Sabado nanaman at makikita nanaman ni Allyrissa si Ford. Gusto niya sana na mag cut nalang at hindi pumasok sa club.Papunta na siya doon nang banggain siya ni Crissa patalikod at nadapa tuloy siya. "Oops, sarry. Harang-harang ka kasi sa daanan ng Queenbee," mataray na sabi ni Crissa atsaka nagpatuloy na sa pag alis.
Tumayo si Allyrissa at inayos ang sarili. "May araw karin bubuyog!" Sigaw ni Allyrissa.
Naiinis talaga siya sa feeling reyna na si Crissa. Hindi naman niya ito inaway, pero siya talaga ang binu bully nito.
"Okay ka lang ba?"
Alam na agad ni Allyrissa kung sino ang nagtanong non. Sa sweet voice palang at ang accent, siguradong si Antonia ito.
"Uhm... oo, okay lang," mahinang sagot ni Allyrissa.
"Mabuti naman" tapos ngumite ng sobrang sweet si Antonia. "Sabay na tayo papunta sa club"
Hindi na nakatanggi si Allyrissa dahil pumulupot na si Antonia saka siya hinatak papunta sa loob ng room. Nakahinga siya ng malaman na wala pa si Ford.
"Guys, punta daw tayo sa theatre. Meet up daw doon with the dance club," sabi ng kanang kamay ni Ford na si Josh.
Nag silabasan na ang lahat at nakahawak padin sa kamay ni Allyrissa si Antonia.
"Woops, mauna kana Antonia. Pinapaiwan ka dito ni Ford magisa carry carry," sabi ni Josh.
Ayaw iwan ni Antonia ang bagong kaibigan pero ayaw din ni Allyrissa na ma stuck up ito sa kanya kaya pinauna niya nalang.
Nag-antay sa loob si Allyrissa. Ilang segundo pa ay dumating nadin si Ford atsaka umupo sa harap niya. Nanginginig siya, baka sigawan nanaman siya ni Ford.
"Listen, I'm really sorry about last wednesday."
Nagulat doon si Allyrissa. "Weh? Totoo bang nag sosorry ka talaga? Hala! Ano nakain mo? " tanong ni Allyrissa at tumawa.
Nang makita ant blank stare ni Ford ay agad siyang naging seryoso. "Ah eh... okay lang naman iyon. Ano ka ba! Hindi naman ako natakot saiyo! Hehe"
"Here," sabi ni Ford then nag abot ng isang box. "Dark chocolates iyan, loaded with nutrients that can affect your health posi--"
"Yie! Sumasakit ulo ko sa trivia mo! Okay na ako noh, basta huwag mo na ako sigawan kasi natatakot ako sa loud noise."
"Ligyrophobia, huh?"
"Leeg o ano?" Hindi talaga maintindihan ni Allyrissa ang mga matatalino.
"Ligyrophobia minsan phonophobia, takot sa malalakas na noise. Sabi mo diba? Takot ka doon?" Explain ni Ford.
"Pwede namang takot sa malalakas na tunog nalang eh! Pinahirap mo pa," bulong ni Allyrissa sa gilid.
Narinig ito ni Ford pero binalewala niya na lang. "So uhm... okay na tayo?" Tanong ni Ford.
Tumango lang si Allyrissa at kinuha ang box na may ribbon pa sa itaas.
***
Dance club si Michael at nang malaman na mag ccollab ang dance at music club ay na excite siya. Agad hinanap ni Michael si Allyrissa pero parang nandoon na lahat at wala pa ito.
"Hey Josh, nakita mo si Allyrissa?" Tanong ni Michael.
Biglang nagsigawan ang mga kasama nila sa theatre kaya napalingon si Josh at Michael. "I guess, nandyan na hinahanap mo."
Nakaramdam ng galit si Michael ng makita niya si Allyrissa at Ford na magkasama.
Nagtilian ang mga tao at they teased Ford and Allyrissa. Ang iba sumisigaw ng Monthsary daw nila, dahil sa nasa kamay ni Ally na box. Yung iba naman ay naayos na daw ang LQ ng dalawa.
Naisip tuloy ni Michael na baka si Ford ang taong nagugustuhan ni Allyrissa. Maybe, kasi parang happy naman dito si Allyrissa.
Nakita ni Allyrissa si Michael kaya nilapitan niya ito para sana makipag kwentuhan pero parang di naman ito interested. Papalapit pa lang siya ay umalis na ito sa kina uupan.
Binalewala nalang ni Allyrissa ang pagiwas ni Michael. Pinuntahan niya na lamang si Antonia, buti nalang at may nakaka-usap na siya.
Hindi naman balak ni Michael na iwasan si Allyrissa kaso naiinis at nagagalit siya tuwing naaalala niya si Ford. Feeling niya tuloy nakikipag compete nanaman si Ford sa kanya.
***
Mga six thirty nang matapos sila sa practice. Sinadya ni Allyrissa na antayin si Michael sa labas para naman matanong niya kung tutuloy ba itong mag simba.
Nang lumabas si Michael ay hinarang siya ni Allyrissa. "Tutuloy ka pa ba bukas?"
"Kung may gagawin ka man bukas, it's okay. Have fun with Ford," walang ganang sagot ni Michael atsaka nilagpasan na si Allyrissa.
Naiwan siya doon, wondering kung oo or hindi ba iyon.
"Yo! Pulubi! Uwi na tayo?" Tanong ni Veniscio na sumulpot out of nowhere.
"May tanong ako. Pag tinanung mo ako ng 'tuloy tayo bukas?' At ang sagot ay 'kung may gagawin ka man bumas, it's okay'. Ano iyon? Oo ba iyon o hindi?"
Nag isip rin si Veniscio.
After five long minutes ay sumagot narin ito, finally.
"Hindi ko alam. Bobo ako eh haha"
Sa mga five minutes niyang pag iisip ang nasagot niya lang ay iyon. "Ang cute mo! Kunwari nagiisip ng sobrang lalim pero wala naman palang sagot!" Binatukan ni Allyrissa si Veniscio.
"Free ka bukas? Magsimba tayo," yaya ni Veniscio.
"Aba! Nagsisimba ka pala? Hindi halata, grave!" Tease ni Allyrissa.
Hanggang sa umabot sila sa sakayan ay inisan lang sila dalawa.
"Sigeh na, sumakay ka na. Pakisabi nga pala ni father bells mo, magandang gabi!"
Sumakay na si Allyrissa, nasa pinakauna siya kaya nakatambay pa si Veniscio. "Oo na, sasabihin ko po siya."
"Sigurado iyan ha? Pag kami nagkita at tinanong ko, pag nagsabi ng hindi mo sinasabihan F.O. na tayo!" Banta ni Veniscio.
"Grave siya! Friend shio over agad-agad?"
Sasagot pa sana si Veniscio nang paandar na ang Jeep. "Hay! Mga bata, sa lunes niyo na ituloy landian ninyo! Aandar na this jeep!"
"Tsk! Hindi po kami naglalandian kuya conduktor! Isa lang po iyang pulubi, nagmamalasakit lang ako!" Sabi ni Veniscio.
"Kapal ng mukha mo! Singkit mata!" Nasigaw pa ni Allyrissa bago umandar ang jeep.
Kinawayan nalang ni Veniscio si Allyrissa at nag belat naman sa kanya ang babae. Hindi niya inaakala na makatagpo siya ng gaya ni Allyrissa. Nawawala tuloy ang mga problema niya at nakakangite pa siya.
Naglakad lakad na muna si Veniscio. Hindi niya feel umuwi sa bahay nila. Sa park na muna siya tumambay.
Sa hindi kalaguan ay nakita ni Veniscio si Hasna. Nilapitan niya ito. "May plano ka magpakamatay?"
Agad napatingin si Hasna. "Ano saiyo iyon?"
"Idol mo ba si Paulo Coelho? Gusto mo sabihan kita sa kung anong mangyayari jan sa libro na iyan?" Tanong ni Veniscio.
"Alam mo, hindi naman kita tinatanong eh, atsaka hindi rin kita kilala so please. Umalis ka na lang," naiiritang sagot ni Hasna.
"Oof... sigeh na nga. Buenas Noches señorita," paalam ni Veniscio atsaka kumindat bago umalis.
Na creeped out naman si Hasna doon. Weird guy pero he seemed legit. Iba sa mga lalaking lumalapit sa kanya.
***
Pag uwi ni Allyrissa ay binuksan niya ang box na binigay ni Ford. May lamang letter ito at nakasabing,I don't know where to start but I guess it's by saying I'm sincerely sorry. These are dark chocolates, so don't worry about the sugar content.
Kumuha si Allyrissa ng isa at tinikman, para lang itong tableya pero atleast nag effort si Ford. Kaya napangite nalang siya realizing na hindi pala all masungit si Ford.
•••••
Salamat sa pagbabasa ng kabanatang ito ♥️♥️♥️
BINABASA MO ANG
If We Never Last
RomanceNang mag-crush back ang crush ni Allyrissa ay agad-agad niya itong sinagot. Dahil ang atat niya sa pag-ibig ay naniwala naman siya sa magagandang salita ng lalaki. In the end ay sinaktan lang pala siya nito. Moving on was hard, but what if the guy w...