31

90 4 0
                                    


Hanggang ngayon ay napapa-isip parin ako sa sinabi ni Ford. Too unfair to be with him kung hindi buo ang pagmamahal na ibibigay ko sa kanya.

"Hoy! Okay ka lang?" Tanong saakin ni Hasna. Bigla kasi akong na dissociate.

"Ha? O-oo naman, ano lang uhm... may  na-isip lang ako."

Hinug ako ni Hasna. "I'm always here for you okay?"

Hinug ko ito pabalik. Kung kaibigan ko na si Hasna then I can tell her anything. Should I tell her what happened to me and Ford kanina?

"Actually," sabi ko and I broke the hug, "Kanina... Ford told me that he likes me."

Tiningnan ako ni Hasna with a grin on her face. "Mabuti naman at nasabi na niya saiyo. Hindi mo ba nahahalata na mahalaga ka sakanya? He never treats others the way he treats you."

I face down. "I'm scared... I might hurt him. Kasi diba hindi pa ako fully recovered sa pantataksil sa akin ni Michael. Even I still thinks about him. Masasaktan ko lang talaga si Ford."

She sighed. "Well too late kasi sa tingin mas higit pa sa like ang nararamdaman ni Ford. I think he loves you."

Napakagat labi ako. "Ano na gagawin ko kung sakali ay yayain niya ako?"

"Hindi ko alam. It's up to you Allyrissa. Mga bata panaman tayo so I think give your heart the chance to heal first then kapag ready kana maybe you can give Ford's heart a chance too."

I smiled at Hasna. Ang talino niya talaga. She doesn't let her emotion take over her, iyon ang pag-tingin ko sa kanya.

"Salamat."

"Hugasan ko muna mga plato ha?" Paalam ni Hasna kaya naiwan ako sa lamesa.

Napatitig ako kay Ford na nanonood ng basketball game kasama di Veniscio. Naka-ngite pa siya habang natatalo na ang team ni singkit.

Nagulat ako nang bigla siyang napatingin saakin at nahuli ako. Hindi ko alam ang gagawin kay napa look down ako.

Ilang saglit lang ay tumingin nanaman ako and I saw him still staring at me. Lumaki agad ang mata ko lalo na nang ngumise at kumindat siya. Namula agad ako.

Tumayo ako dahil hindi ko kinaya. Dire-diretso lang ako pakusina nang hindi ko napansin may wall pala at nauntog ako.

"Hey! You okay?" Tanong niya across the room and I hear footsteps.

Hinagod ko ang noo ko. Ayoko mapalapit siya kaya sumigaw ako. "Okay lang ako! Huwag ka na lumapit!"

Pagkatapos ko masabi iyon ay tumakbo ako papunta kay Hasna. I hugged her from the back. "Pa-hug nahihiya ako! Nakita niya akong nakatitig sa kanya."

Tinawanan ako ni Hasna na nagpatuloy parin sa pag hugas. "Tulungan mo nalang ako. Pahidan mo ang plates."

Ginawa ko nalang ang sinabi ni Hasna kesa naman ako lang mag-isa ang bumalik sa sala.

***

Lumubog na ang araw at hindi parin kami nag-uusap ni Ford. Ginagawa ko din ang best ko na hindi siya matignan. Tapos na din kami mag-hapunan at medyo inaantok na din.

Also na meet na namin ang grandma ni Ford. Nakakahiya nga dahil mas maarte ito saamin. Hindi naman siya strict pero parang teenager lang kung kumilos.

"Uhm... there's only three bedrooms so me and V will share and you girls too. Is that ig—"

"No!"

Napalingon kaming apat sa grandma ni Ford na nag no.

"Diba si Veniscio and Hasna are a couple? They should share rooms!"

"Ay! Hindi na p—"

"No! I insist! If everything gets hot I have some condoms in t—"

"Lola!!!" Sigaw namin apat.

"What?" She asked with that innocent expression on her face.

We all shook our head. Kinuha niya ang kamay ni Hasna at Singkit. Then she dragged them sa kwarto siguro.

Damn! So ayon naiwan ako kasama si Ford. Iyong puso ko parang lalabas sa dibdib ko.

"Uhm... mauna ka na. Hindi pa naman ako inaantok," sabi ni Ford.

"Uhm... sigeh," sabi ko at iniwan na si Ford doon.

Papasok palang ako ay lumabas si grandma galing sa kwarto nina Singkit. May dala itong nightgown?

"Ohhh there you are! Take a shower and wear this. It's comfortable," sabi niya at binigay saakin.

"Pero po ka—"

"Shhhh," pag cut off niya saakin at hinalikan ako sa pisnge. "Good night mga apo."

Tiningnan ko ang gown nang makaalis na si Lola. Tae, hindi ko talaga ito susuotin! Itinabi ko ito sa side table. Hay naku! Hindi pa naman ako comfortable na may bra kung natutulog.

May kumot naman pwede ko takpan ang harap ko. Iniangat ko ang kamay ko at sinubukan na tanggalin ang bra ko kaso ang higpit ng hook nito.

Nangangawit na ako nang biglang may pair of hands na ang bilis nakatanggal nito. Napalingon ako bigla and it was Ford. Hindi ko napansin na pumasok siya ah.

"Just trying to help. I'm sorry bout my grandma. If you're not comfortable sharing a bed with me, I can sleep outside," sabi ni Ford at akmang lalabas nang hawakan ko ang tip ng damit niya.

"Malaki naman ang kama, atsaka matutulog lang naman tayo," nakayuko kong sabi tapos ay binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang shirt.

He turned to the other side at ako naman kinuha ang bra ko at inilagay sa gilid. Nahihiya pa ako non.

Lumipat siya sa isang side at nahiga na ako. Lumingon ako para tingnan siya nanlaki ang mata ko. Naghubad siya ng shirt kaya bumalik ang tingin ko sa side ko. Ayoko na tumingin.

Ilang saglit lang ay naramdamam ko na siyang humiga. Hindi ko alam ang position niya basta ang alam ko nasa likod ko siya.

Then what he did next got me so nervous. He wrapped his arm around at sa totoo lang hindi na normal ang heartbeat ko lalo na nang ma feel ko ang hot breath niya against my neck. Mainit nga pero na freeze ako.

Hala uy! Para akong mababaliw sa ginagawa niya.

"He never did this to you, did he?" Tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita, nag shake lang ako ng ulo. Hindi rin ako makagalaw. Tangina talaga!

It feels like nantataksil ako na ewan. It kinda feels like mali ito pero parang—

"He got back with his ex so why feel like you're cheating?"

Ano bang gustong mangyari ni Ford? Bakit siya nagtatanong tungkol kay Michael ngayon?

"Bakit mo siya binabalik?" Mahinang tanong ko.

"Masakit parin ba?"

Masakit pa nga ba? Naglakas loob akong humarap sa kanya. Nakahibad nga siya and I looked him in the eyes.

"Masakit parin pero hindi na kasing sakit ng dati."

Ngumite siya and closed his eyes. "Kung babalik ba siya... babalikan mo?"

"Hindi. Why come back to someone who broke me?" Tanong ko sa kanya.

He opened his eyes and stared at mine for a while. "Your eyes... they're giving me a more honest answer."

Hindi ko alam bakit but my tears fell down. Ford pulled me closer and I closed my eyes. I don't want this anymore. It's too painful.

If We Never LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon