29
Pangalawang gabi ko na ngayon. Wala padin akong natatanggap na tawag o text man lang galing sa kanya. Alam ko nanaman kung ano ang nangyayari pero parang hindi pa kaya tanggapin ng puso ko... well, not yet.
Nakatitig pa ako sa sing sing na binigay niya. Simbolo ng pag-ibig niya? Pina-ikot niya lang ako. Ako ang pipiliin kapag malapit.
Nami-miss ko tuloy si Lita, kamusta na kaya siya?
*vibrate* vibrate*
Tiningnan ko ang cellphone ko at nagulat ako nang ang naka-lagay na pangalan ay kay Michael. Sobrang nabuhayan ako dahil lang sa nabasa ko pangalan niya, pero nang mabasa ko ang laman; una pa lang ay napaluha na ako.
'Allyrissa, I'm sorry but please let me go. I'm still inlove with her... please, just forget me'
Walang masyadong sense. Wala masyadong explanation. Hindi siya paligoy-ligoy... tagos sa puso itong sakit. Nai-iyak ako na ewan. Ang sakit lang sa puso nito.
Hindi pa doon natapos dahil may pangala wa pa siyang mensahe.
"I'm really sorry. I think distance is making us like this...I think we were just too close that we didn't want to hurt each other. I don't want you to keep hoping, so please forget me."
Ano daw? Almost a month pa nga siyang wala eh! Distance is making us like what? Putangina niya! Sinisi pa ang distance namin pwede naman na sabihin niyang, wala na, nambabae ako. O dikaya'y Hindi na kita mahal kaya break na tayo.
Pinapatagal pa, pinag mukha pa akong desperada! Pinamukha pa akong tanga!
Kahit nanginginig ako'y pinili ko parin mag type. Kahit pa ang luha ko'y bumabagsak na sa screen, pinili ko parin mag-reply.
'Sana hindi mo nalang ako pinangakuan. Sana hindi mo nalang pinatagal. Sana sinabi mo. Ang sakit kasi akala ko na may babalik pa, pero hangin nalang pala. Salamat sa sakit at sana maging masaya kayong dalawa'
With that ay pinili ko na huwag nang hintayin ang reply niya. Nahiga nalang ako't umiyak ng umiyak. Hinubad ko ang sing sing na binigay niya. It reminded me of broken promises and waste of time.
Ang dali niya akong iwanan. Minahal niya ba talaga ako? O napilitan lang siyang mahalin ako para malimutan niya ang sakit nang iwanan siya ng taong totoong mahal niya?
Iyak lang ako ng iyak hangang sa may kumatok sa pinto ko.
Bumangon ako para sana buksan ang pinto pero bumukas lang din ito and there appeared si Ford. Napa-kunot ang noo ko. Wala ako sa mood para sa kanya, gusto kong mapag-isa.
"Pwede ba? Bukas mo nalang hingiin ang twenty minutes mo, gusto kong mapag-isa ngayon!" sigaw ko sakanya.
Instead na umalis siya ay isinara niya ang pinto at tiningnan ako mata sa mata.
"Diba sabi ko sa'yo, huwag kang magpapasakit sa kanya? I gave up on you kasi mahal mo siya now I'm seeing this? Tama ba na iyakan mo siya?" I could see it in his eyes na galit siya.
"Bakit? Can't I cry Ford? Kasalanan ko bang napamahal ako sa kanya? Kasalanan ko ba na nasasaktan ako kaya ako umi-iyak? Lahat naman ng nagmamahal, nasasaktan diba?"
"..."
Hindi nag-salita si Ford. Nagtitigan lang kami habang ako'y humihikbi then he stepped closed and hugged me.
"He doesn't deserve your tears..." mahinang sabi ni Ford kaya mas lalo akong napa-iyak.
Iniyak ko lahat ng sakit sa piling ni Ford. Blinock ko narin ang number ni Michael, ayoko na sa kanya, ayaw ko ng maging tanga.
Nang tumahan na ako ay tumayo na si Ford.
"Twenty minutes over. Matulog ka ng mahimbing dahil bukas... you're gonna start again with me," tapos non ay nagulat ako nang halikan niya ang ulo ko.
People who are gone will be replcaed.
Nai-isip ko parin pe— wait! Paano nakapasok si Ford ng ganon dito sa bahay?
***
Dahil Wednesday ay hindi kami nag-jogging. Ma-aga kasi ang pasok. Pagbaba ko ay kumuha lang ako ng sandwich na laging hinahanda ni Layla atsaka dumiretso na ako palabas.
Sa labas ay nagulat ako sa nakita ko.
"Good morning pulubi!" greet saakin ni Veniscio with a bright grin.
Sobrang nagulat ako to the point na hindi ako makapag-salita. Nandito pa si Ford at si Hasna...
"G-good morning," sabi ko.
Lumapit saakin si Hasna at ini-wrap ang kamay niya sa braso ko.
"From now on, I'll teach you the things to be a brave lady. Ang rami kong naririnig about you from V. Gusto kong maging kaibigan ka. Hasna pala," then she reached out a hand.
It was like panibagong araw ko, at panibagong buhay ko, a complete restart.
"Allyrissa," sabi ko atsaka nag-shake hands kami.
Na-una kaming maglakad ni Hasna and I had to look back at Ford and mouth him a 'ThankYou' and he smiled.
Nag-lakad lang kami on our way sa school at ang rami kong nalaman tungkol kay Hasna. Para din siyang si Lita pero matalino nga lang si Hasna. Nalaman ko din na sila na pala ni Singkit, which ikinasaya ko naman ng sobra. Ganito pala ang malaya at ang feeling na may mga kaibigan kang nasa tabi mo palagi.
Nang nasa school na kami ay nag-kahiwalay na kami.
"Hoy singkit! Kailan pa naging kayo ni Hasna?" Tanong ko sa kanya habang nag-hihintay kami kay ma'am.
"Bago palang din, pero matagal ko na siyang gusto. Alam mo bang namiss kita? Atsaka nag-alala talaga ako sa'yo pulubi. Lalo na ang mahal ko."
Mahal...
Nag-fake smile ako. Naalala ko nanaman si Michael...
Nakaramdam ako ng sakit sa noo ko. Taena! Pinitik ako ng walanghiyang singkit sa noo.
"Ba't mo ginawa iyon? Mahapdi!" sigaw ko habang hinagod-hagod ko noo ko.
"Wala lang, nawawala kana kasi sa usapan!" sabi niya't natawa.
The same old singkit na sobrang kulit at mapag-biro.
***
Sabay kami apat nag lunch sa canteen. Ang mga 'friends' namin ni Michael ay nagsi-tinginan sa akin. I know what they're thinking. May tumawa pa nga'ng babae. She hated me, I know.
Hinayaan ko nalang sila at in-enjoy ang company nila Hasna, Singkit at Ford. Ang sweet ni singkit kay Hasna, na lagi namang sina-saway ni Hasna. Parang mag-k-cringe na nga si Ford eh. Busy lang ito sa pagbabasa habang ang ingay ng dalawang lovebirds namin.
"Ford," tawag ko sakanya.
Ibinaba niya ang libro.
Shit! Nakalimutan ko ang sasabihin ko.
"Ah... wala," nahihiyang sabi ko.
Bakit ba ako nahihiya saknaya?
He handed me an apple.
"Para saan?" tanong ko.
"Para saan pa ba? Kainin mo"
Kinuha ko ang apple sa kamay niya at nag-continue siya sa pag-babasa. Bakit niya ako ng apple? Ang weird din niya.
*****
BINABASA MO ANG
If We Never Last
RomanceNang mag-crush back ang crush ni Allyrissa ay agad-agad niya itong sinagot. Dahil ang atat niya sa pag-ibig ay naniwala naman siya sa magagandang salita ng lalaki. In the end ay sinaktan lang pala siya nito. Moving on was hard, but what if the guy w...