Lilly's Pov:
Day4 sa 1week vacation namin, at eto ako nakakulong sa nakakasawang bahay nato. Tahimik at wala kang maririnig kahit huni ng ibon, lahat sarado pinto at bintana. Hayopp na Luke yun, isama pa ang video na nagviviral ngayon, ano nalang mangyayari sakin ngayon.
So ayun wala nadin kwenta para mag online, wala naman nakong kchat at ka video call, isama pa si Maggie na wala na talaga. So kasalukuyan akong nanunuod ng walang kwentang palabas sa tv ng biglang may kumatok. Agad agad ko naman ito ng binuksan at ng makita si Luke ay sasarhan kona sana ulit kaso hindi nya bitawan.
"Wait Lilly, mag-usap tayo" sabi pa nya.
"Walang tayo kaya walang rason para mag-usap tayo" naiinis ko namang sagot at pilit tinutulak yung pinto pero nabigo ako at nakapasok sya.
"Alam mo pakapal ng pakapal yang muka mo, hindi kanaba talaga marunong mahiya? Bahay ng bahay pinapasok mo?" naiinis kopang sabi sa kanya at tinutulak sya palabas pero wala lang sa kanya.
"Lilly makinig ka muna sakin" seryoso nyang sagot at hinawakan ako sa magkabilang braso habang seryosong nakatingin sakin, hindi ko maintindihan pero biglang nagwala yung heartbeat ko.
Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at inalis ang kamay nga sa balikat ko tapos ay tumalikod sa kanya.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan, tsaka hindi ako makikinig kung ano man yung sasabihin mo kaya pls lang umuwi kana" walang modo kong sagot sa kanya habang nakatalikod.
"Lilly sorry, sorry sa nasabi ko kahapon sayo, sorry din kung hinusgahan agad kita, hindi mo naman ako masisisi diba? Ganong ugali kita nakilala" sabi nya, agad agad naman akong humarap sa kanya at sumagot.
"Ganitong ugali moko nakilala dahil ganitong ugali karin nagpakilala sakin!" medyo malakas kong sagot sa kaya dahilan para masindak sya.
"Hindi ko naman hinangad na kilalanin mo bilang mabait o kung ano man dahil wala akong pake kung anong tingin mo sakin! Pero sana bago ka nagsasalita inaalam mo muna" sagot ko at umakyat na sa taas.
Luke's Pov:
Hindi ko talaga akalain na napakasama na pala ng nagawa ko kay Lilly, hindi kopa nga talaga sya kilala. Napaupo nalang ako sa couch nila at napaisip, ano naman kayang pwede kong gawin para mapatawad nyako
_____
Lilly's Pov:
So tanghali na andito lang ako sa terrace at nanunuod ng kdrama sa laptop ko ng biglang may tuwag sakin mula sa baba, napatingin naman ako kay Luke sa labas ng gate namin.
"Lilly baba ka naman dyan" sigaw nya. Sinamaan kolang sya ng tingin at aalis na sana sa terrace pero sumigaw ulit sya.
"Plss kahit ngayon lang, mag-usap naman tayo" sabi pa nya, inikot konalang yung mata ko tapos sinarhan ang laptop at bumaba kung nasan sya.
Pagkabukas ko ng gate hinarap ko agad sya in maldita mode.
"Bibigyan kita ng 1minuto para sabihin kung ano man ang gusto mong sabihin dahil andami kopang ginagawa" bungad ko sa kanya.
Tumakbo naman sya sa kotse nya at may kinuha sa loob, inabot nya naman sakin ang maliit na cage na naglalaman ng napakacute na puting pusa na kamukhang kamukha ni Maggie.
"Anong gagawin ko dyan?" tanong ko kahit gustong gusto kona itong kunin sa kanya.
"Para sayo" nakangiti nyang sagot
"Anong gagawin ko dyan?" mataray kopang tanong.
"Aalagaan kapalit ni Maggie" nakangiti nyang sagot.
"Walang pwedeng pumalit kay Maggie dahil nag iisa lang sya kaya pwede ba, ibalik monayan kung san mo napulot" naiinis ko namang sagot sa kanya.
"Oo walang makakapalit sa kanya, pero sigurado ako gusto nyang maging masaya ka, kalimutan mo na sya tulad ng paglimot mo sa ex mo at mag move on ka sa ngayon, tignan mo to si Mimi gustong gusto nya sayo" sagot naman nya, tinignan ko sya bago ko binalik ang tingin sa pusa.
Kinuha ko naman sa kanya yung cage at nilapag sa lupa, tapos ay naupo ako dahan dahan at pinakawalan sya.
"Umalis kana! Pumunta ka sa tamang tao, sa maaalagaan ka ng maayos, wag ka sakin" malungkot kong sabi sa pusa, papasok na sana ako sa gate ng muling magsalita si Luke.
"Lilly sorry ulit" sabi pa nya, sinarhan ko naman na ang gate ng biglang lumapit duon yung pusa.
"Diba sabi ko sayo umalis kana, wag kang sumunod sakin" sabi ko ulit dun sa pusa at tuluyan ng pumasok sa loob.
Luke's Pov:
Kinuha ko na ang pusang nagpipilit pumasok sa bahay nina Lilly.
"Pano bayan, mukang ayaw sayo ng bago mong amo" sabi ko kay Mimi at binuhat na sya.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay pinakawalan kona sya. Hindi naman sya malikot tahimik lang din sya at parang mahinhin unlike kay Maggie na makulit.
Lilly's Pov:
Masyado naba kong masama kung hindi kopadin ifoforgive si Luke, muka naman syang sincere sa mga sinasabi nya, may mga point din naman sya sa mga explanations nya, ang kaso yung pusa, parang gusto kona syang yakapin, nararamdaman ko sa kanya ang presence ni Maggie. Ang kaso nahihiya naman ako kay Luke, tsaka natatakot nakong mag-alaga ulit ng pusa, pakiramdam ko hindi ko sila magagabayan ng ayos. Feeling ko mapapahamak lang sila sakin.
_____
VOTE
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Teen FictionNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...