34

109 6 1
                                    

Na-isip ko ang sinabi ni Ford saakin tapos na-isip ko din ang mga sinabi ni Michael. Naguguluhan na tuloy ako... ayaw ko na masaktan si Ford pero kasi mahal ko pa si Michael.

Naiyak ako nang maisip kong iniiwasan na ako ni Ford at nilalayuan. Ayaw ko din iyon. Naguguluhan talaga ako.

*vibrate*vibrate*

Napatingin ako sa phone ko. It was Ford calling. Sasagutin ko na sana nang bigla namang mag pop up ang isang text na hindi naka save ang number. But it was from Michael kasi love ang tawag saakin.

Dahil sobrang kinabahan ako, hindi ko na nasagot. Ayaw ko naman na mag text kay Ford. Gusto ko na lang na akalain niyang tulog na ako.

I read the text Michael sent at isinave ko din ang kanyang number. I felt so guilty sa hindi pag sagot sa tawag ni Ford. Hindi ko na muna nireplyan si Michael para patas sila.

Ilang saglit lang din ay tumawag ito. Madali ko din itong nasagot. At bigla kong narinig muli ang sinabi ni Ford.

"Hello? You there?" Tanong ni Michael sa kabilang linya.

"O-oo"

"I'm glad you picked up. I just felt really lonely"

"Lonely? Noong kasama mo siya, hindi ka naman lonely ah," sumbat ko sa kanya.

"Listen, I'm sorry. I really made a mistake na nagpa tukso ako. I thought I still love her pero iniwan ko naman the moment I realized na ikaw parin pala. That it was you I really love."

"Love? Love mo pero pinagtaksilan mo? Pinaasa mo? Sa totoo lang matagal ko nang gustong makarining ng paliwanag saiyo. Kung bakit biglaan yata iyon, at kung bakit ganon ka kung maka text saakin? Sinisi mo pa ang distance natin? Tangina talaga!"

"I'm not calling to fight with you! Gusto ko lang na patawarin mo ako. I'm sorry okay? I'm sorry!"  Sigaw niya. I know he's sincere kasi naiiyak na din siya.

Pareho kaming tumahimik at umiyak nalang. Masakit parin kasi kahit mahal ko siya.

"Kahit suntukin mo ako at sampal sampalin, saktan mo lang ako love basta mapatawad mo lang ako"

"Sana hindi ka nalang bumalik... kasi paranag mas okay na ang buhay ko na wala ka," mahina kong sabi.

"Maghihintay ako hanggang sa bumalik ka saakin. Gagawin ko ang dati kong ginagawa para lang bumalik ka. Mag-sisimula ulit ako. Please just give me another chance, Ally."

Hindi ako sumagot. Pumapatak parin ang mga luha ko. Galit parin ako sa kanya, pero kasi nangingibabaw parin ang pagmamahal ko.

"Give me time, gusto kong makapag-isip na muna," sabi ko at inend na agad ang call.

I sobbed with my face covered with a pillow. Ano na gagawin mo Allyrissa? Bibigyan ko pa ba siya ng chance? Or magmo-move on nalang ako?

Tinawagan ko si Hasna at ikinwento sa kanya lahat lahat.

"Awe, I wish I could be there to hug you. It's okay to be confused with your feelings right now basta huwag ka muna gumawa ng decision hanggang hindi ka pa sure."

I nod and sniffed. "Tatandaan ko. Thankyou for listening to me."

"Awe poor you, I'm always here for you. Have some sleep kasi diba may pasok pa bukas? Also, hindi lahat ng umiiyak ay sincere, some people cry cause they were caught at wala na silang ibang choice"

Natamaan ako sa sinabi ni Hasna. So, kaya ba siya bumalik kasi wala na siyang ibang option but just to come back?

"Goodnight, Ally. I hope you open your eyes to something better and actually true."

"Goodnight..."

Pagkatapos ng call na iyon ay pumunta ako sa missed calls ko. Ford, I'm sorry.

***
Namamaga ang mata ko nanag magising ako. Ang bigat-bigat ng eyebags ko.

Pagkatapos kong mag-ready ay bumaba ako at kumain sa ginawang agahan ni Mama Layla.

"Are you okay, honey?" Tanong ni Mum.

Muntik akong maiyak pero pinigilan ko talaga. "Okay lang ako ma. Na mimiss ko lang siya minsan but I'm fine."

Lumapit saakin si mama ang then hugged me tight. "I always wanted to hug you like this. I believe you're strong and I know you can handle this!"

Ngumite ako kay mama and then hugged her tight. "I love you, mom."

"Awe, I love you and your dad." Sabi ni mama Layla and slowly rocked me.

Nanibago din ako kasi wala si Ford. Matalino iyon, baka ayaw na saakin dahil nakikita niyang mahal ko pa si Michael...

Ayoko na muna mag-isip kaya binilisan ko ang pag-kain. Tapos ay hinalikan ko si mom at lumabas na ng bahay.

Nagulat ako ng makita ko si Ford sa gilid ng post. Napahawak pa ako sa dib dib ko.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ba't hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kanya.

He looked at me.

"Good morning to you too," bati niya at biglang nagsimulang maglakad.

"Goodmorning," I muttered habang nakasunod sa kanya.

I looked at his back. May hawag nanaman itong paperbag. Siguro siopao nanaman ang laman niyan.

I cleared my throat and he stopped walking. "Are you uncomfortable?"

"Huh? Uhm... h-hindi naman," sagot ko.

"But you're stuttering." Lumingon siya and walked towards me. He took my hand and drag me.

I felt secured na hinahawakan niya ang kamay ko. Ang init ng kamay niya.

"If you're uncomfortable, tell me. Huwag iyong nagpapa ubaya ka nalang kasi hindi mo alam saan ka patungo," he said.

I squeezed his hand and he squeezed mine back. "Hindi ba kita nasasaktan?"

I heard him exhaled sharply. "Kung lalayo ako masasaktan panaman rin ako. Pwede na ito, atleast nakakasama kita kahit masakit."

I felt his words. I bit my lower lip. We stopped nang nasa waiting shed na kami at pumara siya ng papalapit na na tricycle.

I took my hand back.

"I'm uncomfortable," I uttered.

He faced me and smiled.

"Iyang ngite mo, ang peke," I said looking at his eyes.

Then he smiled even wider. "Atleast I smiled."

Pagkatapos non ay huminto ang tricycle sa tapat namin. Pumasok ako pero hindi siya sununod.

"Sigeh na po kuya," sabi niya.

"Wait lang po," sabi ko at hinarap kp siya. "Hindi ka ba sasabay?"

"I'll take the other one. If I'm making you uncomfortable then we shouldn't be in one place."

Pagkatapos niya masabi iyon ay he took a fee step back at nag-lakad sa ibang direction. Umandar na rin ang tricycle na sinasakyan ko. I think it's better this way. Ayokong nakikita siyang nasasaktan.

If We Never LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon