Neighbor's 15

3K 126 0
                                    

So ayun 1 week passed at ngayon heto 1 week ako ngayong tambay sa bahay dahil sa 1week nayun nakareserved na ang Korean Restaurant, at hindi na kami kailangan dun. Wala wala munang trabaho. So sa 1week na nakalipas medyo ok naman nako at nakakamove on na kay Maggie, masakit pero kailangang tanggapin. At alam nyo ba na sa 1 week nayun may nakilalang ok sige aminin kona kahit ayoko, may nakilalang magandang babae si Luke isa lang yun sa mga naging customer namin pero tinamaan ata tong si Luke. Twing pagkaka out namin sila na magkasama kaya naman umuuwi ako mag-isa, ewan koba parang ang boring pag wala sya sa tabi ko. Ang boring pag wala akong nakakasagutan, pero nung una naman ayaw na ayaw ko nga ng ganon, so naniniwala nako sa sinasabi nilang People Change.

So kasalukuyan akong nakatayo dito sa terrace at nagmamasid masid, wala namang tao dito kina Luke. Yung kotse ni mommy dala nya kasama si Tita Mila sa work tapos yung kotse ni Tita Mila dala naman ni Luke, ewan koba kung san sya pumunta, so habang nakamasid nga ako dito dumating na yung kotse na sakay is si Luke, maya maya pa bumaba na sya, tapos pinagbuksan nya ng pinto ng car kung sino man ang andun, at ayun bumungad sakin yun ngang babae nya, sus hindi pa sila pero nakikita ko na ang break-up sa kanila hmmmfff.

Pumasok na nga sila sa bahay ni Luke, owmyghad, anong gagawin nila? Sila lang dalawa? Magdadate sa isang bahay?nakoo masama toh. So dahil nga sa hindi maganda yung pakiramdam ko ay bumaba ako, bukas naman ang gate nila kaya dahan dahan akong pumasok ng nasa may pinto nako.

"Arraayy magdahan dahan ka naman, sigurado kabang marunong ka" malanding sabi nung babae na ikinagulat ko, agad agad naman akong lumapit at dinikit ang tenga sa pinto.

"Masarap kaya toh, hindi naman to nakakasakit" sagot naman ni Luke kaya lalo akong kinabahan, sabi na eh gumagawa na sila ng mga bagay na hindi dapat.

"Masarap nga dapat eh ang kaso iba naman yung ginagawa mo, ahhhyy wait may kiliti ako dyan" sagot naman nung babae this time napaupo nako at napahawak sa dibdib.. Grabe sila ha, dito pa talaga.

"Sorry nangangalay na kasi ako" sagot naman ni Luke, owmyghad diko pinangarap makarinig ng mga ganito.

"Sige na nga ipasok mona" sagot naman nung babae, napalunok naman ako dahil sa sinabi nya. At dali daling lumabas ng gate nina Luke, hindi kona kayang marinig pa ang susunod na mangyayari. So ayun dali dali akong pumasok sa bahay at nagsara ng pinto tapos ay umupo sa couch at napahiga.

Luke's Pov:

So pagkapasok namin sa bahay, tulad ng napagkasunduan itry daw namin yung bago nyang biling blower, hindi naman ako marunong neto pero sinabi konalang na maalam ako, madali lang naman to eh.

"Arraayy magdahan dahan ka naman, sigurado kabang marunong ka" sabi nya ng napadikit ng todo ang blower sa buhok nya, napatawa naman ako.

"Masarap kaya toh, hindi naman to nakakasakit" natatawa ko namang sagot.

"Masarap nga dapat eh ang kaso iba naman yung ginagawa mo, ahhhyy wait may kiliti ako dyan" sagot naman nya, nakakatawa lang sya kasi parang pinagprapractisan ko sya dito sa blower nadiko naman talaga alam kung pano gamitin

"Sorry nangangalay na kasi ako" sagot ko naman

"Sige na nga ipasok mona" sagot nya.

"Ipasok kona?" tanong ko.

"Ipasok mona ulit sa kahon yan, tama na" sagot naman nya.

"Ahh sige sige" sagot ko.

Sya nga pala si Nicole Ordonez 22yrs.old, nakilala ko sa restaurant, nililigawan kopalang naman sya, kaya dapat swabe lang ang galawan.

Lilly's Pov:

"Ano ba umalis nga kayo sa utak ko" naiinis kong sabi sa sarili ko, eh kasi naman hindi mawala sa isip ko yung mga narinig ko.

Sumilip ako sa bintana at nakitang lumalabas na sila ng bahay ni Luke dali dali ko namang binuksan ang binatana.

"Sa susunod ayusin mo ha" natatawang sabi nung babae kay Luke.

"Oo pasensya na" sagot naman ni Luke at sumakay na sila sa kotse.

O

M

G

_____

DONT FORGET TO VOTE.

Neighbor's InLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon