One

1K 16 0
                                    



Michael, the name of the sweetest guy na makikilala mo. The most popular guy sa boung skwelahan, the Greenwood high. He's got the looks, the riches, hindi ko alam sa attitude but he's the greatest.

Inlove na inlove dito si Allyrissa, isang normal na babae. Mabait pero hindi sobrang bait, hindi maputi, hindi rin sobrang kagandahan ang katawan. Sakto lang ang ilong at peachy ang kulay ng mga labi. Walang masyadong arte sa kanya.

Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa panahon ngayon kung ang basehan nalang ng love sa karamihan na babae ay ang kagwapuhan lamang. Well not Allyrissa, yes may ultimate crush siya pero hindi naman niya ito magiging crush kung hindi lang mabait and she thinks he's perfect.

***

Naka pout si Ally habang naghihintay sa kaibigan nitong si Lita. Uwian na kasi at nangako ito na sasamahan siyang manood ng foot ball (soccer, not the quarterbacks) practice ni Michael.

Naghintay pa siya ng ilang minuto hanggang sa wakas ay dumating na si Lita. "Ang tagal-tagal mo! Pagdating natin doon ay sure akong nagaalisan na sila."

"Edi kung ganon, huwag nalang tayong tumuloy!" Ani ni Lita. Hindi naman kasi ito mahilig manonood ng mga practice chu chu na iyan. Mas gusto niya pang naka tambay sa library.

"Pfft! Sigeh na, pag napansin niya ako, uuwi na tayo. Hindi ko na tatapusin," pangungumbinsi ni Allyrissa sa kaibigan.

"Fine, may magagawa pa ba ako. Hindi kita matiis loca ka!" Nag roll ng eyes niya si Lita.

***

Lahat sa school akala na Michael's type was someone na mala international model but no. He loses focus kapag nakikita niya si Allyrissa.

Nag transfer siya sa Greenwood High grade eleven siya. Unang kita palang kasi niya dito last year ay parang nag slowmo ang lahat. Naka focus lang kay Allyrissa and he knew there was something. Hindi niya rin masabi na may gusto siya dito. Kaya palihim siyang gumagawa ng paraan para kahit papaano ay makita niya ito everyday. Alam niya na rin kung saan ito nakatira, saan ito tumatambay at kung ano-ano pa.

Nanood ito palage ng foot ball practice nila at ginaganahan naman si Michael. Napaisip si Michael na baka gusto lang talaga ni Allyrissa ang sport na soccer.

Ngayong last academic year na nila sa Greenwood high gusto naman niyang makilala si Allyrissa ng lubusan pa. Iyong tipong si Allyrissa na talaga ang magsasabi ng mga bagay bagay sa kanya.

"Michael, you rest," sabi ng coach ni Michael.

Umalis si Michael sa field. Kumuha siya ng tubig at uminom. After niyang maibalik ang plastic cup ay accidentally na napatingin siya kay Allyrissa.  He was surprised na nakatingin din ito sa kanya.

Nag look away si Allyrissa pero hindi na nito natago ang ngite. Dahil doon ay napangite rin si Michael paupo.

He took another glance at where Allyrissa was, pero wala na ito doon. "Okay lang, atleast I know she smiled at me," bulong ni Michael sa sarili niya at nag grin. Feeling niya tuloy siya na ang pinaka masayang tao sa hapon na iyon.

Dahil nga sa napag usapan nila ni Lita ay umalis na sila. Hindi mawala wala sa bibig ni Allyrissa ang ngite niya. "Ngumite siya saakin! Nginitian niya ako! Sabi ko naman saiyo diba? Swerte ako ngayong araw!"

Nag roll ng eyes niya si Lita. Kung hindi niya lang mahal ang bestfriend niya ay hindi niya talaga ito kokonsintehin.  "Alam mo, magbigay ka nalang kaya ng love letter kay Michael!"

"Hala! Abnoy ka! Baka sabihin na desperada ako. Mas lalo wala akong chance sakanya! Atsaka ang sabi ni tatay dapat ang lalaki ang gumagawa ng panliligaw," sabi ni Allyrissa.

"Kaya saludo ako sa tatay mo eh! Lageh nagsesermon ng ganon at tama naman siya eh!" Pag agree ni Lita.

***
Maaga pumunta sa school si Michael. Magkatabi lang sila ng class room ni Allyrissa kaya kahapon ay nagsulat siya ng love letter. Hindi naman siya ang tipong uma attend ng flag ceremony kaya habang nag flag ceremony ay pumasok siya sa class room nila Allyrissa at inipit sa notebook ang letter.

Pagkatapos ng flag ceremony ay nagsibalikan na ang lahat sa classroom. At dahil Wednesday ay whole day sila. First subject nila is FABM II. Inilabas niya ang notebook at ensakto naman na nahulog ang letter.

Naka kunot noo niyang pinulot ang letter. Ang design pa talaga ng paper at envelope ay mga roses at kulay pink pa. Binuksan ito ni Allyrissa.

Hi Ally, I've been watching you for a year and almost two weeks now. Gusto ko lang sabihin na I like you. I feel something different and special everytime I see you. I  know love letters are old fashion but... I feel like this is better than texting these feelings. Have a great day ♡

Pagkatapos basahin ni Allyrissa ang sulat ay napaisip siya. May nagkakagusto rin pala sa kanya, then she thought, baka ang bestfriend niya lang ito at pina prank siya.

Katabi lang sila ni Lita kaya tinapik niya ito. Lumingon naman si Lita at nagtatanong ang mukha nito.

"Ikaw ba nagbigay saakin ng love letter?" Mahinang tanong ni Allyrissa kay Lita. Hinihinaan nito ang boses kasi nag sisimula ng mag discuss yong teacher nila.

Nagkunot noo nis Lita at bumulong rin ito pabalik. "Bakit ko naman gagawin iyon? Hoy hindi ako tomboy!"

"Bolero ka! Baka kasi gusto mo akong e prank! Shunga ka pa naman minsan!"

"Che! Alam mo naman masasayang lang ang specialty paper ko noh kung gagamitin ko saiyo."

"Tsk! Grabeh siya! Kung hindi ikaw ay toto--"

"Ally!" Sigaw ng teacher.

Lahat sila sa silid ay nagulat at tiningnan si Allyrissa. Lumaki din ang mata niya at alam niyang malilintikan nanaman siya.

"Get out!"

Hindi na bago kay Allyrissa na mapagalitan at paalisin sa classroom. Nasanay narin  siyang laging pinapagalitan.

Kinuha niya ang bag niya at tumayo. Pinagtitinginan siya ng mga classmate niya. Tiningnan din siya ni Lita with a worried look. Pero nginitian ito ni Allyrissa at nag thumbs up.

"Ma'am, see ya tomorrow!" Nagawa pang sabihin ni Allyrissa bago ito tumakbo palabas. Tumawa naman ang mga classmate niya.

Papunta si Allyrissa sa school yard. Alam naman kasi ng mga teachers kung bakit siya nasa labas eh. Sikat kaya siya sa mga teachers.

Galing si Michael sa canteen nang makita niya si Allyrissa. Nag look down ito habang nasa hall naglalakad. Napa smirk si Michael at sinadya na mabangga niya si Allyrissa.

"Oh my God, sorry," paumanhin ni Allyrissa at nang tingnan niya kung sino ito ay muntik na talaga siyang mahimatay.

If We Never LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon