Dalawang araw na nakakalipas simula ng mahuli ni Ford si Michael. Nasa music class siya ngayon at nag-iisip kung sinong babae ang umuupo sa seat na iyon."May nakaupo na ba dito?"
Inangat ni Ford ang ulo niya to see who it was. "Wala."
Napa-isip siya, ito nanaman ang babaeng nag sign up sa music club pero ni treble clef hindi alam. Naaawa siya sa katangahan nito.
Napansin ni Ford na medyo matamlay ito. Wala din ang babaeng laging kasama nito, kaya siguro ganyan ang mood niya.
Ilang saglit lang ay dumating na din ang kunwari head ng club nila. "Guys, malapit na ang music fest. Kaunti lang naman tayo kaya please lang maghanda tayo para mag compete at mag champ. Magplano tayo, maghanda, mag practice."
"Ngayon natin pag planuhan para sa susunod na meet up ay makapag practice na tayo. Also, tayo ang gagawa ng music para sa dance club, just reminding y'all. Kaya baka sa next meet up, Saturday ay magkaisa tayo sa dance club," paalala ni Ford.
Nag agree naman ang lahat kay Ford. Nag simula na ang lahat sa pag voice out ng mga thoughts nila except kay Allyrissa. Naiinis talaga si Ford sa walang alam na babae kaya pinag-iinitan niya ito.
"Hoy ikaw!" Tawag ni Ford kay Allyrissa. Inangat naman ni Ally ulo niya. "Bumuli ka nga ng drinks at chips namim." Kumuha si si Ford ng pera sa kanyang wallet at binigay kay Allyrissa.
Nagsasalita mag-isa si Allyrissa patungo sa canteen. "Ako nalang palage? Hindi nila ako sinasali, di nila alam mas magaling ako kumanta kay Antonia! Para akong maid nila! Ang sarap paguuntugin ng mga ulo! Lalo na yung asungot na Ford!"
Ayaw na ayaw talaga ni Allyrissa iyong si Ford kasi feeling niya ay may tinatagong galit ito sa kanya. Lage nalang siyang pinapahiya nito.
"Kuya, pabili akong..." nagisip si Allyrissa. Ano bang klaseng drink at chip ang gusto nila? Punyeta hindi specific magpabili ang gago.
"Hindi po ako waiting machine, nakaka bagot rin po maghintay," sabi ni Kuya tindero.
Nag taas kilay si Allyrissa. "Alam mo kuya, worth the wait naman ako eh. Marami bibilhin ko, uhmm... 9 po na coke sakto tapos 3 na patata, 5 caramel na moby at isa pish cracker, isa rin onion rings." Inabot ni Allyrissa ang pera na binigay ni Ford.
"Paano ba yan miss? Wala kaming plastic bag. Okay lang ba na balikan mo nalang ang iba?" Tanong ni kuya.
"Ako na magdadala ng iba."
Nagulat si Allyrissa kay Ford. Sumunod napala ito. "Pasensya na kung natagalan."
Walang kahit anong reaction si Ford. "Nagpunta ako kasi alam ko lahat ng bibilhin mo ay soda. I don't drink soda."
"Kuya, samahan mo na isang bottle ng distilled water. Yung 350 ml," sabi ni Ford.
Pagkatapos nilang mamili ay umalis na sila. Tahimik lang si Allyrissa, nakayoko na nakasunod kay Ford.
Papasok na si Ford sa room ng club nila ng huminto ito. At dahil hindi nakatingin si Allyrissa ay nabangga niya si Ford pero siya ang natumba.
Buti nalang at nahawakan siya ni Ford at nagkatitigan sila saglit. Narinig nila ang sigaw ng mga ka group nila kaya agad silang nag compose ulit ng posture nila.
"Pag naging issue ito, malilintikan ka saakin," bulong ni Ford atsaka nag fake smile sa kanya. Nag fake smile din si Allyrissa dito.
Umabot na sila ng mga 6 pm at hindi parin tapos ang magaling na si Ford. Nabbored na tuloy si Allyrissa, hindi naman kasi siya sinasali.
Kung sana kasi hindi siya iniwan ni Lita hindi pa siya malulungkot. Nag buntong hininga nalang si Allyrissa. Nami miss niya na ang kaibigan niya. Di man lang ito sumasagot sa mga tawag or text niya.
