28
Allyrissa's POV
Nag-lalakad ako patungo sa sakayan nang may biglang pumulupot sa braso ko't humila saakin. Pag-lingon ko ay si Ford pala. Ano nanaman kaya problema nito? Sumusulpot lang to kahit saan ah!
"Dalawampung minuto, manghihiram ako," sabi ni Ford na humihingal.
Ano?
"Bakit? Para saan ba ang twenty minutes?" I curiously asked.
"Para saan nga ba? Hmm... para sa'yo. Halika na!"
Hindi man lang niya ako pina-sagot at hinila niya ulit ako sabay takbo. Hindi ko alam kung saan kami papunta basta'y sunod lang ako ng sunod sa kanya. He even looked back at me while we're still running at tumawa lang.
Ang ganda ng ngite niya. Nalilimutan ko tuloy ang sakit na pinaparamdam saakin sa bahay at ni Michael. Na-iiyak ako tuwing naa-alala ko ang mga sinabi ni papa lalo na ang parang walang paki-alam na nobyo ko.
Huminto kami sa may, Cat Heaven.
"Pasok tayo!"
At ulit hinila niya ako.
Na-upo kami sa sahig at umorder ng pagkain namin. Nakaka-pagpanibago siya pero he was always like this noong nililigawan pa niya ako.
Habang namimili pa si Ford ay may mga pusa nang lumapit saakin. Ang tataba at malinis ang mga ito. Ang cute-cute din nila. Heaven nga ito.
Nang matapos si Ford ay tinanong ko siya, "Uh... ba't biglaan yata to?"
"You can leave kung ayaw mo na. I'm not forcing you to stay," rude na sabi nito.
Naningkit bigla ang mata ko!
"Ay ganon? No! I'm staying! Sa susunod hindi na ako sasama!" mataray kong sabi sakanya at nag-roll ng eyes.
Tumawa ito.
"Diba ayaw mo muna na umuwi sa bahay ninyo? Then dito na muna tayo. Starting tonight, give me twenty minutes of your time every twenty four hours," sabi nito sabay kuha sa isang pusa.
"Bakit mo ba ginagawa to? Inuutusan mo lang ako noong una, ngayon nama—"
"Hindi ko magawang balewala-in ang isang taong nalululong na sa kalungkutan," he cooly said.
I was speechless and so enlightened. Parang nabuhayan ako sa sinabi niya.
"You know, you're not alone. You can tell me anything," dagdag pa niya.
Wala akong masabi, buti nalang at dumating na ang mga foods na inorder niya. Tahimik kaming kumain at tahimik ko din na pina-pakain ang mga pusa sa gilid ko.
Sa kalagitnaan ng pagka-in ay na-isipan ko na magsalita.
"Uhm... lagpas na ang twenty minutes?"
Tumigin siya saakin. "What I mean was, twenty minutes of talk. So far, mga... seven minutes palang ang talk natin."
Pagka-tapos ay nag-focus na ulit siya sa pag-kain. Hindi nalang ako nangulit at nag-patuloy na din sa pagka-in.After namin kumain ay na-isipan niyang mag-lakad nalang kami papuntang bahay ko. Hindi naman sobrang layo ng bahay ko, nalalakad naman din.
Seven minutes... may thirteen minutes pang natitira. Parang hindi naman siya mag-sasalita pa.
......
...
Hanggang nasa tapat na kami ng bahay ko ay wala parin. Nag-wave lang siya saakin at umalis na. Walang kaming imikan, para kaming mga pipi. Dahil doon ay natawa nalang ako.
Pag-pasok ko sa bahay ay ganon padin, diretso lang ako sa kwarto ko. Buti nga at wala si papa at ang bruha. Diretson akong nahiga sa kama.
Nag-online ako, sinubukan kong tawagan siya ulit for the 15th time today. Pero ganon padin... walang sumagot. Napa-kagat labi ako... something was really going on. Tinext ko nalang siya.
'Hi! Kailan ka uuwi? Miss na miss na kita... sana mag-text ka man lang kung okay ka lang ba kasi nababaliw na ako kaka-isip kung napano ka na o kung may tayo pa ba?...'
Napa-iyak ako nang ma-realize ko na pang fifty sixth message ko na siguro'yon sa kanya ngayong araw. Bigla kong na-realize... I look so desperate kaya mas lalo akong napa-iyak. Ayoko na... ang sakit na nito.
Tuluyan akong na-iyak.
Ganito na lang ba palage?
*vibrate*vibrate*
Agad kong tiningnan ang cellphone ko, hoping it was Michael pero hindi. Si Ford ito.
I declined the call. Not now Ford.
*vibrate*vibrate*
Ugh!
Sinagot ko ito ng pasigaw, "Ano?"
"May labing tatlo pa akong natitirang minuto, ngayon ko gagamitin."
"Hindi pwede *sniffs*. Hindi ako okay ngayon."
"Alam ko, kaya nga tumawag ako diba?"
Geez!
"Bukas, I'll be there early, kaya ipag-luto mo ako. No bacon, I hate it. Atsaka—"
"Wait! Anong ipagluluto kita? Okay ka lang b—"
"Diyan ako mang-uumagahan kaya ipag-luluto mo ako. By the way diyan na din ako maliligo at mag-dadala nalang ako ng uniform ko. Sunny side up ang prefer ko incase magluluto ka ng itlog..."
Ang rami pa niyang sinabi! Like what?! Bakit? Bakit niya na-isipang ganituhin ang mundo ko—charot! Pero what the hell?
"Malapit na matapos ang oras so, paki handa mo nalang bukas okay. Matulog ka na, mag-j jogging tay bago ka mag-luluto. Good night"
Wow!
Akala ko ay baba-baan niya na ako pero hindi.
"Ibaba mo na?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Ikaw ang mag-bababa ng phone at bilisan mo kasi I don't like going beyond the time. Huwag ka umiyak ngayon, just think of tomorrow and my food," sabi niya.
Mag cocomplain pa sana ako pero nang makita ko ang oras ay ewan ko ba pero kinabahan ako at inend na ang call.
Then na-realize ko ang mga nang-yari! Punyeta! Ang gulo ng kwarto ko at!!!! Ano ba ang lulutu-in ko?! Hindi ako na-kinig sa kanya kanina!
So instead na mag-drama ako'y nag-ligpit na ako ng gamit ko at nag research tungkol sa mga recipe at kung anong dapat ang pang-breakfast.
Punyeta! Na-alala ko ang sunny side up, paano ko ba iyon gagawin? Baka naman kasi masunog sa gilid, hindi ako marunong non!
***
Gumising ako ng mga five, hindi ko nga alam na naka-tulog na pala ako. Tae! Agad akong bumangon at tumingin sa bintana. Wala pa naman ang lokong lalaki.
Nag-bihis ako't nanghilamos, tapos ay naalala kong e-check ang phone ko.
...
Walang text. Tiningnan ko kung kaian last online si Michael and boy kumirot ang aking puso nang makita kong active an hour ago ang nakalagay. Na-iiyak nanaman ako...
Papatak na sana ang namumuong luha sa gilid ng aking mata nang may narinig akong katok sa bintana ko. Noong una ay kinabahan pa ako't baka minu-multo ako. Mas lalong nagulat ako nang biglang lumitaw sa labas ang imahe ni Ford.
Taena! Napahawak ako sa dibdib ko. Binuksan ko ang window ko pero hindi siya pumasok. Sumenyas lang ito na 'baba ka na'.
"Pumasok ka, dumaan nalang tayo sa front door! Mabalian ka pa eh!"
At ayon nga't pumasok siya sa malinis at well organized na kwarto ko. Siyempre proud ako noh! Nag-hirap ako dito kagabi. Ibinaba niya din ang bag niyang dala.
"Ang kalat ng kwarto mo," mahinang sabi niya.
Muntik ako matumba doon! Nakakalatan pa siya? Wow!
"Seryoso ka ba?! Nilinis ko nga ito kagabi at'yan lang sasabihin mo? Wow! Ano ba kwarto mo walang kahit anong papel na nasa lamesa?"
Nag-isip siya saglit then he shrugged.
Wow! Just wow!
***
So nag-stretching muna kami sa labas bago paman kami simulang tumakbo. Parang tatahimik lang yata si Ford all the way namin.
"Let's go"
At ayon nag-simula kaming mag jog.
Habang nag-jjog kami ay nai-isip ko din si Michael. What he's doing to me is torture. Nag-mumukha na akong desperada at ayaw ko nang magpaka-tanga. Ginawa ko naman lahat so it's not like kasalanan ko. Hindi ko nga kasalanan pero ako ang nasasaktan.
Ayaw ko na... gusto ko na'ng maging malaya sa sakit. Three nights at kung wala parin ay susuko na ako.
*bang*
Napahawak ako sa noo ko nang matumba ako.
"You okay?" tanong saakin ni Ford.
Ano ba— fudge! Nabangga ako sa isang sign. Ang sakit ng ulo ko! Ayan! Kaka-isip! Tae, ang sakit!
Dahil doon ay na-upo muna kami sa isang bench. Hindi maka-tingin saakin si Ford at alam ko na tinatawanan niya ako. Putangina nakakahiya ito ah. Binilhan niya pa ako ng ice para hindi masyadong bumukol. Tae talaga.
***
Nang maka-uwi kami ay nag-luto ako while siya naman ay nasa lamesa na't nagbabasa. Napa-isip tuloy ako kung ano masasabi ni papa kapag nakita niya si Ford. Na-isip ko din, bakit parang ang chill lang ni Ford na nasa ibang bahay siya?
Nag-iisip pa ako nang maamoy kong parang may nasusunog at nanag yumuko ako'y nataranta na ako nang makita ko ang aking niluluto. Tae! Nasusunog na pala!
Pinatay ko ang stove at nang makita ang kalabasan ay parang hindi ko rin kayang kainin ito.
Bakit ko ba iniisip iyon? Hindi ko naman balak na ma-impress siya! Bahala siya.
Dinala ko ang pag-kain sa lamesa at naupo ako sa gilid ni Ford.
He looked at the burnt food then saakin.
"Alam ko! Hindi ako marunong mag-luto! Gets ko na!"
...
"You'll get better everyday," sabi niya't kinain niya padin ang luto ko.
I remember noong nilutuan ko si Michael and the same thing happened today, the only difference is kinain ni Ford ang luto ko. Michael chose to throw what I cooked for him and never told me that I'd get better.
Bakit hindi ko iyon nakita noon? Bakit okay lang saakin noon?
"Pahidan mo ang luha mo. Magiging maasim ang kanin mo pag-hinayaan mo iyan," biglang sabi ni Ford kaya nagmadali akong pahiran ito.
Pero kahit anong pahid ko ay lumalabas padin ang luha ko.
Tumayo si Ford and he pulled me closer to him para e-hug.
I had to cry it out.
I miss him... and that's when I know he's gone.
*****
BINABASA MO ANG
If We Never Last
RomanceNang mag-crush back ang crush ni Allyrissa ay agad-agad niya itong sinagot. Dahil ang atat niya sa pag-ibig ay naniwala naman siya sa magagandang salita ng lalaki. In the end ay sinaktan lang pala siya nito. Moving on was hard, but what if the guy w...