Lilly's Pov:
Antigas ng muka nya ah! Ako pa talaga ngayon yung may kasalanan samantalang sya itong boyfriend na walang nagawa, wow ha! Wow! Sarap nilang pagbuhulin at ibitin patiwarik tutal asa talampakan namang ang mga utak nila, bagay na bagay talaga sila, ang lalakas mang judge, mga wala silang modo. So dahil sa inis umuwi nako mag isa.
Pagkababa ko ng taxi naabutan kong bukas yung gate. Panong naging bukas toh, dali dali akong pumasok at dire diretso lang, ng maabutan si mommy na may kasamang lalaki sa may couch, nakaakbay pato sa kanya habang masaya silang nanunuod ng tv. Agad agad namang tumayo si mommy.
"Ahh anak si George pala. B-boyfriend ko" mahina nyang sabi sa akin, tinignan kolang yung lalaki at inikutan ng mata bago tumakbo pataas.
Pagkapasok ko sa kwarto ay isinara ko ito ng malakas. Boyfriend ? Seryoso ba sya? Oo maganda naman si mommy kahit 40 na sya, pero hindi ba sya natatakot magmahal ulit? Eh muka pa lang ng lalaking yun hindi na mapapagkatiwalaan eh, nakakainis ha.
Maya maya pa ay may kumatok, hindi nalang ako umimik hanggang sa sumilip si mommy, umiwas lang ako ng tingin sa kanya.
"Anak, nakakahiya naman kay George, may problema ba?" bungad nyang tanong .
"Yes Ma. may problema! Sino ba sya? San nyo sya nakilala? sa muka palang nya kitang kita ng wala syang magandang maiidulot sa inyo" naiinis kong sagot ng hindi tumitingin sa kanya.
"Anak hindi mopa naman kilala yung tao kaya sana hindi mo agad sya hinuhusgahan" sagot naman nya, humarap naman nako sa kanya habang nakaupo sa kama bago sumagot.
"Bakit Ma? Nung ako ba ang nagmahal anong sinabi nyo? Diba hinusgahan nyo din agad sya kahit hindi nyo pa sya kilala" sagot ko naman.
"Ayaw kolang masaktan ka anak" pagkasagot nya ay sumagot agad ako.
"At ayoko ring masaktan kayo!" medyo napalakas na yung sagot ko sa kanya.
"Anak iba ang sitwasyon namin sa sitwasyon nyo! Kami nakakapagsama kami, nakakapagkita hindi lang araw araw kundi oras oras, eh kayo ba anak? Magkalayo kayo! At alam mo namang tama lang ang pag iingat na ginawa ko dahil tama ang hinala ko, na lolokohin kalang nya!" medyo galit nadin nyang sagot
"What if lolokohin kalang din nya? Ma. Matanda na kayo" mahinang sagot ko.
"Bakit anak? Dahil ba matanda nako bawal nakong magmahal?" mahina at umiiyak nyang sagot sakin.
"Alam ko nagkakaganyan ka dahil sa paghihiwalay nyo ni Gabriel na sa akin mo sinisisi, anak binalaan lang kita, at nasaktan lang ako dahil naka 1year kayo ng hindi mo manlang sinasabi sakin, at ipapaalala kolang sayo anak, dahil sakin at dahil sa mga hinala ko kaya natin nalaman ang totoo na matagal ka na nyang niloloko! Ibahin mo si George dyan sa Gabriel mo! Alam ko ang ginagawa ko at sigurado ako sa kanya" sabi pa nya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Andami kona masyadong problema, pano kopa sasabihing natanggal nako sa trabaho
Luke's Pov:
"Oh Ma. Bat andito na kayo?" bungad ko sa kanya ng maabutang nagluluto sa kitchen.
"Nag early out kami ng Tita mo, eh ikaw bat napaaga ata ang labas mo? Si Lilly kasama monaba?" tanong naman nya.
"Yes Ma. Pero may problema po" malungkot kong sagot.
"Ano naman yun?" tanong nya habang busy sa pagluluto. Hindi kopadin alam kung pano koba sasabihin sa kanya na tanggal na kami sa trabaho dahil ni nicole
"Ma. Tanggal na kami sa trabaho" mahinang sagot ko, pinatay nya naman ang gas stove at nag alis ng apron bago lumapit sakin.
"Panong nangyari yun?" nagtataka nyang tanong sakin.
"Nag eskandalo po kasi si Nicole dun, pinagseselosan si Lilly, eto namang si Lilly pumatol pa, ayun nagkagulo dun, kaya nasesante kami" Paliwanag ko naman sa kanya.
"Ano ba naman yan anak, kukuha kanalang ng girlfriend yung hindi pa matino, ang ganda ganda na ng tayo nyo dun bilang cashier, madali lang tapos anlaki na ng sahod tapos aagrebyado pa" naiinis naman nyang sagot.
"Pasensya na Ma. Wag kayong mag alala kakausapin kopo si Nicole" sagot ko naman.
"Kakausapin? Iwanan mona ang babaeng yun, gulo lang ang dating sa buhay mo, bakit ba naman kasi naghahanap ka pa ng iba eh kapitbahay na natin mismo ang andyan" sagot naman nya, wag nyang sasabihing si Lilly at tinutukoy nya dahil masusuka talaga ako.
"Wag nalang mag girlfriend kung sya lang din, eh mas malala pa sya kay Nicole" naiinis ko namang sagot sa kanya.
"Iba si Lilly, hindi mopalang sya kilala kaya ganyan ka sa kanya, at kaya ganun sya sayo, hindi nyopalang lubos na kilala ang isat isa, pero anak, komportable ako kung sya ang makakatuluyan mo" paliwanag pa nya sakin.
"Ma naman magrereto nalang kayo ng babae dun pa sa malabo" naiinis kong sagot sa kanya.
"Lahat ng malabo pwedeng palinawin anak, kung gugustuhin mo" sabi pa nya.
"Oh sya kumain kanalang, hayaan mona, wala na tayong magagawa, nasesante na kayo" sagot nya at bumalik na sa kitchen.
Lilly's Pov:
So ayun habang tahimik na nakatingin sakin si Mimi, tahimik lang din akong naglalaptop ng may naligaw na post sa newsfeed ko, post ni Gabriel.
Gabriel Sanchez
2 years of Love and still counting!!
At take note nakatag dito ang italyana nyang girlfriend na ang pangalan pala is Lilly Hills, wow ha! Wow! Bagay naman sa kanya yung last name nyang hills kasi sa sobrang taas nya hindi ko sya maabot, masyado kasi syang nagmamataas, pero yung Lilly nyang name. Jusmiya never babagay sa kanya yun duh! And hello? 2 yrs na sila? Wow ginalingan naman ni Kuya Gabriel sarap nyang iumpog sa malambot na pader , wala syang kwenta, ibig sabihin sila na bago pa naging kami? Kaya pala never akong ipinost nito, pati status nya di nya mapaltan, walangya sya talaga. Madapa sana sya tapos gumulong gulong papunta sa impyerno at sana isama na nya yung girlfriend nya dahil dun sila nababagay!
,______
VOTEEE NAMAN POWWWW
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Ficção AdolescenteNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...