Nakatingin lang siya sa open door nang makita niya ang isang sapatos na nasa gilid. Lumaki agad ang mata niya, nakalutang lang eh!
Nawala naman kaya binalewala lang ni Allyrissa atsaka humarap nalang sa nag meeting.
Saglit pa lang ang lumipas nang hagisan siya ng medyas. Dahil sa gulat ni Allyrissa ay natapon niya ito sa nag meeting sabay sigaw. Lahat sila mabulabog dahil sa medyas na iyon. Hanngang sa sumigaw si Ford, halatang galit na ito.
"Tumahimik kayo!"
Natahimik nga sila.
Kinuha ni Ford ang medyas at tinapon kay Allyrissa. Nasalo niya naman ito. Nilapitan siya ni Ford, siya naman ay pinapawisan na. Hindi nga siya makatingin sa mala dragon na mukha ni Ford.
"Wala ka namang naiitulong dito, umalis ka na lang kasama ang medyas mong mabahu!" Galit na sigaw ni Ford na maririnig kahit sa kalapitang mga room.
Na startled doon si Allyrissa kaya agad siyang napatakbo palabas. Hindi kasi siya sanay sa loud noises, lalo na pag sinisigawan siya.
Nag stop siya nang malapit na siya sa gate. Napahawak siya sa dib dib niya habang hinihingal. Nasa kamay pa niya ang mabahong medyas.
"Hoy! Ibalik mo medyas ko!
Lumingon si Allyrissa at nang makita niyang si Veniscio pala ang nagmamay ari ng medyas ay na annoy agad siya.
Kinuha niya ang sapatos niya at tinapon kay Veniscio. Buti nalang at nasalo ni Veniscio ang sapatos.
"Gago ka! Sinigawan ako ng feeling matalinong Ford na mukhang maputing kapre doon dahil sa medyas mo!" Galit na sigaw ni Allyrissa. "Ang sarap mo patayin, singkit!"
"Hahaha... hoy sorry na!" Sabi ni Veniscio na nakatawa at bit bit ang sapatos ni Allyrissa.
"Sige, lumapit ka at susuntukin talaga kitang gago ka!" Nakataas na ang clenched fist ni Allyrissa, ready na ready nang makasuntok.
"Ito naman! Parang hindi tayo magkaibigan! Sorry na nga kasi! Magpapasuntok nalang ako," ani ni Veniscio. Lumapit siya kau Allyrissa dahil kampanti siyang hindi siya susuntukin ng pulubi. Pero mali siya.
Naka tawa siyang lumapit kay Allyrissa at bigla nga siyang sinuntok nito ng kay lakas. Ayon tuloy at nahilo siya at na knock out.
***
Agad na naupo si Veniscio nang magising siya. Hindi siya makapaniwala na nahimatay siya dahil sa suntok ni Allyrissa.
"Okay ka na ba? Hindi ko sinasadya na suntukin ka," sabi ni Allyrissa na nakaupo rin sa gilid.
Agad na kinuha ni Veniscio ang kamay ni Allyrissa, not minding ang nasuntok ng kaibigan.
"Masakit ba ang kamay mo?" Nag-aalalang tanong ni Veniscio.
"Medyo. Okay ka na ba? Nahimatay ka eh... sorry."
Tumayo si Veniscio at tumawa. "Sobrang baliw natin dalawa hahaha. Bili tayong ice para di mamaga."
Inabot ni Veniscio ang sapatos ni Allyrissa. "Oh! Ang bahu ng sapatos mo!"
Tumayo si Allyrissa. "Mas mabaho nga tong medyas mo tsk!"
Nagpalitan sila ng bagay atsaka nagtawanan. Bumili sila ng ice sa isang tindahan at kumain ng ice candy. Atsaka na inihatid ni Veniscio sa sakayan si Allyrissa.
BINABASA MO ANG
If We Never Last
RomanceNang mag-crush back ang crush ni Allyrissa ay agad-agad niya itong sinagot. Dahil ang atat niya sa pag-ibig ay naniwala naman siya sa magagandang salita ng lalaki. In the end ay sinaktan lang pala siya nito. Moving on was hard, but what if the guy w...