agad umuwi, miss kona sa Mimi, baka nabobored nayun sa cage nya" malungkot kong sabi kay Luke na katabi ko nga habang nakaupo at naghihintay ng customer. Lima naman kaming cashier at wala sa line namin ni Luke. And take note bati na kami. Hindi na kami medyo nagbabangayan
"Mamaya naman uuwi nadin tayo eh" natatawa naman nyang sagot.
Ngumiti nalang din ako sa kanya.
Maya maya pa ay may customer na sa harap ko kaya tumayo nadin ako.
"Ano poyun?" tanong ko sa kanya, maya maya pa ay humarap na sya sakin galing sa pagkakayuko, nagulat naman ako ng makita ang girlfriend ni Luke. Inalis nya ang suot nyang cap pagtapos ay pumalakpak.
"How sweet, dis oras ng trabaho naglalandian" sabi nya, napatayo naman si Luke .
"Nicole anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ni Luke.
"Bakit Luke? Ayaw mobang makita ko kayong naglaladian ng babaeng toh" sagot pa nya at tumingin sakin in higher confidence level, grabe hindi din talaga papatalo sa mga linyahan ang babaeng to eh.
"Nicole mamaya na tayo mag-usap baka mahuli tayo ng manager namin" mahinang sagot ni Luke.
"Di mo naman sinabi sakin na hindi lang pala sinungaling yang girlfriend mo paranoid pa pala" natatawa ko namang sabat...
"Lilly pls wag ka ng sumabay" awat naman sakin ni Luke.
"Kung ako paranoid, ikaw slut!" sigaw nya namang sagot na ikinagulat ko.
"How dare you! Wag mokong igaya sayo stupid!" galit ko namang sagot dahilan para mapunta samin ang atensyon ng mga customer at maging mga katrabaho namin. Iimik palang sana sya ay binuhos ko na yung tira kong coke sa baso, remember asa loob kami as a cashier at sya asa labas as a customer.
"Talagang pinupuno mo yung pasensya ko ha!" galit nyang sagot at pilit binuksan yung pinakapinto namin at pinatikim ako ng isang napakalakas na sampal. Sa gulat ko ay nasuntok ko sya.
"I told you! Hindi pa pinapanganak ang hahawak sa mukha ko!" galit na galit kong sigaw habang hawak ang pisngi ko, sa lakas ng bwelo ko ay nagawa kong paduguin ang labi nya sa suntok.
Bigla naman nyakong sinugod at sinabunutan kaya hindi ako nagpatalo, maya maya pa ay hinihila nako palayo ni Luke at hinila nadin sya nung guard.
"Pagsisisihan mong ginawa mo sakin toh!" galit nya pang sabi sakin.
"Nicole shut up! Ano bang nangyayari sayo! Kung nagkakaganyan ka dahil sakin mas mabuti pang tapusin na natin toh!" sabat naman ni Luke.
"See? Eh di lumabas din yung tunay na mas pinipili mo na talaga sya over me! Alam ko namang mangyayari toh eh dahil umpisa palang alam ko ng may feelings ka sa kanya, and you Ms.Slut! Congratulations! Nakasira ka ng isang relasyon!" galit na sigaw naman ni Nicole at kumalas na sa guard tapos ay nagmamadaling lumabas.
Napatingin naman kami sa gulong nagawa ko at sa mga taong nagbubulungan.
"Nako mapapagalitan kayo ni Sir" bungad samin nung isang cashier.
"Lilly and Luke pinapupunta kayo ni Sir. sa kitchen" bungad samin nung isa sa mga chef.
Napatingin naman ako kay Luke na iiling iling habang nakahawak sa noo, yumuko nalang ako at sumunod sa kanila.
"Ano Luke? Pati girlfriend mo dinadala mo sa trabaho? At ikaw naman Lilly hindi kana nahiya, dito pa talaga sa restaurant ha! Ano nalang sasabihin ng mga tao, pati ako madadamay sa gulo nyo!" galit nyang bungad samin.
"Pasensya na Sir. Hindi kopo alam na dadating sya dito ng galit" nakayuko namang paumanhin ni Luke.
"Sorry Sir. Hindi napo mauulit" nakayuko koding sagot.
"Sadyang hindi na mauulit dahil sinesesante kona kayo! Hindi na kayo nahiya sa mga magulang nyong pilit pang nakiusap maipasok lang kayo dito, ang sabi nila mapapakinabangan kayo. Pero hindi yun yung nakikita ko, sinisira nyo ang restaurant nato! Pano nalang ang naging pinsala ng gulo nyo? Sino ngayong mag aasikaso? Sinong mag aayos ng mga sinira nyo? Umalis na kayo bago pako makapagsalita ng kung ano ano dito! Isa kayong malaking kahihiyan! Umalis na kayo at hindi kona kayo kailangan!" galit nyang sagot samin.
"Sorry po ulit" mahina kong sagot at sumunod na kay Luke.
Ng makarating kami kung nasan yung mga gamit namin bigla syang nagsalita.
"Sana hindi monalang sya pinatulan. Eh di sana hindi na umabot sa ganito" seryosong sabi nya sakin.
"Aba teka nasa harap ka ng pangyayari tapos sisisihin moko? Eh sya yung kung ano anong pinagsasasabi. Eh sa hindi ko nga alam na pinagseselosan pala nyako" naiinis ko namang sagot.
"Eh bakit nga kasi sumabat kapa, kaya lalong humaba eh" naiinis pa nyang sagot.
"Ayy teka, nasesante din ako with matching pamatay pang sampal nyang girlfriend mong ang kapal ng kalyo sa kamay, and sa second time may nagmura na naman sakin , she called me slut! Tapos gusto mo tumahimik nalang ako? At kita mo naman sya pa yung pumasok sa cashier para sampalin ako, at kung may dapat sisihin dito ikaw yun! Dahil sarili mong girlfriend hindi mo makontrol!" medyo galit kong sagot sa kanya at kinuha na ang bag ko para at sinamaan sya ng tingin bago umalis.
____
VOTEEEEEE
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Ficção AdolescenteNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...