22

114 6 0
                                    

22

Uwian na nang makita ni Ford na tumakbo si Allyrissa. He followed her. Sa sliding window siya sumilip atsaka niya nakita sa labas na naka huddled up si Allyrissa. Mukha itong umiyak. " You okay?" tanong ni Ford.

Hindi sumagot si Allyrissa.

"Allyrissa!" narinig ni Ford na sigaw ni Michael.

Michael was running around at nagtatanong sa mga kaklase ni Allyrissa kung nasaan ito. Nag smirk si Ford sa nakikita. He sees kung ano na ang problema.

"LQ?" Ford asked again nang makita niyang clear na ang surrounding.

Inangat ni Allyrissa ang ulo niya and sniffed. Tumayo ito habang naka-iyak pa din, nag ka level na tuloy sila ni Ford.

Habang umi-iyak pa si Allyrissa ay nag-reach out si Ford at inilagay ang kanyang kamay sa likod ng ulo ni Allyrissa and pulled her towards him. "Hurry up and cry it all out. Ako na mag-hahatid saiyo pauwi." Nag sigh si Ford pagkatapos niya masabi iyon.

Inubos ni Allyrissa ang luha niya and she was thankful kasi nandoon si Ford. Hindi niya lubos ma-isip na nagawa niyang sabihin iyon kay Veniscio. Ang sama niyang kaibigan. Hindi niya rin muna mahaharap si Michael.

***

"Akala ko ba ihahatid mo ako?" tanong ni Allyrissa kay Ford nang mapansin niyang lumagpas sila sa kalye nila.

"Hindi ka naman rin pumara na alam mong stop na pala natin"

"Ay! Kala ko ikaw papara eh! Ku—"

Pinigilan ni Ford si Allyrissa. Nag-taka naman si Allyrissa kung bakit siya pinigilan ni Ford.

"May papakita ako sa-iyo"

Ilang saglit lang ay pumara na si Ford atsaka niya hinawakan ang kamay ni Allyrissa at inalalayan siya pababa sa jeep. Sunod ng sunod lang siya kay Ford. She wonder where he's taking her.

"Ford sa—"

"Shh" sabay paglagay ni Ford ng isang daliri niya sa bibig ni Allyrissa. "We're here."

Nagtataka si Allyrissa kung ano ba ang gina-gawa nila doon or ano ba ang hinihintay nila. Na-iisp niya tuloy na baka may nakikita si Ford na hindi niya nakikita.

"Ano ba'ng hinihintay natin?" bulong ni Allyrissa kay Ford na nakatutok sa may maraming matataas na damo.

"Stay here."

Nag lakad si Ford through the grass, hindi naman kalayuan. Nakita ni Allyrissa ang mga fireflies na siyang nag-liliparan. Napa-wow si Allyrissa.

Inoffer ni Ford ang kamay niya kay Allyrissa. Hinintay ni Ford na ipatong ni Allyrissa ang kamay niya. Inabot ni Allyrissa ang kamay nito and Ford dragged her. He ran through the field with her.

*Allyrissa POV*

Me and Ford under the night sky, gazing at the star, made me breathe. Naka-limutan ko ang problema ko nang tumakbo kami at nag liparan ang mga glowing insects.

Feeling ko nasa isang fairy land ako nang tumatakbo kami. Feeling ko, we were running away from something so dangerous like... reality. I'm running away from Michael's selfishness and my friendship that's now over with Veniscio.

It isn't right na si Ford ang lapitan ko but... looking at him right now na naka set ang gaze niya sa sky makes me feel safe.

"Dito ako pumupunta kapag gusto ko ng peace of mind," pag-basag ni Ford sa katahimikan naming dalawa.

"Salamat."

Naramadaman ko na may naka-titig saakin kaya lumingon ako kay Ford at nagulat ako na nakatitig siya saakin. I was frozen, hindi ko maalis ang titig ko sakanya.

"Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni Ford.

Nag-dalawang isip ako kung sasabihin ko ba pero kasi wala na akong masasabihan.

"Ano kasi... tinapos ko na ang pakikibag-kaibigan ko kay Veniscio"

"Bakit?"

"Uh... na-seselos kasi si M-Michael," mahina kong sagot na nakayuko.

Narinig kong nag sigh si Ford. Then narinig ko ang mga salitang hindi ko inaasahang sabihin niya.

"Ang bobo mo."

Bigla akong napa-lingon sa kanya. I'm blown away. Wala akong masabi dahil tama naman si Ford. Walang ibang ginawa si Veniscio but to be there when I need him at pinapasaya niya ako.

"Tama ka nga..."

"Indeed... pero alam mo Allyrissa, one thing from a lot of things na natutunan ko sa lola ko is that while you're still living, you can still change whatever you feel bad about."

Napa-isip ako sa sinabi ni Ford. Oo nga tama siya pero paano kung mawala saakin si Michael? Kahit papaano ay napamahal narin ako kay Michael at ewan ko ba pero sobrang patay na patay ako sakanya.

Bakit nga ba? Nag huddle up ako atsaka ko ipinatong ang chin ko sa arm ko. Nagulat ako nang biglang humarap saakin si Ford. Ilang inches lang ang layo ng mukha niya saakin. Bigla niyang pinitik ang noo ko, then lumayo na siya at tumawa.

"Aray! Bakit mo ginawa iyon?" Hinagod ko ang noo ko.

"Kasi ang seryoso mo. Para kang mamamatay kaka-isip ng maliit mong problema," sagot ni Ford saakin na naka-ngite pa. Iba yata ang Ford na kasama ko ngayon.

Hindi ko nalang sinagot si Ford instead ay nag-smile nalang din ako sakanya. May point siya, pwede ko pa ngang baguhin iyon but right now, gusto ko muna mag ride with the flow of events.

I thanked Ford that night.

***

Gumising ako ng maaga than usual kasi whole day kami ngayon. Nasa kama ko parin ako, nag-iisip ako na baka sobrang awkward nito sa loob ng classroom. Hayss, kaklase ko pa naman si Ford...

Bumangon na ako at ginulo ang buhok ko, kaka-alala ko'y male-late ako nito. Nag-madali ako maligo at mag-ayos. Pagkatapos ay bumaba ako't kumain ng agahan kasama si papa.

"Tulala ka yata? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni papa.

"Ah wala naman... nag-iisip lang ako tungkol sa dapat kong e-title sa research ko." Totoo naman din na may research akong inaatupag din.

"Hmm... gusto mo tulungan kita sa pag-iisip?" tanong ulit ni papa.

"Pa, ako na po doon," sagot ko at bahagyang tumawa. Tumawa nalang din si papa.

Pag-katapos namin kumain ay umalis na ako. Tining-nan ko ang relo ko, buti nalang at may time pa ako. Nag-lakad na ako at nag-hintay ng masasakyan nang dumating si Michael.

Huminto ito sa harap ko't tinanggal niya ang helmet niya.

Yumuko ako. Hindi ko magawang tingnan siya sa mata.

"I'm sorry. I'm a bit out of the line," mahinang sabi ni Michael.

Nana-tili lang akong naka-yuko. Ayoko na munang humarap sakanya.

"Kung gusto mo, I can talk to Veniscio and tell him it's all my fault"

Pag-kasabi niya non ay napatingin ako sa kanya. 

"G-gagwin mo ba talaga?" Tanong ko sakanya.

Tumingin siya sa gilid. "Kahit ayaw ko sakanya ay matitiis ko, huwag ka lang magalit saakin."

Napa-ngite ako ng sobrang tamis. The way he said it, sobrang cute niya. I guess losing a friend is not as bad as I thought.

***

If We Never LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon