20

126 5 0
                                    

"Babe, ano ba talaga ang problema? You don't seem yourself lately," sabi ni Michael nang nasa tapat na sila ng bahay nito.

"W-wala naman. Ano lang to, medyo nam-miss ko lang talaga si mama siguro. I mean kasi malapit na ang kanyang death anniversary," pag-sisinungaling ni Allyrissa.

"Ah... sorry I asked. Alam mo naman na nandito lang ako lage diba? I'm a call away," sabi ni Michael.

Tumango si Allyrissa and he kissed her forehead.

"Goodnight baby," sabi ni Michael.

Nag-wave si Allyrissa at nag-drive away na si Michael.

Nag-buntong hininga si Allyrissa bago paman pumasok sa kanilang gate. Dire-diretsong pasok si Allyrissa sa bahay nila.

"Tay, good evening!" sigaw ni Allyrissa across their house at nang masara na niya ay nagulat siya sa nakita. Ang tatay niya with Limario sa sala nila. Parang mahihimatay na yata siya!

"Tay, nakikita mo ba ang nakikita ko?" nanginginig na tanong ni Allyrissa.

"Ano ba akala mo saakin nak? Bulag?" tanong din ng tatay ni Allyrissa.

"Hey," sa wakas at nagsalita narin si Limario. Hindi lang nag-salita at tumayo pa ito.

"Diyan ka lang! Huwag ka lalapit," warned ni Allyrissa.

"Well excuse me at mag-usap muna kayo. Medyo inaantok na din ako eh," then kunwari nag yawn si tatay ni Allyrissa at tuluyan na nga silang iniwan.

"Hindi ka ba uupo?" tanong ni Limario.

Dahan-dahan na umupo si Allyrissa. It was like she was wearing bricks for shoe, muntik pa siyang napatid sa isang leg ng center table. Akmang tutulungan ni Limario si Allyrissa pero hindi ito nagpatulong.

"Don't touch me!" sigaw ni Allyrissa and she glared at him.

Nag-lean back si Limario and he chuckled.

"Ano ba nakakatawa?" kunwari galit si Allyrissa. Ayaw niya din mag-mukhang excited or nervous na nasa harap na niya si Limario.

"You. You've always been funny," mahinang sagot ni Limario.

Allyrissa's heart froze but she sugar coated it with a sarcastic laugh.

"Pwede ba? Kung magbibiro ka lang pala, mabut pa'y umalis ka na lang the way you left me before!" yell ni Allyrissa.

Umangat ang isang sulok ng bibig ni Limario. "Hindi ako pumunta rito para guluhin ka. I'm here to give you this."

Tapos ay may inilabas si Limario na box at inabot ito kay Allyrissa. Napa-isip siya na baka kaya nandoon din si Limario sa place na iyon that time ay dahil sa bumili rin ito ng box and there it is in front of her.

"Kung inaakala mo Limario na tatanggapin ko iyan ay nag-kakamali ka. Iyong mga letters na iniwan mo? Matagal ko ng ibinasura. I never read any of them and I wouldn't care about your reasons!"

Limario scoffed and turn to his side before facing her again.

"Kilalang-kilala kita Allyrissa, no need to put a mask on. At huwag ka mag-alala, this box doesn't just contain a letter. It's a letter from Lita. She couldn't face you so she asked me to give this to you."

"K-kay L-lita?" takang tanong ni Allyrissa.

Akmang kukunin niya na sana ang box pero binawi ito ni Limario. Then she glared at him.

"Ano ba? Para saakin yan diba?" She turned sa side ni Limario at pinipilit na abutin ang box and then she quit kasi sobrang mas mataas sa kanya si Limario.

"Sabi mo diba ayaw mo? Well, guess what? I don't give chances," he cooly said.

Inayos ni Limario ang kanyang jacket and then he went outside, kasi nga aalis na ito. Dala-dala parin nito ang box na dapat ay kay Allyrissa.

Malapit na sa gate si Limario and Allyrissa thought that box is her key para malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Lita. Hindi niya ito palalampasin. She ran outside and jumped on him.

Nabigla doon si Limario at malapit pa siyang matumba, mabuti nalang at may good composure siya. Inalis niya si Allyrissa sa kanyang likod. He even took off his jacket dahil hinihila ito ni Allyrissa.

"Dang, girl! I didn't know you could do that," sabi ni Limario na tumatawa ng bahagya.

"Akin na'yang box Limario!" Galit na sigaw ni Allyrissa.

"Bakit? You never wanted this in the first place."

Iniinis talaga ni Limario si Allyrissa and she was having a hard time keeping it all in.

She tried to calm her self down. Took a deep breath and exhaled heavily.

"Limario, please... akin na ang letter. I'm sorry kung naging mataray ako kanina but I want it now. Kailangan kong mabasa ang letter na iyan. Lita is so important to me!"

Na-iintindihan naman iyon ni Limario.

"Hmm... before I give this to you, gusto ko mag-usap muna tayo. Let's have a civil conversation for once," sabi ni Limario.

Walang choice si Allyrissa and she agreed.

Isina-uli niya ang jacket ni Limario habang umupo sa tabi nito. Naka-upo sila sa pavement sa may daanan patungong gate. Kinuha ni Limario ang jacket at ine wrap kay Allyrissa, hindi nalang pumalag pa si Allyrissa.

"So, kamusta ka na?" Tanong ni Limario.

"Mabuti."

"Na-miss kita," sabi ni Limario pero she remained silent.

"I made a mistake nang iwan kita with only letters."

"Buti alam mo," mahinang mumble ni Allyrissa.

"I know sorry is not going to change anything pero I will say it. I apologize for that. I'm not here kasi gusto kitang guluhin, nandito ako kasi gusto ko lang makita ka and make sure you're doing okay."

"Dapat kilala mo na ako... Hindi naman ako iyong tipong nagtatanim ng galit. Oo, nasaktan mo ako pero I'm always the postive head. Kinamuhian rin kita pero it all went away. Nagulat lang ako na bumalik ka, I never expected that."

"I regret leaving you," mahinang sabi ni Limario sabay titig kay Allyrissa.

"In my case, thankyou for leaving me," bulong ni Allyrissa. "I learned from the pain, kaya okay lang." Nginitian ni Allyrissa si Limario.

Nagbuntong hininga si Limario and he smiled at her. Iyong smile na defeated and contented; defeated by the fact na hindi niya mababawi at that time si Allyrissa and contented to see her smile.

"Can I hug you before I go?" tanong ni Limario.

Isang tight hug nalang ang isinagot ni Allyrissa.

Pagkatapos ng hug nila ay binigay na ni Limario ang box atsaka siya nag-paalam.

Nang maka-alis na si Limario ay agad na inilabas ni Allyrissa ang pangungulila na kanina pa niya pinipigilan. Her tears fell. "Na miss kita Limario pero alam ko kung gaano kasakit ang iwanan so I'm not going to do the same thing you did. Hindi ko sasaktan si Michael."

***

Gusto mang lapitan ni Michael si Allyrissa ay hindi niya magawa. He just saw her with another man sa front porch ni Allyrissa. He can't help but to get mad and hurt. They hugged and she cried. Who was that?

If We Never LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon