23

106 7 0
                                    

23

Veniscio's POV

Natapos na ako sa pag-sign ng mga papers kaya nag relax na muna ako. Tumitig ako sa labas ng bintana at nag-recall nanaman saakin ang mga sinabi ni Pulubi.

"She just made a terrible mistake any girl inlove would do..."

I sighed at tumingin sa ceiling ko.

I smiled nang ma-alala ko si Hasna. Maybe I should call her. Kinuha ko ang phone ko and dialed her number. Recess naman eh so siguradong sasagot iyon.

"Hello? Napa-tawag ka?"

"Wala lang, nami-miss ko lang boses mo," I answered.

Akala ko ay sasagot siya ng 'nagbibiro ka ba?' instead ay inend nito ang tawag.

Natulala ako, still holding my phone sa gilid ng tenga ko. Hasna is full of surprises, kaya napapa-ngite nalang ako sa kanya. She's really interesting.

Ibinaba ko na ang cellphone ko.

"Kuya!" sabi ng kapatid kong biglang pumasok sa kwarto ko.

"Bakit?"

"Pahinge ako ng—"

"Ayaw ko! Mang-hinge ka kay butler!" cut off ko sa kanya.

Hindi ko na pinatapos dahil alam ko naman kung ano ang hihingin niya. Mang-hihinge siya ng liquor para sa experiment niya. Hindi na kasi siya pinapayagan sa mga experiment niyang wala namang halaga.

"You're so mean to me!" Sigaw ni Carissa.

"Now, now, how am I mean? You know your brig brother doesn't drink. Butler will caught us easily. I suggest you go sneak inside grandpa's room."

Nabuhayan siya bigla atsaka nag light ang bulb sa ulo nito't dali-daling umalis palabas. She's only seven and she's already doing dangerous stuffs. I had to heavily sigh to that.

Ang boring rin palang mag absent.

***

Nagising ako around 4 PM. Uwian na nila. Nag-madali akong maligo at mag-bihis then nagpahatid ako sa park to see Hasna.

There's no point problematically thinking about my friendship with pulubi; I honestly understand what happened.

Nag-hintay ako na dumaan si Hasna pero na bored lang din ako kaya tumayo ako't naglakad-lakad. Na-punta ako sa part ng park na medyo walang tao and there I saw her. Lalapitan ko sana pero na-isipan kong, maybe I should call her.

Inilabas ko cellphone ko and dialed her number.

Nang una ay tinitigan niya lang ito but she ended picking it up.

"What?"

Taray niya.

"Saan ka ngayon? Kita tayo?"

"Bakit?"

Cold.

"Gusto lang kita makita— please don't hang up!"

Nagulat yata siya dahil hindi siya agad naka-sagot and her expression changed.

"Alam ko ang nang-yari sa inyo ni Allyrissa. I don't want to be a replcaement. I can't be her," mahina niyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit but it feels like may gusto siya saakin... and I think I do too.

"Ha—"

Toot. Toot. 

Wow. The call just ended.

Tiningnan ko siya and she was staring at her phone.

Ito na' yong part na dapat ko siyang i-confront about her statement. So I went and walk towards her.

I sat in front of her with my palm supporting my poker face. I refuse to let her read me. This time it'll be her I'll properly read.

Gulat na gulat siya and that's expected.

"B-bakit ka nandito?"

"Hindi ko alam, maybe I want to beg  you to be  Allyrissa's replacement..."

Nag-iba agad ang expression sa mukha niya and she looked away.

"... or maybe I just really wanted to annoy you cause I find you interesting."

She looked up to me, surprised and ... happy? Pero ilang seconds lang din iyon at ini-wala niya agad ito.

"Tch! Your jokes are raised up to a new level, huh?"

So, she thinks I was kidding now.

Hindi ko siya sinagot. I give up. Tinawanan ko nalang ang sarili ko.

"Weirdo," comment niya.

Tumabi ako sa kanya and looked at the book she's reading. Lie to Me, a pretty great book.

Tinamad ako bigla at nakita ko na free ang lab niya kaya inu-nan ko na ng hindi nag-papaalam sa kanya.

"I-alis mo ulo mo kundi tatayo ako," sabi niya habang nakatingin pa din sa libro.

Sad, I can't see her face dahil sa libro. She seemed unbothered by what I'm doing kaya hinawakan ko ang wrist niya't inilayo ang libro para masilayan ko ang kanyang mukha. I smiled when I saw her surprised face again.

And this happened, sinampal niya ako sa libro niya kaya napa bangon agad ako.

She glared at me pero tinatakpan niya ang kalahati ng mukha niya. Perhaps she blushed?

"Huwag ka na nga lumapit saakin!" sigaw niya.

"Why not?"

"K-kasi lalaki ka! Ma-issue pa tayo, gago"

That was the first time I heard her say that and I accidently chuckled.

"Tinatawa-tawa mo?"

She sound annoyed.

"Do you really care about what they'll say?"

Hindi sumagot si Hasna kaya naman ay humiga ako ulit, same as earlier na naka unan ako sa lap niya. This time ay binalewala lang niya ako't patuloy lang siya sa pag-babasa. I liike how we're both quiet and contented with each other's presence.

Hasna's POV

I took a glance at him. I can't help but stay quiet. Hindi rin ako maka-protest kasi gusto ko rin ang nangyayari. Nag-buntong hininga ako nang makitang mahimbing ng natutulog si Veniscio. Malay ko bang pupunta talaga siya dito, hindi tuloy ako prepared sa nangyari.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

Recalling what he said, he made it sound like gusto niya rin ako— What am I thinking? Sinampal ko sarili ko. No! He doesn't like you! Narinig mo diba? He likes Allyrissa! Intelligence lang ang lamang mo sakanya!

Nagulat ako nang biglang itinaas ni Veniscio ang kanyang kamay, caressing my cheek. Napatitig tuloy ako sakanyang mga mata. His eyes was telling me he has some kind of feeling for me.

"You're crying..." he muttered.

"H-huh?"

Oo nga... ba't ako naluha? Bakit hindi ko napansin?

"What's wrong, Hasna?" sincere niyang tanong saakin.

Should I just be honest with him or pretend it's nothing?

*****

If We Never LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon