17

167 5 0
                                    

17

Sabay nag lunch ang new couple na sina Michael at Allyrissa. Hindi naman din kasi makita ni Allyrissa si  Veniscio.

"So, ano pala ang sabi ni Ford?" tanong ni Michael.

"Wala lang..."

"Hindi ba siya nagalit or something?" tanong ulit ni Michael habang ini slice ang kanyang meat.

"Hindi naman, chill nga lang siya eh," sagot ni Allyrissa.

Inabot ni Allyrissa ang balat ng manok atsakan nagkamay sa pagkain. Pagkatingin ni Allyrissa kay Michael ay parang nandiri ito. "Ah hehe... sorry, masarap kasi." Nahihiyang sabi ni Allyrissa.

"Here," binigyan siya ni Michael ng wipes para punasan ang kanyang  kamay.

Allyrissa didn't mind it, para sa kanya ay tama naman si Michael.

***

Nag-lunch si Hasna kasama si  Veniscio nagpapasalamat siya dahil wala si nakaka-inis na si Antonia. Hindi niya alam kung asan na iyon, pagkatapos kasi ng match nila ni Veniscio ay wala na.

Nakatitig lang si Hasna kay Veniscio habang kumakain ito. Grabe ito kung kumain, parang nakakaubos ng dalawang kaldero pati nga ang pagkain niya ay kinukuha na nito.

"Hindi ka ba pinapakain ng nanay mo?" tanong ni Hasna.

"mminakaimmn namam maso," lumunok si Veniscio "mas masarap ang pagkain dito."  Nagawa pang mag smile ni Veniscio saka sumubo nanamna ng malaki.

'unbelievable!' sabi ni Hasna sa utak niya.

"So kailan mo balak bumisita sa Orphanage?" tanong ni Hasna. Natalo niya kasi ito.

"Hmm... maka mukm malam"

"Kumain ka na nga lang muna! Ang takaw-takaw mo tsk!"

Nag roll ng eyes niya si Hasna. Kahit ganon ang pinapakita niya sa labas ay natutuwa parin siya Veniscio. Kung titigan niya kasi si Veniscio na ang gana kumain ay parang nabubusog na rin siya. Weird.

Pagbalik nila sa area nila ay agad pumulupot si Antonia sa braso ni Veniscio which made Hasna roll her eyes. Ito nanaman ang demonyang babae.

***

"Allyrissa, paki-bili ng chips at drinks," sabi ni Ford at naglabas ng pera.

Kinuha ni Allyrissa ang pera at pumuntang canteen.

Pagbalik niya ay nakita niya si Crissa at Michael ang nag partner sa isang lyrical dance. Nakaramdam siya ng selos pero nagsasayaw lang naman sila diba?

"You don't have to be jealous. If he loves you then you don't have to worry bout anything."

Nagulat si Allyrissa sa bigla biglang sumulpot na si Ford.

Kinuha ni Ford ang chips and drinks.

"Water at sorry dahil hindi ito distilled. Nakita ko kasi sa advertisement sa TV na mas maganda ang minerals sa katawan kaya Le Minerale," sabi ni Allyrissa.

"Thanks," sabi ni Ford na nakangite at itinap ang ulo ni Allyrissa bago umalis.

Siyempre nakita iyon ni Michael na ikina-selos din niya. It feels like gusto parin ni Ford ng isang competition between them.

"Guys, break na daw muna," sabi ni Josh.

Binigyan ni Allyrissa si Michael ng maiinom at naupo sila sa bleacher. "Inutusan ka ba ng gago na iyon?" tanong ni Michael.

"Oo, palage naman eh. Nasanay naman na ako," sagot ni Allyrissa.

"Sa susunod babe, huwag kanang pumayag na utusan ka lang niya. Walang dapat umutos sa babe ko," sweet na sabi ni Michael saka hinalikan sa ulo si Allyrissa.

If We Never LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon