27
Veniscio's POV
Isang week na nakakalipas simula ng semestral break namin. Heto ako, happy and contented kay Hasna. Hindi ko pa nasasabing mahal ko siya and I don't really plan to tell her sooner kasi gusto ko muna iparamdam sa kanya.
Right now ay papunta ako sa orphanage kasi gusto ko lang siya makita. No big reason.
Nang nasa street na nila ako ay napansin ko ang isang tindera ng bulaklak. Alam kong sinabi saakin n i Hasna na hindi niya gustong binibigyan siya ng mga gifts especially bulaklak at chocolate but that could be a lie.
"Nay, mag-kano po ang isang rosas?" tanong ko sa nag-titinda.
"Bente pesos nalang yan hijo"
Tiningnan ko ng ma-igi ang rosas. "Ba't po mura?"
Ngumise si nanay. "Kasi malapit ng malanta iyang napili mo, hijo."
Napakamot ako sa ulo ko.
" Hindi naman po mukhang malalanta to bukas eh"
"Hindi naman lahat ng nakikita mo sa labas ay iyan din ang nasa loob, hijo. Expert na ako sa mga bulaklak kaya alam ko," sabi ng Ale.
Sa bagay, ngayon rin lang din ako naka-bili ng bulaklak na ako talaga ang pumili.
Nag-bayad ako sa matanda, ginawa ko ng isang libo kasi naa-awa rin ako.
Nang nasa gate na ako ay agad akong sinalubong ng mga bata. Kilala na nila ako simula noong nagpa-party ako dito kaya in and out lang ako at walang problema.
"Si ate Hasna wala dito, umalis eh" sabi ng batang kulot ang buhok.
"Saan daw papunta?" tanong ko sa mga bata.
"Walang sinabi atsaka para pang nag-mamadali kaya hindi na namin natanong."
Hmm... saan kaya siya pumunta?
Hindi ako naka-tiis at tinawagan ko siya.
"Ano kailangan mo?"
As always, no 'Hi' or 'hello'
"Nasaan ka?"
"Nasa labas."
"Sino kasama mo? At sabi ng mga bata ay nag-mamadali ka daw umalis. Puntahan kita?"
"No, huwag na. Pa-uwi nanaman din ako," mahinang sabi ni Hasna.
Parang malungkot yata siya.
"Ako na mag-susundo saiyo. Asan ka nga?"
*toot*toot*
Tangina! Minsan din ang tigas-tigas din ng babaeng iyon. Ibinaba ko ang phone ko at ibinalik sa bulsa ko. Napa-buntong hininga ako. Makikipag-laro nalang ako sa mga bata til she comes home.
*****
Nine ng gabi na at nasa labas parin ako ng orphanage naghihintay sa babaeng ang sabi niya'y pauwi na siya. Dala-dala ko pa ang rosas kong naka-silid ang stem sa vase. Nalalanta na siya... tama nga ang Ale kanina.
Parang late na talaga kaya tumayo na ako at iniwan nalang ang rosas na nasa vase kung saan man ako naupo kanina.
Tinext ko ang driver namin at nagpa-sundo nalang ako.
Ilang minuto lang din ay dumating na ito. Nasa loob na ako ng sasakyan ng mapatingin ako sa gilid kung saan bumababa ang mga pasahero sa jeep. Bigla akong napa-hawak sa dibdib ko.
I just saw Hasna with another guy. Shit! She's smiling and she looked really happy.
What did I just saw? I thought we were chasing the same sun but... I guess she started chasing a different star when I looked a while at the moon.
BINABASA MO ANG
If We Never Last
RomanceNang mag-crush back ang crush ni Allyrissa ay agad-agad niya itong sinagot. Dahil ang atat niya sa pag-ibig ay naniwala naman siya sa magagandang salita ng lalaki. In the end ay sinaktan lang pala siya nito. Moving on was hard, but what if the guy w...