25
Ilang buwan na rin ang lumipas at semestrial break narin bukas. Last school day na ito sa month na iyon. May two weeks sem break kasi sila.
"So, ano gagawin mo sa sem break?" tanong ni Michael kay Allyrissa.
"Hmm... maybe hang out lang with you?"
"Sabi ni mama magbabakasyon daw muna kami sa US for two weeks. Pwede naman din ako tumanggi if you want," ani ni Michael.
"Wait, kailan pa ito? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Wala siyang ka-alam alam tungkol dito.
"My mom planned it kahapon pa kaya wala rin akong alam babe," depensa ni Michael. Nang makita niyang parang hindi naniwala sakanya si Allyrissa ay iniraise niya ang kamay niya't sinabing, "Yo! I swear babe!"
"Hmm... kung ganon, edi mag-pakabait ka nalang doon at tawagan nalang tayo. Kailan pala ang flight niyo?"
"Bukas"
Natigil sa paglalakad si Allyrissa. "Bukas agad?"
Umakbay si Michael kay Allyrissa. "May facetime nanaman ngayon diba? Atsaka babe, two weeks lang iyan! Ano ka ba!"
Nag-shrug si Allyrissa. "Sabagay... two weeks lang naman din iyan."
"Ice cream muna tayo?"
Pumunta sila sa ice cream shop and bought ice cream. They were enjoying their last moment together for that month. Hanggang sa nasa gate na sila ng bahay ni Allyrissa and shared a kiss. Neither of them was expecting a twist sa kanilang love story but it is about to happen.
Pag-katapos mag wave goodbye ni Allyrissa ay naka-ngite pa siyang pumasok sa kanilang bahay.
Hindi rin nag-tagal ang ngite niya nang makita niya ang isang babae sa bahay nila. This must be her. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa or i deadma ang babae.
"Uy, nandito ka na pala Ally!" bati ng tatay niya.
Wow! Iba yata ang bati ni tatay ngayon!
"Opo. Kaso medyo pagod ako kaya papahi—"
"Allyrissa, siya si Tita Layla mo," pakilala agad ng dad niya sa bagong babae nito.
"Please to meet you po. Pero pa! Pagod talaga ak—"
"We're having dinner sa labas. Tayo tatlo, don't you think that's great?" tanong ni Anton (papa ni Allyrissa)
"Oo nga naman, para makilala pa ki—"
"Pagod nga po ako!"
Natahimik ang dalawang matatanda nang isigaw iyon ni Allyrissa. Hindi alam ni Allyrissa kung ano ang i rarason niya kaya tumakbo nalang siya papuntang kwarto niya.
Itinapon niya lang ang kanyang bag sa gilid tapos ay nahiga sa kanyang kama. Niyakap niya ang kanyang unan and her tears started to flow.
Akala niya'y hindi na maghahanap ng iba ang papa niya. Akala niya din ay kakayanin niyang makita ang bagong babae ng tatay niya. That was what he was saying sorry for, dahil may iba na si papa. Should I just be happy for him?
"Hindi ko kaya ma..." bulong ni Allyrissa.
*vibrate* vibrate*
Dali-daling kinuha ni Allyrissa ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag ni Michael.
"Kamusta na ang babaeng papakasa— wait, umiiyak ka ba?"
Narinig kasi ni Michael na nag-sniff si Allyrissa.
"Si papa kasi, pinakilala niya na ang babae niya dito. Ewan ko ba pero hindi talaga ako comportable sa babaeng iyon."
"Geez, dinala niya na talaga sa bahay huh? Well, just stay out of sight sa kanila. Atsaka baka bukas at noon na kita matatawagan kasi na move ang flight namin. Ngayon na pala gabe kaya hindi na muna kita masasamahan. I'm sorry, baby."
"..."
"Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Michael nang hindi sumagot si Allyrissa.
"Oo, maghihintay ako sa tawag mo bukas. Ingat kayo ha. I lo—"
*tooot* tooot*
Hinay-hinay na binaba ni Allyrissa ang phone niya. She feels like something not good is about to happen sa kanya. She couldn't even text Veniscio dahil nga sa ginawa niya. Ang tanga niya talaga.
***
Kinabukasan ay maagang gumising si Allyrissa. Tatakas siya para naman hindi siya makita ng tatay niya, kunwari mag jo-jogging siya. Hinay-hinay siya hanggang sa nasarado na niya ang gate.
"What are you doing?"
Biglang napatalon si Allyrissa ng marinig iyon at nang lumingon siya ay mas lalo pa niyang ikinagulat na si Ford ang nasa harap niya.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Allyrissa.
"Dahi—"
"Ina mo ba ang babae ng tatay ko?" Tanong ulit ni Allyrissa.
"Ano?" tanong din ni Ford. "Okay ka lang ba?"
Nang makarinig si Ally na bumukas ang pinto sa front door nila ay agad niyang hinawakan ang kamay ni Ford sabay takbo palayo sa bahay nila.
Malayo-layo narin silang dalawa nang huminto si Ford.
"What the hell are all those running for?" tanong ni Ford habang hinahabol rin ang hininga.
"Kasi may dinalang bruha ang tatay ko. I don't like her at all!" sagot naman ni Allyrissa.
Tumahimik doon si Ford. So, ang auntie na nag-palaki sa kanya ay bruha pala sa paningin ng babaeng nasa harap niya. May pagka- strict nga si ang Auntie niya but she's not the type like cinderella's step mom.
Napag-pasyahan ni Ford na huwag nalang sabihin kay Allyrissa na auntie niya si Layla. Hindi na muna habang ma-init pa ulo ng babae.
"So ano nga pala ginagawa mo sa labas ng bahay kanina?" tanong ni Allyrissa.
"Bumili lang ng siopao sa malapit sa inyo."
He showed ang paperbag na dala-dala pa niya. Actually, plano niya itong ka-inin with her dad kaso wala eh lumitaw si Allyrissa.
Umupo sila sa isang bench.
"Sa-iyo na lang ang isa." Ibinigay ni Ford ang isa kay Allyrissa at kinuha niya naman ito.
Tahimik lang silang kumakain.
"Salamat," mahinang sambit ni Allyrissa.
"Para saan?"
"Sa nakaraang gabi at sa...siopao."
"So, kamusta ka na at ng kaibigan mo?" Tanong ni Ford.
"Ganoon pa din. Para ngang hindi na kammi magkaka-ayos non eh..."
"You know, mas maganda siguro kung kalimutan mo na muna ang pag-ibig mo kay Michael. Set it aside and itimbang mo kung anong mas i—"
"Importante saakin si Michael. May makikilala si Veniscio na magiging mas mahalaga sa friendship namin and what he will do is the thing I'm doing," pag-cut off ni Allyrissa.
"I don't think Veniscio will do the thing you're doing."
Nag-titigan silang dalawa for a while.
"Dito ka na muna, bibili akong inumin. Juice?" tanong ni Ford. Tumango lang si Allyrissa.
Na-iwan si Allyrissa na nag-iisip. Ano nga ba ang gagawin ni singkit? Kapag si Ford talaga ang kasama niya ay napapa-isip talaga siya ng matino.
*****
BINABASA MO ANG
If We Never Last
RomanceNang mag-crush back ang crush ni Allyrissa ay agad-agad niya itong sinagot. Dahil ang atat niya sa pag-ibig ay naniwala naman siya sa magagandang salita ng lalaki. In the end ay sinaktan lang pala siya nito. Moving on was hard, but what if the guy w...