Mga isang buwan at kalahati na rin ang lumipas at gusto na ni Michael na magsabi kay Allyrissa na siya ang nagpapadala ng mga love letters."Hasna, do you think a month is okay na to tell her I really like her?" Tanong ni Michael. Para kasi sakanya ay love expert si Hasna.
"Kung you think na you can take either a yes or a no niya then I guess okay na but I suggest siguraduhin mo muna na you can take care of her," sagot ni Hasna habang nagbabasa ng isang libro about sa mga phobias and philias.
Umupo sa harap ni Hasna si Michael atsaka nag-isip. "Sa tingin ko oo naman eh. I'm into her so what's the fuss. Parang ayaw mo na ligawan ko siya!"
Isinara ni Hasna ang kanyang libro atsaka tinitigan si Michael.
"Listen, if you want to date a girl siguraduhim mo na you're not just dating her. You need to make sure na you know what you're entering. You can play with girls pero ibahin mo ang isang lady and or a woman"
Walang ideya si Michael sa pinag sasabi ni Hasna. Alam naman niya na complicated ang mga babae pero ang hindi niya maintindihan ay ang not just date at ang ibahin ang woman. How does he know if he's dealing with a girl, a lady or a woman? Parang pareho lang naman lahat.
"You're such an idiot. What I meant is be a boyfriend too! Kasi kayo mga lalaki minsan you date girls to display us and make us do all the work. Be a man! Dapat kayo gumagawa ng mga efforts for us to stay kasi when a girl turns into a woman, you will woe. Her love is woe."
"Hindi ko parin nakuha?"
"Ugh!!" Nanggigil si Hasna. "You know what? Sana alam mo ang ginagawa mo!"
Iniwan na ng tuluyan ni Hasna si Michael. Naiirita siya tuwing naiisip niya na may mga lalaking like Michael. They date a girl kasi they like the girl? Like bruh, don't they know that ang mga kababaihan ay like a fragile glass? Break a girl's heart once and it'll never be restored.
Pumunta siya sa canteen at bumili ng Yakult. Umupo siya sa isang seat doon and then nag continue sa pagbasa ng libro.
"Philophobia..."
"Fear of falling inlove, huh?"
Napaangat ang ulo ni Hasna sa nagsalita. Only to see Ford.
"I don't fear falling inlove. I fear my heart breaking because I loved the wrong person," sagot ni Hasna.
Hasna adores Ford so much pero alam niya na Ford has no interest in love, lalo na sa mga babae.
"Hmm... make sense. Pero anyway, how do I say sorry to a lady?" Tanong ni Ford na nagpataas ng kilay ni Hasna.
"You don't say sorry, you show her that you're sincerely sorry," sagot niya. These men really doesn't have any idea about girls.
"Right kasi nga, when we men ask you girls for forgiveness binibigay ninyo agad. Pero hindi niyo na iyon makakalimutan."
This is why Hasna adores this guy. He understands how women thinks.
"So uhm... I'll go ahead and thanks" iniwan na ni Ford si Hasna.
Tumingin sa relo niya si Hasna at nang makita niyang oras na ay itinigil na niya ang pagbabasa. Aalis na sana siya nang makita ang isang orange na may note na "Eat me cause I'm round and cute ^^"
Ngumite si Hasna at kinuha ito saka siya umalis. Buti naman at may mga lalaki pang gumagawa ng mga bagay na nakakapag saya sa isang binibining walang lovelife.
***
Sa uwian ay ganon padin ang set up ni Veniscio at Allyrissa. Ang naiiba nga lang ay si Veniscio naman ang pina-una ni Allyrissa.
Nang mapag-isa na siya ay na-isipan niyang mag ice cream na muna. Sa lageh nilang pinupuntahan ni Lita. Bumili siya ng favorite ice cream nila ni Lita at naupo sa labas.
Then may nag hand sa kanya ng panyo. Tiningnan niya kung sino, si Michael pala. Sobra siyang kinabahan realizing na hinalikan niya ito.
Kinuha niya ang panyo na nanginginig at pinahiran ang luha niya. "S-salamat."
Umypo si Michael sa tabi ni Allyrissa. "Na mimiss mo siya?"
"Oo, sa tagal ng pinagsamahan namin eh. Bigla-bigla nalang siya mawawala. Deleted na ang mga social accounts niya. Hindi ko man lang alam ang rason kung bakit umalis siya," mahinang sabi ni Allyrissa. Naisip niya na baka di na naalala ni Michael ang ginawa niya. Yung ice cream niya natutunaw na din.
"I know for sure na malalaman mo rin ang reason kung bakit siya umalis bigla bigla. Huwag ka na umiyak, andito naman ako." Hindi sinasadya ni Michael na masabi ang last sentence niya kaya pati siya nagulat.
Isinandal ni Allyrissa ang ulo niya sa balikat ni Michael. Hinagod naman ni Michael ang shoulder ni Allyrissa.
"May sasabihin nga pala ako," mahinang sabi ni Michael.
Inangat ni Allyrissa ang ulo niya. She looked at him with a What-is-it? look. Pero hindi magawang sabihin ni Michael. Natatakot siya na baka hindi siya gusto ni Allyrissa lalo na at sinabi nito sa isang letter na may gusto siyang lalaki.
"Uhm... free kaba sa Sunday? Sabay tayo magsimba." Iyon nalang ang natanong ni Michael. Ang torpe niya pero mas maganda din kung sa simbahan niya nalang sabihin at hindi lang sa gilid ng kalsada.
Nakahinga ng maluwag si Allyrissa dahil hindi ito nagtanong tungkol sa halik.
"Hmm second mass tayo," sagot ni Allyrissa na nakangite. "Pasensya na pero medyo late nadin eh. Papagalitan ako ng tatay ko kapag naabot ako ng eight."
"Hatid na kita? Para namang hindi tayo tumalon sa wall ng school at nag cutting," sabi ni Michael at tumayo. "Ubusin mo na yang melted ice cream mo."
Inihatid nga ni Michael si Allyrissa. Hindi na sa sakayan kundi sa bahay na niya talaga. May motor kasi si Michael.
"About sa kiss, pasenya ka na pala doon . Gusto ko lang talaga patunayan," biglang sabi ni Allyrissa.
"Don't worry wala lang iyon," sabi ni Michael. "See ya
And with that ay umalis na si Michael. Nasad si Allyrissa sa sinabi ni Michael, wala lang pala ang halik na iyon. Sinampal ni Ally ang sarili. "bobo! Syempre wala lang iyon sa kanya! Makapasok na nga lang."
Pagkapasok ni Allyrissa sa bahay ay nakaabang na ang tatay niya. "Oh, may nanliligaw na saiyo? Bakit hindi mo patuluyin?"
"Ah eh... tay naman! Hindi naman iyon nanliligaw! Ang gwapo gwapo nun tay atsaka tay sa panahon ngayon hindi na po uso ang ligawan eh," sagot ni Allyrissa atsaka nag mano sa tatay niya.
"Allyrissa Macaria Fuente Lupanglangit!"
"Tay naman! Huwag naman iyang full name ko! Allyrissa nalang tay, nakakahiya ang Macaria tay!" Reklamo ni Allyrissa sabay kamot sa ulo nito.
"Maging proud ka! Ako nagpangalan saiyo! Hala, magbihis ka na at kakain na tayo."
"Parang di naman pinag isipan pangalan ko eh... tsk!" mumble ni Allyrissa papuntany kwarto niya.
Nagbihis siya atsaka inihulog muna ang letter na nakuha sa isang special box na ginawa niya. Pagkatapos ay bumaba na para kumain kasama ang pinakamahal niyang tatay.
BINABASA MO ANG
If We Never Last
RomanceNang mag-crush back ang crush ni Allyrissa ay agad-agad niya itong sinagot. Dahil ang atat niya sa pag-ibig ay naniwala naman siya sa magagandang salita ng lalaki. In the end ay sinaktan lang pala siya nito. Moving on was hard, but what if the guy w...