*FINAL WAVE*

3.8K 133 15
                                    

*After 2months*

Ang buhay nga naman ng tao ay puno ng surpresa, yung akala mong simpleng mundo na iniikutan mo, sa isang iglap biglang magbabago , walang paramdam, walang pasabi, basta nalang nangyayari.

Yung akala kong simple kong buhay, tahimik at walang iniisip pwede palang biglang magbago. Maaaring ang pagbabagong ito ay maganda pero pwede din namang masama, maaaring nasa kamay natin kung paano natin ito babaguhin pero maaari din namang nakalaan na at nakaplano na para sa atin, yung akala natin ligtas tayo kasi wala naman tayong ginagawang ikakapahamak natin, hindi padin pala sapat, hindi padin sapat na mag ingat nalang, dahil ang panganib hindi natin alam kung kailan aatake, hindi alam kung kailan dadating, at kung paano. Matuto tayong sumabay sa agos ng buhay patungo sa maayos at magandang kinabukasan.

Isang istoryang hindi ko masasabing love story pero parang ganun na nga, pero ang love story kona ito ay hindi happy ending tulad ng sa iba, love story na nagsimula sa tahimik, magulo, nakakainis, nakakaasar, nakakabadtrip, nakakamatay, nakakailang, nakakapanic, nakakakaba, nakakabaliw, nakakatanga, nakakabitter pero nagtapos naman sa masaya kahit papano. Syempre may Luke Martinez ako, isang dabest na kapitbahay slash boyfie.

"Lilly, tara na naghihintay na sila sa simbahan" bungad sakin ni Tita Mila.

"Ahh sige po, bababa napo ako" sagot ko naman.

Si Tita Mila lang kasabay ko ngayon papunta sa simbahan andun na kasi sina Luke naghihintay.

Ang galing ng buhay noh? Yung akala mong mga taong walang kwenta, walang pakinabang, walang silbi at walang gagawing maganda sayo ay sila pa palang magiging isa sa pinakamahalagang parte ng buhay mo, mali nga namang manghusga agad tayo ayon lang sa sarili nating pananaw at opinyon, dahil si Tita Mila kasama ang ideal guy na anak nya ay isang blessings, nagkamali akong inakala ko silang malas sa buhay ko, dahil isa silang swerte sa akin.

Maya maya pa ay nasa tapat na kami ng simbahan, hinawakan pako ni Tita Mila sa kamay tapos nagsalita.

"Handa kanaba sa napakalaking pagbabago sa buhay mo?" nakangiti nyang tanong sakin, gustuhin komang matakot sa sinabi nya ay mas pinili kong maging masaya, dahil ang araw nato ay isa sa pinakamasayang araw.

"Handang handa na Tita" nakangiti koding sagot at niyakap sya tapos ay pumasok na sya sa simbahan at naiwan ako sa labas kasama ang iba.

Maya maya pa ay dumating na si mommy, inihanda na ang mga aabay at isa isa na silang naglalakad papasok, kasabay ng magandang tugtugin, hindi ko kaimagine na nangyayari nato ngayon. Hindi ko namalayan na ako na pala ang lalakad paloob ng altar, pagpasok kodun ay bumungad sakin ang napakadaming taong nakangiting nakatingin sakin, nagawi ang tingin ko sa dulo kung nasan yung pari, nakatayo duon ang napakagwapong si Luke katabi ng Groom na si Tito George. Ng makarating dun ay binati ko at niyakap si Tito George tapos ay hinawakan ang kamay ni Luke at pumunta na sa unahan kung san pwesto namin, pagtapos nun ay si mommy na ang naglalakad sa red carpet. Napakaganda, nakakainggit, sana someday ganito din ang kasal ko, at sana someday makapag suot din ako ng ganuong gown, napatingin ako sa tabi ko kung nasan si Luke na nakatingin lang sa papalapit na si Mommy.

Luke Martinez, isang hamak na epal at papansing kapitbahay, nakakainis, nakakaasar, nakakapikon, nakakayamot at nakakahighblood, marami mang bagay ang sa amin ay pinag iba, marami mang bagay na hindi namin napapagkasunduan, sa huli eto, masaya kami, masaya kami ngayon habang sinasaksihan ang kasal ng mommy ko, sa pangawalang pagkakataon andito ulit sya sa simbahan upang patunayan ang kanilang pagmamahalan ni Tito George, kahit hindi maganda at maayos ang buhay nito, alam ko namang mahal na mahal nya si mommy at mahal na mahal din sya nito, wala sa estado ng buhay ang totoong pagmamahal, kung ano ang gusto nila at sinasabi ng puso natin ay duon dapat tayo.

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon