Lilly's Pov:
So ayun na nga napagkasunduan namin ni Luke na maghanap ng trabaho, this time pwedeng hindi sya makapasok kasi hindi sya tapos ng pag-aaral. Support nya daw muna ako bago sya hahanap ng sa kanya, kesa naman sa araw araw nalang kami sa bahay at asa na sa mga mommy namin, mas mabuti nadin yung may naiitulong kami. So nakapagsearch na kami ng job hiring na pwede kong pasukan, at nandito na nga kami ngayon sa isang company.
"Kinakabahan ako" sabi ko kay Luke ng nasa harap na kami ng company.
"Gago kaba? Magpapasa kapalang naman ng resume" natatawa nyang sagot, binatukan konga, kelan pa sya nagkaron ng karapatan para tawagin akong gago? Aber?
"Maka gago ka ha, ikaw yung gago" naiinis ko namang sagot sa kanya.
"Gago sayo, yiiee wala na kinilig na sya" natatawa pa nyang sagot at pilit akong kinikiliti. Pero wala lang sakin.
"Yun na yun? Kakilig kilig bayun? Kasuka suka yun" naiirita ko namang sagot, bigla namang nagring yung phone ko mula sa bag.
"Si Mommy, Wait sagutin kolang" sabi ko sa kanya.
"Sige, dito lang ako sa loob ang init eh" sagot naman nya at pumasok na sa loob. Lumayo naman ako ng konti at sinagot yung tawag.
: Ma? Napatawag ka?
; Nasa bahay paba kayo? Idaan mo naman dito sa office yung laptop ko
: Naku Ma wa------
Bigla akong nakaramdam ng panyo mula sa bibig ko. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng hilo, umiikot yung paningin ko pero alam kong isinasakay nako sa kotse.
"Oyyy anong ginagawa mo!" rinig kopang sigaw nung guard pero bigla ng umandar yung kotse.
Rose's Pov:
: Anakk? Asan kaaa? Lilly? Anong nangyayari?
; Oyyy anong ginagawa mo!
Sigaw ng isang lalaki mula sa kabilang linya.
: Lilly anong nangyayari?
Kinakabahan kopa ulit tanong sa kanya pero wala ng sumasagot. Inend ko agad call at dinial si Luke.
Luke's Pov:
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa loob habang hinihintay ang napakabagal na si Lilly, bigla namang nagring yung phone ko mula sa bulsa.
: Oh Tita napatawag kayo?
; Luke? Asan si Lilly? Bakit may narinig akong sumisigaw? Asan sya kasama mo ba sya?
Hindi nako nakasagot sa kanya at tumakbo agad ako sa labas kung san nagkakagulo nayung mga tao.
"Yung lalaki, tinangay yung babaeng nakatayo dyan kanina" dinig kong sabi nung guard dun sa lalaki, agad agad naman akong lumapit sa kanila.
"Sino yung lalaki? Asan sila?" takot na takot kong tanong sa guard
"Hindi ko alam kung san nya dadalhin yung babae pero dun sila dumaan, tapos eto yung cellphone nung babae" sagot nya at iniabot sakin yung phone ni Lilly, agad agad naman akong sumakay sa kotse kasabay ng pagdating ng mga pulis. Agad agad akong nagpaharurot ng kotse at tinawagan si Tita Rose.
Nicole's Pov:
"Maasahan ka nga talaga" nakangiti kong bungad kay Melvin ng makitang dala dala na nya si Lilly sa harap ko.
"Sabi ko naman sayo madali lang yan" natatawa naman nyang sagot.
"Sigurado kabang walang nakakita at nakasunod sayo? Baka mamaya nahuli ka sa cctv ha?" biglang nag aalala kong tanong sa kanya.
"Wala, sigurado ako" sagot naman nya.
"Magaling kung ganon, so ngayon hihintayin lang nating magising ang babaeng toh para matikman nya ang malupet kong revenge!" nakangiti kong sagot sa kanya at binaling ang tingin sa natutulog na si Lilly.
"Sleepwell Ms.Lilly" sabi kopa habang tumatawa.
Edwin's Pov:
[A/N: ang di nakaalala kay Edwin madadapa hahahaha , Edwin Laure yun pong nagnakaw sa bahay nina Lilly, bakit kaya sya nagkaroon ng Point Of View? Ok continue reading]
Kanina napadaan ako sa isang kompanya habang nakasakay sa motorbike ko ng makita si Lilly na may kausap sa telepono ng biglang may lalaking lumapit sa kanya at kinuha sya. Bigla syang nawalan ng malay dahil siguro may pampatulog ang panyong pinaamoy sa kanya, binalak ko pa syang tulungan pero masyadong maliksi at mabilis yung lalaki, kaya napagdesisyunan kong sundan nalang ito. At andito nga ako ngayon kung nasan sila, tumawag nadin ako sa mga pulis, at kinuha ang calling card sakin ni Lilly na binigay nya. Nagriring ito at may sumagot..
; Hello?
: Sino ito?
; Ikaw ang sino? Ikaw ba ang kumuha kay Lilly?!
galit nyang sagot, this time nakasiguro nakong hindi sya kalaban.
: Si Edwin to, itetext ko sayo kung nasan si Lilly, nakatawag nadin ako ng mga pulis kung maaari mas mabuting magsama kanadin, bilisan nyo
Mahabang sagot ko at inend na ang call. Bumalik ako sa pagkakasilip sa abandunadong lugar na ito kung nasan sila, utang ko sayo Lilly ang buhay ng anak ko at pagkalaya ko, at gagawin koto kahit alam kong pwede kong ikapahamak. Ginawan kita ng masama pero mas pinili mong gawan ako ng mabuti, kaya ngayon handa nakong bumawi
Luke's Pov:
Agad agad kong pinagbigay alam kina Tita at sa mga pulis ang nakuha kong impormasyon galing kay Edwin at kung hindi ako nagkakamali sya yung magnanakaw kina Lilly, at yung anak nyadin yung tinulungan ni Lilly. Pero hindi kopadin lubos maisip kung sino ang kukuha kay Lilly at anong motibo nito at si Lilly pa ang nakuha nya?
Lilly's Pov:
Nagising ako habang medyo nahihilo padin ako, bumungad naman sakin si Nicole at isang hindi kilalang lalaki habang tumatawa.
"Oww Hi Lilly, gising kana pala" nakangiting bungad sakin ni Nicole at tumayo sa pagkakaupo nya.
"Anong gagawin mo sakin? Bakit ako nandito?" kinakabahan kong tanong sa kanya, hindi naman ako nakakulong o nakatali.
"Ano kaba naman, wag ka ngang masyadong excited, ang gawin monalang magdasal, dahil yan na yung huling dasal na magagawa mo" natatawa naman nyang sagot, agad agad naman aking tumayo at tatakbo na sana ng bigla nyang hinila ang buhok ko.
"At san mo naman balak pumunta ha? Wala kang tatakbuhan dito" sabi pa nya.
"Tulongg! Tulonggg!" sigaw ko.
"At lalong walang makakarinig sayo" natatawa nyang sagot at tinulak ako ng malakas dahilan para mapaupo ako, yung lalaki naman nakangiti lang na tumatawa dun.
Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba na ganito, dahil siguro anytime pwede nakong mamatay.
____
[A/N: wiieeee yoh wiiiieee yohh! Alam ko walang nakaisip senyong masasali pa ulit si Edwin Laure sa story nato, pero eto nga at nagkaron pa sya ng POV, so just relax and be ready sa next chapter]
VOTEEEEE
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Teen FictionNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...