Four

294 8 0
                                    

Dalawang weeks na ang dumaan at nakakakuha parin si Allyrissa ng love letters. Sumusulat narin siya dito at iniiwan niya na lang pagkatapos ng klase nila. Every Monday, Tuesday, Thursday at Friday lang siya nagrereply. Nag iiwan siya ng sulat sa ilalim ng desk niya. Kasi Wednesday and Saturday whole day sila, busy ang two days na yan.

Minsan narin niyang sinubukan na ma huli ang nagpadala sa kanya ng letter pero meh wala parin. Binigyan niya din ito ng number niya para text text nalang pero ang sabi, "texts are overrated. The smell of ink on the paper is priceless and my not so good handwriting will tell you I try ♡"

Hindi na rin sila masyado nagkakausap ni Michael. Busy din kasi iyon, first section iyon kaya mas grabe ang kanilang pag study. Everymonth kasi ang exam at quizzes sa school nila.

"May plano ka bukas? Punta tayo sa sinehan, nood tayong The Shape of Water" Anyaya ni Lita.

"Ano araw ba bukas?" Tanong rin ni Allyrissa.

"Sure ka ba hindi mo alam?  Duh! Ayoko na talaga saiyo pag hindi mo alam!"

"Siyempre alam ko noh! July 31, ika 5 years natin. Advance happy anniversary," sagot ni Allyrissa at hinalikan ang kaibigan sa left cheek nito.

"May sasabihin nga pala ako saiyo bukas. Sa sinehan nalang para cool atsaka huwag mo akong guluhin. Hindi ko sasabihin."

Napa frown si Allyrissa. What could that be? Ano kaya sasabihin ng bestfriend niya.

***

Kinabukasan ay nagantay si Allyrissa sa labas ng sinehan. Kahapon pa siya hindi mapakali sa sasabihin ng kaibigan niya.

"Hey"

Lumingon si Allyrissa to see kung sino ang tumawag sa kanya. And it was the least she expected.

"Uhm... Hi." Nahihiya niyang bati kay Michael. Kahit na nagkasama na sila dati at nagkaroon ng konting moment, awkward parin talaga and that moment was weeks ago.

"Mag-isa ka lang ba?"

"Hindi... hinihintay ko si Lita. Anniversary namin..." sagot ni Allyrissa.

Napataas ang isang kilay ni Michael ddahil doon. He thought she could be lesbian... or maybe bisexual. "Are you ga--"

"No! Hindi ako gay! What I mean is anniversary ng friendship namin!"

Sabi na nga ba at iyon talaga ang ma-iisip ni Michael. She had to correct him a right away and she hopes she didn't look weird.

"Oh, alright. I'll see ya inside then," sabi ni Michael.  Nag-smile ito sa kanya bago ito tumalikod at iwan siya.

Nag grumpy face si Allyrissa.  Siguradong iba na naiisip ni Michael. " Na creeped out siguro siya saakin."

Nag buntong hininga si Allyrissa atsaka inayos ang strap ng shoulder bag niya. Nagpatuloy siya sa paghihintay hanggang sa  dumating na talaga si Lita.

"I'm so sorry! Medyo nagka problem sa bahay. I'm really sorry," paghihingi ng tawad ni Lita.

Nag kunwari si Allyrissa na galit siya at naka cross pa ang arms nito. "Ikaw magbayad ngayon!"

"Oo ako na! Ako naman talaga bumabayad palage tsk..."

Hinatak ni Allyrissa si Lita.  Bumili sila ng ticket at buti nalang ensakto pa sila sa oras. Hindi na nila napanood ang The Shape of Water, nag Us nalang sila. Bumili sila ng tig isang large drink at popcorn. Sa pinaka likod sila naupo at sobrang may marami pang space.

Horror ang pinanood nila pero hindi naman sila matatakutin. All the time na focus si Allyrissa sa panonood, si  Lita naman ay nagpractice sa utak niya ng mga sasabihin. Mukhang nakalimutan na nga ni Allyrissa na may sasabihin pala ang kaibigan niya.

Sa kalagitnaan ng movie ay napag desisyonan ni Lita na sabihin na talaga sa kaibigan niya. "Ally... sasabihin ko na..."

"Wait ... bad ba iyan or good? Maiiyak ba ako? Ano ba kasi iyan?" Kinakabahan siya, parang seryoso kasi.

"Uhm... kasi... ang parents ko, pinapauwi na ako..."

"Ah... ganoon ba? Akala ko ba free tayo ngayon? Sana hindi nalang tayo nagplan. Pwede naman bu--"

"No, Ally... gusto nilang mag transfer ako. Babalik na akong Sweden..." nakayukong sabi ni Lita. Alam niyang, she disappointed her best friend.

"Pero... hindi ba pwedeng, maggraduate na muna tayo ng highschool na sabay? For five years iyan yong goal natin diba? Graduate together..." hindi napigilan ni Allyrissa at mapa-iyak siya. "Ang sabi nila diba? Okay lang na mag graduate tayo then vacation ka lang nandoon? Bakit biglaan yata atsaka nakapag enroll ka na... sulitin mo nalang."

"Iba ito eh... kailangan na talaga akong umuwi sa Sweden. I'm sorry talaga." Umiyak na din si Lita.

"Bakit ba ngayon pa? Last year na eh, masakit isipin na ang long time goal natin na malapit na sana natin makamit mawawala lang"

Nakayuko lang si Lita at umiiyak. Pinagtitinginan rin sila ng nasa isa pang row. Kasi naman, horror ang pinapanood nila pero umiiyak silang dalawa.

***
Pagkatapos ng moment nila ay sabay na silang naglakad sa sakayan. Naunang naglalakad si Allyrissa, nagtatampo parin ito kay Lita.

Napadaan sila sa isang ice cream shop kaya agad hinatak pabalikd ni Lita si Allyrissa.  Pumasok sila sa shop at bumiling dalawang ice cream. Naupo sila sa pinaka corner, iyong malapit sa window.

"Wala ka ba talagang mabibigay saakin na reason?" Malungkot na tanong ni Allyrissa.

"Alam mo, dapat na tayong umalis"

"Bakit? May curfew ka na ngayon? Parang tinatapos mo na yata ang friendship natin. Magtatawagan naman tayo right?" Tanong ni Allyrissa.

Hindi sumagot si Lita. Sobrang hirap ng gagawin niya. Napamahal na siya dito and it's too hard to tell her the truth.

"Hoy! Magsalita ka! Ano ba ang reason mo?"

Tiningnan ni Lita si Allyrissa.  Ibang tingin ito, it seems like ang mga mata ni Lita was saying something.

"Kung bibigyan kita ng rason. Would you let me go?" Tanong ni Lita.

Hindi makapagsalita si Allyrissa.  Bakit ba parang hindi yata si Lita ang nasa harap niya. "Seryoso ka ba talaga?"

Nagtitigan silang dalawa hanggang sa bigla nalang siyang hinalikan ni Lita. Their lips touched for seconds then bigla nalang umalis si Lita.

Dahil sa shock hindi niya nasundan si Lita. Hinawakan niya ang dibdib niya, feeling her heart beating so fast. "Bakit niya ginawa iyon?"

If We Never LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon