"Nicole parang awa mona pakawalan monako dito" pagmamakaawa kopa sa kanya, pero sa halip na sumagot tumingin lang sya dun sa lalaking kasama nya tapos ay ngumiti, maya maya pa ay papalapit na sakin yung lalaki at hinawakan ako sa baba ng mahigpit at itinangla.
"Sayang toh mahal, ang ganda pa naman" sabi netong lalaki at tumingin kay Nicole.
"Anong sinabi mo? Nagagandahan ka sa babaeng yan?" medyo naiinis namang sagot ni Nicole
"Maganda lang sya pero mas maganda ka" sagot naman nung lalaki at lumapit kay Nicole tapos ay hinalikan sa labi, napaiwas naman ako ng tingin. Ano bang balak nila? Inggitin ako? Ano to? Relationship Goals sa paggawa ng masama?
So ayun nanatili lang akong nakaiwas tingin sa kanila ng magsalita na ulit si Nicole. May hawak na syang bowl tas papalapit sakin.
"So dahil napakabait ko, pinaghanda kita nito, so ang gagawin molang bubunot ka dito" nakangiti pa nyang sabi at inilapag sa harap ko yung bowl.
"Ano to? Anong gagawin ko dito?" nagtataka kong tanong.
"Bubunot ka nga boba! Bilisan mona!" Medyo galit nyang sagot
"Ayoko" mahina at natatakot kong sagot habang nanatili ang tingin sa bowl na naglalaman ng maliliit na butil ng papel.
"Ikaw na nga ang pinaghandaan ng magandang laro tatanggihan mopa? Sige mamili ka babarilin kita o bubunot ka?" Pananakot pa nya.
"Eh ano ba kasing meron dito, pagkabunot ko anong mangyayari?" natatakot kong tanong.
"Simple lang, kung ano yung mabubunot mo yun yung papatay sayo" sagot nya habang tumatawa, nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko at dahan dahang umaatras habang nakaupo padin.
"Nicole hindi magandang biro yan, ano bang nangyayari sayo, pwede ba tigilan mo na ang kabaliwan mo" takot kong sagot sa kanya
"Isang atras mopa babarilin na kita, bumalik ka dito at bumunot kana" galit nyang sagot at tinutok sakin ang baril, Agad agad naman akong gumapang pabalik kung asan yung bowl dahil sa takot, nanginginig yung kamay kong ipinasok sa bowl at bumunot.
"Good Girl" natatawa pa nyang sabi habang nakangiti.
Kinuha nya agad yung papel na binunot ko at binasa.
"Tubo" sabi nya, nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya, ibig nyang sabihin? Papatayin nyako gamit ang tubo?
"Nicolee pls maawa ka, hindi ka masamang tao. Wag mong hayaang manaig ang galit sayo" umiiyak kong sagot sa kanya.
"Mahal akin nayung tubo" sabi nito dun sa lalaki agad agad namang may inabot sa kanyang tubo yung lalaki. Napalunok ako ng makita ang matabang bakal na tubong kasalukuyang hawak nya, maya maya pa sinimulan na nyakong hampasan sa binti.
"Arrrggghhh!! Nicoleeee plsss tama na!" umiiyak kong sigaw habang paulit ulit nyakong hinahampas, subukan komang salagin ng braso, pero pakiramdam ko nanghihina na ang buong katawan ko sa labis na sakit na nadarama, napadapa nalang ako at napapikit habang ramdam ko ang mga pasa na natamo ko. Buong buhay ko hindi ko akalaing sa ganitong paraan dadating yung kamatayan ko, napapikit ako at pakiramdam ko mawawalan nako ng malay, tumigil nadin sya pagpalo sakin, may narinig pakong tunog ng pulis pero nanatili lang akong nakadapa at hindi makagalaw dahil sa natamong mga pasa at sakit.
"Mahal tara na may mga pulis!" dinig kong sigaw nung lalaki, kita kopang hinila nya na paalis si Nicole, ng nasa may pinto na tumigil sya at may kinuhang baril sa bag nya, tinutok nya ito sakin, napapikit nalang ako para tanggapin ang katapusan ko. Habang nakapikit narinig ko na ang putok ng baril, kasabay nun ay sigaw ng isang lalaki.
"Waggg!!" sigaw nito, agad agad ko namang minulat ang mata ko at nakita ang isang lalaking nakatalikod sakin at nakatayo sa harap ko. Maya maya pa bigla nalang syang bumagsak at may lumabas na dugo sa labi nya. Nakita koding tumakbo na palabas ang dalawa. Pilit akong naupo para makita kung sino ito. Laking gulat ko ng makita ang lalaking nagnakaw sa bahay namin. Nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig ng magsalita ito.
"Maraming----- maraming salamat" mahinang sagot nito.
"Bat nyo ginawa yun, kayanin nyo. Lumaban kayo para sa pamilya nyo" umiiyak kong sagot sa kanya.
"Utang ko ang buhay ng anak ko sayo" bulong pa nito bago sya tuluyang pumikit at nawalan na ng hininga.
"Gumising kayoo!! Parang awa nyo na gumising ka" umiiyak kopang sagot at inilagay ang tenga sa puso nya,.pero wala akong heartbeat na nararamdaman. Maya maya pa may mga pulis ng pumasok kasama si Luke.
"Lilly!" sigaw nya at agad agad akong nilapitan. Binuhat naman agad nila si Manong Edwin at inilabas, tinanong pako ng iba kung nasan na sina Nicole pero umiiling lang ako habang umiiyak. Biglang nawala ang sakit na natamo ko mula kay Nicole, ang tanging nararamdaman konalang ngayon ay sakit, sakit dahil may napahamak na naman dahil sakin.
*HOSPITAL*
"Anak what happened?" umiiyak na bungad sakin ni mommy, ako naman nakahiga lang habang punong puno ng benda sa buong katawan at umiiyak.
"Mommy" umiiyak kong bulong na kahit pagsasalita ay hindi ko magawa ng maayos.
Lumapit lang si mommy sakin habang umiiyak at nakahawak sa bibig.
Maya maya pa biglang pumasok si Luke kasama si Tita Mila..
"Lilly, kamusta pakiramdam mo?" tanong nya agad sakin.
"Si Manong? Ayos lang ba sya?" umiiyako koding tanong sa kanya, pero sa halip na sumagot tumingin lang sya sa mommy nya pagtapos ay naupo.
"Magpahinga ka muna Lilly, magiging maayos din ang lahat" walang konek nyang sagot.
______
VOTEEEE click the star below
BINABASA MO ANG
Neighbor's InLOVE (COMPLETED)
Novela JuvenilNeighbor's InLOVE Meet Ms.Smith and Mr.Martinez, maraming katangian ang sa kanila'y pinag iba, lahat ng bagay hindi napapagkasunduan, paano nga ba nila mapapakitunguhan ng maayos ang isat isa? Lalo na kung silang dalawa ay magkapitbahay lamang? Alam...